Sa bahay nina Racquel...
"Oh? Twiny? Balita ko.. Napaaway ka daw?"bungad ng identical twin ni Racquel na si Roxanne.
Pagkarating niya sa bahay nila galing sa eskwela. Alas singko ng hapon.
Napaupo muna siya sa tabi nito at...
"Nope. Hindi ako yung napaaway twiny. Kundi yung mga bago naming kaibigan sa school. Sina Renchelle Zeischang at Ronalyn Campo. Nasali lang kami ni Rebecca dahil magka groupmates kami sa Music Class namin."buntong hiningang sagot at paliwanag naman ni Racquel sa kakambal niya.
"So.. How was the feeling na nakita mo na finally yung crush mo na si Dave Moffatt? Sa personal?"Roxanne teases Racquel at kiniliti sa tagiliran nito. Alam na alam kasi niya ang mga kinababaliwan ng kakambal niya. At alam niya din kung sino ang baliw na baliw din kay Racquel. Si Frankie Galasso na kababata nila.
"And who told you so? Alam mo ikaw twiny.. Pinasubaybayan mo na naman ako sa boyfriend mong si Mike na nasa Grade 10 ha?"ngingiti-ngiting tugon ni Racquel na napamulahan na ng pisngi.
"Aba? Syempre? Alam mo naman na ang gusto at ang laging wish ko pag birthday natin ay makikita mo na sa wakas ang lalaking pinapangarap at tinatangi mo at para magkaroon na din ng boyfriend ang twiny ko!? Twiny I want you to be happy just like me. Kung liligawan ka na ni Dave sagutin mo na agad! Wala nang patumpiktumpik pa boom! Kara! Kara! Ganern!"pag cheer pa ni Roxanne sa kakambal niyang si Racquel sabay yakap dito.
"Naku! Naku! Twiny malayo pa sa katotohanan yan! At saka hello? Ayaw kong paasahin ang sarili ko sa wala noh? Ayaw kong sampalin ako ng katotohanan. Na ako lang pala ang nagkagusto sa kanya at siya hindi! Ang sakit kaya nun? Ayaw kong sumugal sa isang bagay at tao na walang kasiguraduhan. Mahirap umasa twiny sa totoo lang."Racquel opposed.
"Eh? 'Di? Kay Frankie ka na lang?! Mabuti pa yun hindi mo na kailangang siguraduhin na mahal ka talaga niya. Dahil totoo naman talaga na mahal na mahal at gustong-gusto ka niya. Hindi mo lang pinapansin dahil yung atensyon mo ay nandun kay Dave na wala kang kasiguraduhan na gugustuhin o magugustuhan at mamahalin ka niya
Sa huli gaya ng nararamdaman ni Frankie para sayo. Bukod pa dun mas kabisado pa natin ang ugali ni Frankie compared to Dave. Na hindi natin alam ang pag uugali. 'Di ba?"pagpapaalala ni Roxanne kay Racquel."Twiny.. Kung pwede lang sanang i-divert yung feelings ko kay Dave para
Kay Frankie ginawa ko na?! Kaso hindi ehh.. Ayaw ko namang paasahin yung tao sa wala.. Hindi ko ugaling manloko ng tao twiny.. Alam mo yan.."paliwanag naman ni Racquel kay Roxanne."Pwede naman siguro yun twiny.. Kalimutan at tanggalin mo sa sistema mo si Dave at i-focus mo ang atensyon kay Frankie.. Ganern twiny?!"depensa naman ni Roxanne.
"Sana ganun kadali yun twiny.."buntong hiningang tugon ni Racquel kay Roxanne.
"Hayy! Naku twiny! Pwede ba? Magpaka santita ka naman minsan?! Yun ang hirap sayo eh?! Masyado kang naniniwala sa destiny at kung ano pang mga pinaniniwalaan mo! Walang destiny na mangyayari sayo twiny. Kung magpabagalbagal ka! Andami mo pa namang karibal kay Dave at Frankie! Sige ka ikaw din? Baka pagsisihan mo din yan sa huli?! Mahirap maging matandang dalaga twiny! Ikaw din?!"pagpapaalala ni Roxanne kay Racquel.
"Asus?! Destiny will come in the right time okay? Hindi naman ako nagmamadali eh?! Wala namang kotse na naghihintay sa akin sa labas!"mataray na tugon ni Racquel kay Roxanne. Tumayo na ito at..
"Bahala ka na nga jan! Magbibihis na nga ako!"si Roxanne at iniwan na si Racquel sa sala nila na napangiti at napailing na lang.
******
Sa bahay naman nina Renchelle..."Renchelle, pinapatawag ka ni mommy at daddy sa may sala. May sasabihin daw sila sayong importante."tawag ng Ate ni Ren na si Rachelle mula sa labas ng kwarto niya. Nang makita niyang nakabukas ng bahagya ang kwarto nito.
BINABASA MO ANG
Dear Great Pretender (The Moffatts Fan Fiction Story)
RandomAng pagkakaibigang nabuo, pinaglayo at pinagbuklod ng musika.