SUNDAY..
At the Crow Residence...
"Roxanne.. Anak ikaw muna ang bahala dito sa bahay ha? Kayo ni Caroline at may pupuntahan lang kami ni Racquel.." Bilin ni Janice sa anak niyang si Roxanne na nakaharap lang sa cellphone niya katext ang boyfriend niyang si Mike.
"Pero mommy? 'Di ba nagpaalam na ako sa inyo na may lakad kami ni Mike ngayon?" Medyo napataas ang boses ni Roxanne sa tugon niya sa mommy niyang si Janice.
"Anak? Pwede bang ipagpaliban niyo na muna 'yang lakad niyo ni Mike sa ibang araw? Importante 'tong lakad namin ni Racquel ehh. Ngayon lang naman 'to pwede ba anak? Roxanne?" Pakiusap ni Janice sa anak niyang si Roxanne.
"Pero mom? 9th monthsary namin ni Mike ngayon?!" Pagpipilit ni Roxanne sa mommy Janice niya.
"My decision is final. You'll stay here. Alangan namang iwan mong mag-isa ang bunso mong kapatid dito sa bahay? *nakapameywang* atsaka? Palage naman kayong nagkikita ni Mike sa school? So what's the point?!" Ma awtoridad na wika ni Janice sa anak niyang si Roxanne.
"Tama.. Atsaka? Hindi pa ba sapat na lage kayong magkatext ng jowa mo? At nagkikita pa kayo sa araw-araw sa school natin?" Sabat naman ni Racquel sa usapan ng mommy at kambal niya.
"Sang-ayon ako sa mga sinabi ni Ate Racquel at mommy sa'yo Ate! Hindi naman siguro ikakagalit ni Kuya Mike 'yun kung ipagpapaliban mo na lang muna 'yung date niyong dalawa sa 9th monthsary ninyong dalawa?!" Sang-ayon pa ni Caroline sa mga sinabi ng kapatid at mommy niya.
"Haaayyss! Sige na nga! Pinagkakaisahan niyo na naman ako ehh?! Kapag naghiwalay kami ni Mike kasalanan niyo 'yun!" Inis na tugon ni Roxanne sa kambal at bunsong kapatid niya.
"Talaga? Sa tingin mo magbibreak kayo sa isang simpling dahilan lamang? I think hindi naman ganu'n kakitid ang utak ni Mike para mag cool off kayo?! Pasensyoso at understanding na tao naman 'yung boyfriend mo." Pangangatwiran pa ni Racquel.
"Wala ka kasing boyfriend twiny! Kaya madali lang sa'yong sabihin 'yan!" Irap na tugon ni Roxanne kay Racquel.
"May boyfriend man o wala ganu'n at ganu'n pa rin naman ang sasabihin ko sa'yo twiny. Hindi naman sukatan ang pagkakaroon ng boyfriend para magsabi ng ganu'n 'di ba?" Dagdag pa ni Racquel.
"Oo na! Hayys! Kainis naman oh?! Minsan na lang kaming makapag-date ng boyfriend ko taz ganito pa?" Inis na tugon ni Roxanne sa mga kapatid niya. Pumunta na si Roxanne sa kanyang kwarto.Habang....
At The Moffatts Residence...
(7:30am)
Breakfast Time...
"Boys.. Pagkatapos nating kumain ng almusal.. Pwede bang isa sa inyo ang sasama sa akin?" Pahayag ni Maam Darlana sa kanyang mga anak at asawang si Frank habang kumakain sila.
"Hun.. Sorry but may lakad kami ng Ninong ni Bob para asikasuhin ang hacienda niya.. Pasensya na at ngayon lang ako nakapagpaalam sa'yo. Sobrang busy ka kasi sa school kaya ngayon ko lang nasabi sa'yo." Pagpapaalam ni Frank sa kanyang asawang si Darlana.
"Ahh.. Si Engelbert? Aww.. Okay hun.. Sa ating mga anak na lang ako magpapasama makikiusap.. Siguro naman walang lakad 'tong mga 'to ngayon?" Pagpapahintulot ni Darlana sa kanyang asawang si Frank. At tingin sa kanilang apat na mga anak.
"Bakit po ba mommy? Saan po ba ang lakad niyo?" Tanong ni Clint sa mommy niya.
"Oo nga mommy? Saan po ba? At kailangan pang kasama ang isa sa amin?!" Si Scott sa mommy niya sabay tingin sa mga kapatid niya.
"Elvis and CT.. Sa isang long lost best friend ko in our High School days.. Excited na nga akong makita siya ehh.." Paliwanag at nasasabik na tugon ni Darlana sa dalawang anak niya habang kumakain.
"Talaga po ba mommy? Ano po ba 'yan? Lalake o babae?"usisa ni Dave sa mommy niya.
"Siyempre babae?! *natatawa* Actually, isa siya sa ina ng kaibigan nina Ms. Campo." Tugon niya kay Dave.
"Talaga po? What a coincidence ha? Baka mommy 'yan ni Ms. Zieschang?!" Si Bob na medyo namumula pero pilit niya 'yung ikinubli. Hindi niya maintindihan sa sarili niya kung bakit ganu'n na lang siya kung kiligin kahit marinig lang ang apilyedo ni Ren.
"Nope." Iling na tugon ni Darlana sa anak niyang si Bob.
"Ganu'n? Kung hindi ang mommy ni Ms. Zieschang.. Sino?" Si Dave na napaisip.
"Baka mommy ni Gil? Pero 'wag naman sana.." Pasaring pa ni Scott.
"..o baka kay Ms. Crow?" Si Dave na napalakas ang pagkasabi niya sa apilyedo ni Racquel.
"Ehemm.. Ehemm.." Sabay na tugon nina Scott, Clint at Bob. Nagulat naman si Dave sa reaksyon ng mga kapatid niya at biglang tumahimik. Na siyang ikinangiti ng mommy nilang si Darlana.
"Parang alam ko na kung sino ang isasama ko.." Pahayag ni Darlana sa mga anak niya habang nakatingin kay Dave.
"Hun.. Alam mo parang kilala ko na kung sino sa mga anak natin ang isasama mo.." Sang-ayon ni Frank sa asawang si Darlana.
"Same here.." Si Scott.
"I-mimention pa po ba namin ni Clint kung sino ang isasama niyo mommy?!" Si Bob na tumingin sa mommy niya at kay Dave na tahimik na pailalim na nakatingin at nagkunwaring wala siyang narinig kung sino ang pinag-uusapan at tinutukoy ng parents at mga kapatid niya na kapwa nakatingin sa kanya.
"Ako po ba? Ang tinutukoy niyo?" Nahihiyang tugon ni Dave sa mga kapatid at parents niya.
"Sino pa nga ba? Chance mo na 'yan Big D para makita mo si Racquel.."si Clint kay Dave.
"Kasi sa ating apat na magkakapatid mukhang ikaw ang mas bagay na sumama kay mommy.. Kasi andu'n si Racquel.." Dagdag pa ni Bob.
"Bukod kay Dave ikaw din Robert ang isasama ko.." Pahayag ni Maam Darlana sabay tingin kay Bob.
"Naku! Mommy si Dave na lang po ang isama niyo.. Magsasagot pa po kasi ako ng module ko ngayong linggong ito ehh?!" Pagtanggi pa ni Bob sa sinabi ng mommy Darlana niya sa kaniya.
"I insist. I can't take no for an answer! Basta you *turo kay Bob* and Dave *turo kay Dave* ang sasama sa akin!" Ma awtoridad na pahayag ni Maam Darlana kina Bob at Dave.
"But mommy...." Bob in a pathetic attitude.
"No more buts! Robert Franklin Peter! My decision is final! After our breakfast magbihis at maghanda na kayong dalawa at ipapahanda ko na ang sasakyan kay Pablo para maihatid na tayo sa isang restaurant na pinag-usapan namin ni Janice!" Utos ni Darlana kina Dave at Bob. Kumain na sila. Walang magawa si Bob kundi ang sumunod sa utos ng mommy niya kahit labag sa kalooban niyang sumama. Minutes later natapos din silang kumain at pumunta muna sila sa sala para mag-usap sandali.
"Alam mo Duke.. Alam na alam ko 'yang mga paganyan-ganyan mo ehh?! Ayaw mong sumama kasi wala naman du'n si Ms. Zieschang.. Sabihin mong mali ako.." Panunukso pa ni Scott kay Bob na tila ang lalim ng iniisip.
"Alam mo wala namang masama kung sasama ka din kay mommy? Minsan lang naman 'yan makiusap sa atin ehh?!" Pagpapanatag ng loob ni Dave kay Bob.
"Kaya nga? Malay mo naman nandu'n din si Ms. Zieschang?! Magkaibigan kaya silang apat ni Racquel, Rebecca at Rona?!" Sang-ayon naman ni Clint kay Dave.
"Pero parang malabo naman ata 'yun CT? Malay mo sila lang ni Racquel at ang mommy niya ang magkasama?!" Si Bob na hindi sumang-ayon sa mga pinagsasabi ng mga kapatid niya.
"Hindi naman din masama ang umasa 'di ba?!" Si Dave.
"Haayy.. Ewan.. *iling at buntong-hininga* Sige.. Magbibihis at maghahanda muna kami ni Big D. Maiwan na muna namin kayo Kuya Elvis at CT.." Paalam ni Bob kina Clint at Scott at baling kay Dave.
"...tara na Big D!" Anyaya niya kay Dave papunta sa mga kwarto nila.
"Sige Kuya Elvis at CT maghahanda lang muna kami bago pa kami maiwanan ni mommy." Paalam ni Dave sa dalawa at sabay na sila ni Bob na pumunta sa kani-kanilang mga kwarto para maghanda.
BINABASA MO ANG
Dear Great Pretender (The Moffatts Fan Fiction Story)
RandomAng pagkakaibigang nabuo, pinaglayo at pinagbuklod ng musika.