In the Music Lab...
"Grade 9 - Soprano (SPA), Kumusta naman ang pag-iinsayo ninyo tungkol sa exam ninyo next week?"pahayag at tanong ni Mrs. Brakely sa mga estudyante niya.
"We're doing good maam."sabay na tugon ng mga estudyante niya.
"Okay.. Kung ganun.. I will wish you luck girls and boys..pagkatapos ninyong mag-insayo..please inform the Grade - 9 Tenor (SPA) at sila naman ang mag-iinsayo dito.."tugon naman ni Mrs. Brakely sa mga estudyante niya. Bago niya nilapitan sina Rona, Rebecca, Racquel at Ren.
"Ms. Campo and Ms. Zieschang..pinapatawag pala kayo ni
Madame Darlana Moffatt sa office niya ngayon din.. May sasabihin daw siya sa inyong importante."seryosong pahayag ni Mrs. Brakely sa kanila. Na siyang ikinagulat nina Ren at Rona. Ngumiti lang si Mrs. Brakely sa kanila bago lumabas ng Music Lab.
"Lagot kayoooo.."kantyaw ng mga boys na kaklase namin.
"Tsee!!! Manahimik nga kayo! Kung ayaw niyong busalan namin ang mga bunganga ninyo!"sita ni Ren sa mga kaklase nila.
"Hala? Ano kayang meron? Naku! Tapos na ata yung scholarship ko nito beshie?!"parang nanlanta at nag-alala si Rona sa sinabi ng Music teacher nila.
"Hindi ko rin alam beshie?! Tara? Puntahan na natin?! Para malaman natin ang dahilan kung bakit pinatawag tayo ng mommy nina payatot!"si Ren na tumayo at nagmamadaling iimpake ang mga notebook at ballpen niya sa bag niya.
"Paano kami ni Rebecca? Yung practice natin?"alalang tugon ni Racquel kina Ren at Rona.
"Don't worry we will inform you ahead.. Punta na lang kayo sa meeting place namin ni beshie Rona..babalik din kami pagkatapos. Okay? Bye.. See yah all later!"paalam pa ni Ren sa kanila. Tumango na lamang sina Rebecca at Racquel bago tuluyang lumakad sina Ren at Rona papunta sa office ni Madame Darlana Moffatt.
Six minutes later ay nandito na sila. At agad naman silang pinapasok ni Madame Darlana sa opisina nito at...
"Hi! Good morning! You must be.. Ms. Ronalyn Iris Campo and Ms. Renchelle Amanda Zieschang?"bungad ni Mrs. Moffatt sa kanila. Tumango naman sina Ren at Rona.
"Please..have a sit girls."utos ni Maam Darlana sa kanila. At umupo naman sila.
"Alam kong nagtataka kayo kung bakit ko kayo pinatawag sa office ko. At alam ko din ang mga nangyari sa inyo ng panganay ko at ni Clint sa inyong dalawa. Pero hindi yun ang dahilan kung bakit pinapunta ko kayo dito sa office ko. Gayunpaman humihingi ako ng paumanhin sa mga nagawa ng mga anak ko sa inyo."malumanay na pahayag ni Mrs. Moffatt sa kanilang dalawa.
"Well.. I'm so sorry din po maam. Pasensya na po hindi na po yun mauulit. Sisikapin po namin ni beshie Ren na hindi na po ulit mangyayari yun."paghingi ng paumanhin ni Rona kay Mrs. Moffatt.
"Its okay. May kasalanan din naman ako. Dahil hindi ko na masyadong nasubaybayan ang mga anak ko since they're in the stardom. Dahil kapwa kaming busy ng asawa kong si Frank sa eskwelahang ito at sa Farm business namin. At minsanan lang pumunta ang mga binatilyo ko sa bahay magkitakita kami sa bahay na boung pamilya. Well, anyways.. The reason why pinapunta ko kayo dito is I want you both to be the private tutor sa mga binatilyo kong sina Scott at Clint. Kung okay lang sa inyong dalawa? Kayo kasi ang inirekomenda ng Grade - 9 department para maging private tutor ng dalawa sa mga anak ko. I see your grades and records already. And I think you really deserve it! Don't worry may weekly allowance kayo. Kung maging effective at may pagbabago sa grades ng mga anak kong sina Scott at Clint ay baka ma libre na ang Tuition Fee ninyo sa boung taon. But its up to you girls kung tatanggapin ninyo ang offer ko sa inyong dalawa?!"nagulat sina Ren at Rona sa narinig nila mula kay Mrs. Moffatt.
Nagkatinginan muna silang dalawa at....
"Ano? Beshie? Tatanggapin ba natin?"alalang bulong ni Ren kay Rona.
"Yes, maam! We will! 'Di ba beshie?"pagpayag ni Rona sa offer ni Mrs. Moffatt sa kanila at siko kay Ren.
"Ah.. Uh..ye-ye-yes maam!"si Ren na napipilitang napapayag ni Rona.
"Ah? Much better. Thank you at pumayag kayong dalawa. Ngayong Sabado ay ito-tour ko kayo sa aming bahay at study room nila doon. Every Saturday ang tutorial ninyo ni Scott.. Ms. Campo.. at every Sunday naman ang tutorial niyo ni Clint.. Ms. Zieschang.. At Monday afternoon naman kayong dalawa ni Ren ang mag tutor sa kanila. Is that okay with you girls?"tugon at pahayag naman ni Mrs. Moffatt sa kanilang dalawa.
"Yes..maam. Noted."sabay naman na
Tugon ng dalawa. Kahit nag aalangan pa rin si Renchelle sa desisyon ng mommy nina Scott at Clint para sa tutorial 101 nilang dalawa ni Rona kina Scott at Clint.
"That's all. Makakabalik na kayo sa klase ninyo."utos ni Mrs. Darlana Moffatt sa kanila. Tumayo na sila at nagbigay-galang bago umalis sa office nito.
******
That Saturday morning...
"Rise and shine bunso! Get ready for your first day of tutorial!"bungad ng Kuya Rome ni Rona pagkatapos hawiin ang kurtina ng kwarto niya. Kinikislot-kislot muna ni Rona ang mga mata niya bago bumangon. Nag unat ng mga braso at naghikab.
"Salamat sa paggising Kuya Rome! Pero paano niyo po nalaman yun?"si Rona na umupo sa kama niya. Habang nakaupo naman ng naka de kwatro ang Kuya Rome niya sa sofa ng kwarto niya.
"Ren, just called minutes ago. At susunduin ka na daw niya dito. Kaya maligo ka na at nakahanda na yung breakfast mo. Huwag mong hintaying lumamig yun."tugon naman ng Kuya Rome niya bago lumabas ng kwarto niya. Kaya kumuha na siya ng tuwalya at pumasok na sa banyo para makaligo na.
Fifteen minutes later. Tapos nang maligo, magbihis at mag-ayos si Rona. Lumabas na siya ng kwarto niya at kumain na ng almusal. Pagkatapos niyang kumain. Inihanda na niya sa bag niya ang dadalhin niya. Sakto din na dumating si Ren.
"Beshie.. Tara na?!"napatingin si Rona sa may pintuan. Kung saan nakatayo si Ren. Tumingin si Rona sa mama niya at nagbiso.
"Ma, pupunta muna kami sa mansion
Ng mga Moffatts ha? Balik din po kami pagkatapos. Before 5pm nakauwi na po kami ni Ren."paalam ni Rona sa mama Elvie niya.
"Sige. Ingat kayo ni Ren ha? At anak dalhan mo ng mga prutas si Madam Darlana."iniabot ni mama Elvie kay Rona ang fruit basket na inihanda niya para kay Madam Darlana.
"Sige Ma! Ibibigay ko po ito. Tuloy na po kami."paalam ni Rona sa mama niya.
"Bye Tita! Don't worry ihahatid ko po si beshie Rona dito pauwi ng buo."paniniguro ni Ren sa mama Elvie ni Rona.
"Sige, ingat kayo ha?!"pagpayag ni mama Elvie kina Rona at Ren at nagbiso na si Reb sa mama Elvie ni Rona at umalis na sila. Habang nasa sasakyan sila...
"Beshie, tama ba itong ginagawa natin?"pag-aalinlangan ni Ren.
"Walang mali dito beshie. Ginagawa lang natin ito para sa ating kinabukasan. Ayaw kong sina payatot pa ang dahilan para mabahiran ang records natin sa school nila."tapat na tugon ni Rona kay Ren.
"Hindi kaya mas lalo lang lumala ang tensyon between the four of us? Sa ginagawa nating ito laban sa kanila?"pag-aalala ni Ren.
"Don't worry beshie. Hindi naman tayo pupunta dun para manggulo eh?! Pupunta tayo dun in our own benefit. Problema na ng dalawang payatot na yun kung isasautak nila ang mga ituturo natin sa kanila o hindi!"si Rona na bahagya pang tumawa ng nakakaloko at ngumiwi.
After 10 minutes...
"Maam Ren and Rona nandito na po tayo sa bahay ng mga Moffatts."tawag ng driver nina Ren at Rona.
"Sige.. Kuya..hintayin mo na lang kami sa may guard house ha? Papadeliberan na lang po kita ng lunch at meryenda niyo."si Ren at bumaba na sila sa sasakyan nina Ren.
"Wow! Ang laki at ang lawak ng bahay nila beshie!"si Rona na 'di mapigilang mapamangha.
"Duh? As we expected! Tara na?!"si Ren sabay hila kay Rona.
Pinapasok na agad sila ng guard pagkatingin sa ID nila.
Sinundo naman sila ng kasambahay ni Maam Darlana papunta sa may sala.
"Madame, nandito na po ang inyong hinihintay na bisita."tawag ng kasambahay kay Madame Darlana. Lumingon ito at tumayo.
"Hi, ladies? Welcome to our home! Kumain na ba kayo? Ipaghahanda ko kayo ng almusal bago ko kayo i-tour dito sa bahay namin?"bungad ni Madame Darlana sa kanila.
"Thank you po ng marami Maam Darlana. Pero tapos na po kaming kumain ng almusal."sagot naman ni Rona kay Maam Darlana.
"Mabuti kung ganun. So, shall we start the tour?"aya ni Maam Darlana sa dalawang magkaibigan. Tumango naman ito at sumunod sa kanya.
"Mabuti at wala yung mga anak ko dito. Malilibot ko kayo sa bahay namin."si Maam Darlana na sabik na i-tour ang dalawa sa bahay nila. Naglalakad lang sila papunta sa taas hanggang sa makarating sila sa isang kwarto na may mukha ng babaeng bata na blonde ang buhok na medyo may hawig kay Scott.
"Maam Darlana? Pweding magtanong? Sino po ba ang kyut na batang babaeng ito?"tanong ni Ren kay Maam Darlana. Sabay turo sa picture ng bata.
"My poor young unica iha.. Her name is AUDREY ANDREA IRENE MOFFATT. She died two years ago at the age of four because of an accident. Kung hindi siya namatay siguro nasa 6 years old na siya ngayon. This was her room na ipinipreserba pa rin namin ng asawa ko kahit papaano ay
Maipadama pa rin namin ang pagmamahal namin sa kanya. Kahit wala na siya."biglang namutawi ang lungkot sa mukha ni Maam Darlana habang isinasalaysay kung paano nawala sa kanya ang unica iha nila ng asawa niyang si Frank. Pero pinigilan niyang maiyak. Habang si Rona ay may ibinubulong sa sarili habang tintitigan ang larawan ng namayapang batang babaeng kapatid ni Scott. "Kawawa naman 'tong batang ito.. *sigh* sa Kuya pa niyang payatot nagmana."napailing si Rona. Nang bigla siyang napatingin sa mga albums sa may lobby malapit sa kwarto ni Audrey.
"Maam Darlana.. Kung hindi niyo po mamasamain.. Pwede po bang mahiram ko po muna yung mga albums?!"paalam ni Rona.
"Okay, Ms. Campo. Pweding-pwede. Tara na muna sa kwarto ni Clint, Ms. Zieschang."pahintulot ni Maam Darlana kay Rona at aya kay Ren.
"Po? Hindi nga?"gulat na tanong ni Ren.
"Ito-tour muna kita dun."ang sabi ni Maam Darlana.
"Pero? Paano po si Rona?"alalang tugon ni Ren kay Maam Darlana.
"Okay lang ako dito beshie. Sige na, sumama ka na muna."sabi ni Rona kay Ren.
"Huwag kang mag-alala Ms. Campo, ikaw naman ang ito-tour ko sa kwarto ni Elvis."si Maam Darlana.
"Sinong Elvis? Akala ko ba si Scott yung tuturuan ko? Bakit dalawa sila?"tanong ni Rona sa sarili habang nakatango kay Maam Darlana. Habang inililibot ni Maam Darlana si Ren sa kwarto ni Clint.
Samantalang si Rona naman ay pinagmamasdan ang mga litrato ng magkapatid. At natuwa si Rona sa bungi pictures ni Scott. Medjo marami siyang bungi pictures at may ipinuslit niya ang isa. Itinago sa bag niya na kunwari ay walang nangyari. Maya-maya pa ay natapos nang ilibot si Ren sa kwarto ni Clint. At si Rona naman ang inilibot. Pagkarating nila sa kwarto ni Maam Darlana, ipinakita niya rin sa kanya kung ano-ano ang mga pinagkakaabalahan ni Scott sa kwarto at pinakita ni Maam Darlana ang mga collections ni Scott ng gitara at kung sino ang nagturo sa kanyang mag gitara. At mga pictures ni Scott simula nung baby pa siya sa binyag niya at birthdays niya kasama
Syempre ang triplets niyang kapatid hanggang sa lumaki sila. Nakita ni Rona sa kwarto ni Scott ang isa pang bungi picture nito. At bahagya siyang ngumiti. At napansin yun ni Maam Darlana.
"Ms. Campo? Napapangiti ka yata? Anong meron?"
"Wala po Maam. May naalala lang po ako."sabi niya kay Maam Darlana na hindi pa rin mawala ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Ahh? Okay sige. Let's proceed."hanggang sa matapos mag tour si Maam Darlana kay Rona sa kwarto niya at kay Scott. Pagkatapos nu'n ay biglang dumating yung magkakapatid galing sa rehearsal nila. At nagulat sina Scott at Clint nang makita sila. Habang sina Dave at Bob pawang nakangiti lang sa kanila at tumitig na naman si Bob kay Ren ng hindi niya nalalaman.
"Mommy? Anong ginagawa ng bruhang panda na yan dito?! At may kasama pang chaperon?"si Scott na 'di niya maintindihan kung bakit nasa
Bahay nila sina Ren at Rona.
"Oo nga mommy?!"dagdag pa ni Clint.
"Bakit Elvis at Clint? Anong problema niyo kina Ms. Zieschang at Ms. Campo?"tanong ni Maam Darlana sa magkapatid. At habang nagkibit-balikat sina Dave at Bob sa isa't isa. At napahawak sa batok si Dave. Habang si Ren ay masama ang tingin
Kay Clint. At si Rona naman.
"Hahahahaha!!!"tawang-tawa sa naalala niyang bungi pictures ni Scott.
"Ohh? Bakit Ms. Bruhang Panda? Natatawa ka yata?!"taas-kilay na tanong ni Scott kay Rona.
"Bakit nga ba? Baka nababaliw na ata?!"nakangising tugon ni Clint kay Scott.
"Wala lang. May naalala kasi ako."si Rona habang nakangiti sa sinabi niya sa kanila.
"Ohh? Tama na yan mga anak.. Magpahinga na muna kayo. At alam kong pagod kayo sa rehearsal ninyo. By the way, Elvis at Clint..kaya nandito sina Ms. Campo at Ms. Zieschang sa bahay natin ay para maging tutors niyo. But on 101 Tutorials."sabi ni Maam Darlana at pahayag sa mga anak niya lalo na kina Clint at Scott.
"Mommy naman??!"sabay sagot nila Scott at Clint sa mommy nila. Habang nakataon ang pansin nila kina Ren at Rona na may halong masamang tingin.
"Why not??? Kung inayos niyo lang ang pag-aaral niyo?! Hindi sana tumagilid ang mga grades niyo! Wala sanang tutor-tutor ngayon?! Modular Class na nga lang.. Pinabayaan niyo pa?! At isa pa.. Top students sila sa klase nila! Walang masama?!"pagmamalaki pa ni Maam
Darlana kina Rona at Ren kay Scott at Clint.
"Mommy, paano at kanino niyo naman nalaman yung tungkol sa grades namin?!"takang tanong ni Scott sa mommy niya.
"Elvis, hindi na importante kung kanino ko yun nalaman! At sana respetuhin niyo yung mga tutor ninyo
At ang desisyon ko! Kung ayaw niyong pahihintyuin ko kayo sa pagkanta ninyo!"ma awtoridad na tugon ni Mommy Darlana sa mga anak niya.
"Talaga? Top students kayo Ren and Rona?"si Dave na aminadong nagulat sa sinabi ng mommy nila.
"Hahahaha! Maniwala?!"si Scott na tumawa ng nakakaloko.
"Yes. Son Dave. Gusto mo ba Scott na isa-isahin ko pa ang mga academics at awards ng mga yan? Baka abutin tayo ng umaga dito?!"nakapameywang at taas-kilay na tugon ni Mommy Darlana sa mga anak niya.
"Huwag na po mommy! Sige na.. Naniniwala na po ako?!"si Scott na napipilitan lang.
Habang nagpaalam na si Ren at Rona.
Nakatingin na naman ng masama si Scott kay Rona at si Clint kay Ren.
Napansin ito ng dalawa sa triplets si Bob at Dave.
"Ano na naman 'yan mga bro? Mukhang nakakita na kayo ng katapat ninyo ah?!"panunukso ni Dave kina Scott at Clint.
"Good luck sa inyong dalawa ha? Lalo ka na Kuya Elvis?!"panunukso ni Bob kay Scott.
Maya-maya pa ay nag walk out yung dalawa papunta na sa kwarto nila. Dahil sa pang-aasar nina Dave at Bob sa kanila. At pumunta naman sa kani-kanilang kwarto sina Dave at Bob.
BINABASA MO ANG
Dear Great Pretender (The Moffatts Fan Fiction Story)
RandomAng pagkakaibigang nabuo, pinaglayo at pinagbuklod ng musika.