KABANATA 15: Music Class: Swimming Pool Scene💦

8 2 10
                                    

At the Moffatts Residence..
Kinagabihan ng alas siyete ng gabi. Nagpasya si Scott na pumunta sa pool area ng bahay nila para magmuni-muni. Nakaupo siya sa isang upuan malapit sa swimming pool. Bumuntong-hininga siya ng malalim at..
"Ohh? Scott, anak? 'Di ka pa nagpapahinga? Dapat magpahinga ka na para bumalik ulit ang lakas tuluyan ka ng gumaling!" Tawag at pukaw ni daddy Frank niya sa kanya nang makita niya si Scott na tila ang lalim ng iniisip at nasa ang tingin. Napalingon si Scott at..
"Kayo pala 'yan dad? Hindi ko alam dad. Hindi ako makatulog kahit anong gawin kong pikit ng mata ko ehh? Pero don't worry dad I'm getting well. Pasensya na at umalis ako ng walang paalam. 'Di naman kasi pwede na wala ako du'n sa programa na 'yun ni Mrs. Brakely ehh?! Pasensya na po talaga." Paliwanag at paghingi ng paumanhin ni Scott sa daddy Frank niya. Tinapik ni daddy Frank ang balikat niya at..
"It's okay son. Naintindihan ko. Lalo na at simula nu'ng nakilala mo si Ms. Campo napansin ko ang unti-unting pagbabago mo. Your grades were improving. Plus you're not that arrogant and selfish teenage guy I used to know. I think you're getting better since you broke up to Ms. McGuire." May ngiting tugon ni daddy Frank sa anak niyang si Scott.
"Thank you po. Pero? Ba't naman po napunta kay Ms. Campo at kay Melissa ko ang usapan dad?" Si Scott na napakunot-noo at taas-kilay.
"Sana si Ms. Campo na Elvis." May ngiting tugon ni daddy Frank sabay tapik ulit ng balikat niya at umalis.
"Bakit kaya nasabi 'yun ni daddy?" Si Scott na napaisip.
At hindi niya napansin ang pagdating ni Clint at Bob. Bumaba na sa swimming pool para maligo.
"Napansin mo ba si Kuya Elvis?" Bulong ni Bob kay Clint.
"Aba'y? Oo! Ano bang klaseng tanong 'yan Duke? Syempre may mga mata tayo at nakikita natin siya at napansin?!" Si Clint in a sarcastic tone.
"Okay, I stand corrected. I will just correct my words. What I ask is may napansin ka ba kay Kuya Elvis lately?" Natatawang tugon ni Bob kay Clint at tinama 'yung tanong niya dito.
"Na ano? Na palage siyang lutang at palaging nakatingin sa malayo? 'Yun ba ang ibig mong sabihin sa tanong mo Duke?" Tanong niya kay Bob. Habang tinitingnan nila si Scott na tila lumilipad pa rin ang isip. May dala siyang gitara at bottled water sa gilid niya.
"Oo. 'Yun nga. Nahalata mo rin pala? Simula kasi nu'ng tutorial niyo ganyan na siya. Bakit kaya?"si Bob naman na napaisip.
"Asus? Kunwari ka pa Duke?! Maka 'Bakit Kaya' ka naman parang hindi mo alam 'yung kasagutan sa sarili mong tanong?"si Clint na nagpapakasarkastiko na naman.
Pero bago pa man makasagot sa tugon ni Clint sa kanya. Dumating si Dave na maliligo din. Lumapit ito kay Bob pagkatapos niyang ilagay ang tuwalya sa isang upuan malapit kay Scott.
Lumusong na siya sa tubig at sabay bulong kay Bob.
"Anyare kay Kuya Elvis? Bakit tulala na naman 'yan?" Si Dave sabay nguso kay Scott na 'di napansin ang presensya ng mga kapatid niya sa pool area.
"Yun din ang napansin namin kay CT pagdating namin dito pagkatapos siyang kausapin ni Daddy Frank kanina." Sagot naman ni Bob kay Dave.
"Wait! May naisip ako." Si Dave na umahon at nilapitan si Scott mula sa likod at..
"Hoyy! Lamokk!!!" Si Dave sabay sampal ng lamok sa likod ni Scott na siyang ikinagulat nito.
"Lamok! Manok! Ano ba 'yun?" Si Scott na napatayo bigla sa pagkagulat niya sa presensya nang kung sino mang nanggulat sa kanya.
Humagalpak ng tawa si Dave gayundin si Bob na napaahon sa swimming pool at napaupo sa upuan malapit kay Dave.
"Pambihirang buhay naman 'to Oo! Kayo palang dalawa ang nanggulat sa akin?!!" Si Scott na napa-cross-arms pa at medyo napataas ang boses.
Lumapit si Clint sa kanila nang marinig ang boses ni Scott.
"Anong nangyayari dito? Nag-aaway ba kayo?"si Clint na lumapit sa kanila habang nagpupunas ng tuwalya sa katawan niya.
"Bakit hindi mo itanong diyan sa mga ka-triplets mo?" Si Scott sabay nguso kina Bob at Dave na tawa pa rin ng tawa.
"Ehh? Napansin kasi naming tulala na naman 'yang si Kuya Elvis ehh? Ano nga ba kasi ang iniisip mo diyan Kuya? Share mo naman sa amin!" Si Bob na bahagya pa ring natawa.
"Hindi ano Duke! Kung 'di sino?! *baling kay Scott* Huwag ka nang mahiya sa amin Kuya! Hindi ka nga nahiya sa mga Spanish fans natin sa Spain ehh?! Mas malala nga 'yun sa pa-request namin sa'yong ipa-share ehh?! 'Di ba CT?!" Si Dave na may halong pang-aasar kay Scott.
"Naku! Big D! 'Wag na 'wag niyo akong idadamay diyan sa mga kalokohan niyo ni Duke! Labas ako diyan!" Si Clint na napaupo na lang sa tabi ni Bob.
"At bakit naman? Alam niyo kung aasarin niyo lang din ako 'di bale na lang! Makaalis na nga!" Si Scott na naiinis na. Akmang aalis na sana pero...
"Wait! Kuya Elvis! May nakalimutan ka ata?!" Tawag ni Dave sa kanya.
Napatigil naman si Scott at napalingon. Only to find out na ginawa ni Dave 'yung ginawa niya sa Spain gamit ang gitara niyang acoustic.

Dear Great Pretender (The Moffatts Fan Fiction Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon