KABANATA 20: Matthew and Andrew

11 2 3
                                    

SAMANTALA...
Nakapagparegister na sina Luke, Ivan at Juliza sa Registrar's Office.
"Finally, naka-enroll na rin tayo dito. Wooohh!! Ang saya lang!" may ngiting sabi ni Luke kina Ivan at Juliza.
"Oo nga, Bro! I think naman na magiging okay tayo dito sa school na 'to." sabi ni Ivan kay Luke.
"I think, tama kayo parehas. Marami rin tayong makikilalang bagong estudyante na magiging classmates natin. Hmm.. But, parang may pangamba pa rin ako kung anong meron sa school na ito at napaka popular nito." sabat ni Juliza na may pag-aalala.
"Ohh paano ba 'yan?! Mapupunta ako sa SPA section pa nina Rona sa Grade 9 - Soprano. Kayo ba?" pahayag at tanong ni Luke kina Juliza at Ivan.
"Basta ako, sa Grade 9 - Tenor mapupunta as usual, SPA section pa din?! Anong klase kaya ng mga estudyante ang meron du'n?" sabi ni Ivan.
"Ako din ehh, Grade 9 - Tenor. So ibig sabihin, mapupunta ako sa second SPA section kasama si Ivan?!" sabi ni Juliza.
"Wow?! Congrats ha?! Magkasama talaga kayo sa isang section ehh? Sana all!? *laughing* Ingat lang kayo palagi. Di ninyo ako kasama sa iisang section. Madaya kayong dalawa." pabirong sabi ni Luke sa dalawa.
"Mas okay 'yun! Mababantayan ko siya ng mabuti sa mga babae du'n! *nagkatinginan sina Ivan at Luke* *sabay tingin kay Juliza* Makatingin naman kayo? Ano ba kayo?! Joke lang 'yun. Alam ko naman na kahit gwapo si Ivan ehh, 'di niya ako ipagpapalit sa makikilala niyang classmates namin na babae. Kahit gaano pa siya kaganda?!" confident na sabi ni Juliza sa dalawa.
"Okay! Ngayon, mag-iiba na ang takbo ng pangyayari dito sa school na 'to!" bulong ni Luke sa sarili niya.
"Ano 'yung sinabi mo, Luke?!" tanong ni Juliza kay Luke.
"Ahh wala! Wala 'yon! 'Wag mong intindihin 'yun." sagot ni Luke.
"Tara na sa kaniya-kaniyang classroom natin!" aya ni Luke sa dalawa.
"Sige!" sabay na sabi nina Ivan at Juliza.
- - - -
Habang nasa loob ng classroom sina Rona, Ren, Rebecca at Racquel.
May tatlong babaeng nagngangalang Kimberly, Ashley at Nichole na dumaan at tumigil sa mismong classroom nina Rona sa Grade 9 - Soprano at siya ang sadya ng mga ito.
"Hoy! Ms. Panda Girl?! Halika nga dito!" tawag ng isa sa tatlong babae na nagngangalang Kimberly mula sa may pintuan ng classroom nila.
Nakaupo sa armchair si Rona at naka-straight ang upo habang nagsusulat sa notebook niya. Hindi niya pinapansin ang tawag ng mga ito
"Hoy!! Ms. Ronalyn Iris aka Bruhang Panda Girl?!! Bingi ka ba? Lumabas ka dito!" sigaw pa ulit ni Kimberly.
Napatingin si Rona habang napatigil siya sa pagsusulat at pinapaikot niya ang kaniyang ballpen sa daliri niya.
"Bakit? Anong kailangan mo sa akin?" tanong ni Rona sa babaeng tumawag sa kaniya sa malumanay na boses.
"Lumapit ka dito. Lumabas ka diyan!" sigaw pa ulit ni Kimberly.
"Ehh paano kung ayaw ko? May magagawa ka ba? At isa pa, ikaw ang may kailangan sa akin hindi ba?" tugon ni Rona kay Kimberly habang pinapaikot niya pa rin ang ballpen sa daliri niya.
"Ahh??? Ayaw mong lumapit dito ha? Sige! Ako ang lalapit sa'yo!" pagtataray na sabi ni Kimberly kay Rona.

Dali-daling lumapit si Kimberly pati ang dalawang kasama nito na sina Nichole at Ashley. Kinaladkad nina Ashley at Nichole palabas si Rona habang sinasabunutan ni Kimberly.
"Ikaw na babae ka! Ang kapal din naman ng mukha mo na ipahiya si Scott! Ngayon, ikaw naman ang ipapahiya ko!" sabi ni Kimberly na nanggigigil ng sabunot kay Rona.
"Ano ba?! Arayy! Araaayy!! Nasasaktan ako! Tigilan niyo nga ako!" ang tanging sambit ni Rona habang nagpupumiglas kina Ashley at Nichole na nakahawak sa magkabilang braso niya at sabunot pa rin siya ni Kimberly.
Binitawan si Rona ng dalawa at itinigil na rin ni Kimberly ang pagsabunot dito.
"Sana, inisip mo muna 'yang ginawa mong atraso kay Scott! *tinulak si Rona sa sahig* Nakakahiya ka! Top 1 Overall ka pa naman din sa SPA section ng Grade 9! tapos naiinvolve ka sa mga ganitong issue o kung anuman 'yang issue niyo ni Scott?! Ayaw ko sa'yo!! *dinuro duro* Masyado kang napapalapit sa mga Moffatts Brothers. Lalo na kay Scott! Tandaan mo, akin lang si Scott! Hindi porke't tutor ka ni Scott ehh, aasta kang ka-level niya?! Hindi! Hindi ako papayag na sa isang tulad mo lang na mahirap mapupunta si Scott na sikat at tinitilian!! Tandaan mo 'yan!" pahayag ni Kimberly kay Rona.
Nagsimula ng umiyak si Rona.
"Pati 'yung mga imba mong kaibigan ay hindi rin nararapat sa Moffatts Brothers! Bagay nga kayong magsama-sama. Mga imba kayo! Hindi naman kayo kagandahan! Feeling sikat! Tsee!" dagdag naman ni Ashley.
Tumayo si Rona.
"Bawiin niyo 'yang sinabi niyo! Hindi kami imba ng mga kaibigan ko! Laitin niyo na ko, 'wag lang 'yung tatlo kong mga kaibigan! At isa pa, anong sinasabi niyong may atraso ako sa lalaking 'yon (Scott)? Hindi totoo 'yang mga pinagbibintang niyo sa akin!" sabi ni Rona habang lumuluha.
"Galing mismo kay Scott na may atraso ka sa kaniya at madaming utang na dapat bayaran! Nabasa namin sa RED CARD na idinikit niya sa locker mo! Don't me Ms. Bruhang Panda girl!" sagot ni Nichole sa sinabi ni Rona.
"...Bakit Scott? Bakit mo ako ginaganito?" sabi ni Rona sa isip niya habang nakatingin ng matalim sa tatlong babaeng nanghahamak sa kaniya.
"Bakit? Ganiyan ka makatingin? Papalag ka? At hindi ko kailangan ng paliwanag mo Bruhang Panda ka! *sabay tingin sa mga estudyante* Pagtulungan siya!!" utos ni Kimberly sa mga estudyante para saktan si Rona.

Dear Great Pretender (The Moffatts Fan Fiction Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon