Kabanata 2: Ang Masakit Na Nakaraan

36 3 3
                                    


Nakaupo lang si Rona nang mga sandaling yun sa isang swing kung saan sila madalas magtagpo at mag usap ni Matthew. Na 'di kalayuan sa kanilang bahay. Dito siya madalas nagmunimuni pag weekend o pag wala silang pasok ni Ren.Bumalik sa kanyang alaala nung mga sandaling kasama pa niya si Matthew.>>>>>>

"Alam mo ba kung bakit ito ang ginawa kong tagpuan nating dalawa?"si Matthew na kayakap mula sa likod si Rona.

"Bakit naman? Dahil ba walang istorbo dito?"usisa ni Rona sa nobyo niyang si Matthew. Napangisi naman si Matthew at...

"Hindi. Mali ka dun my princess. Dahil simple as malapit lang sa inyo ang tagpuang ito at madali lang kitang maihatid sa inyo.

"Alam mo prinsipe ko ang corny mo? Ilang mais na naman ba ang nakain mo ngayong araw ha? At naging ganyan ka na naman ka corny ngayon?"kinurot niya ng Bahagya sa pisngi ang nobyo niya.

"Isang truck! *tumawa siya ng malakas* biro lang my princess dalawang piraso lang ng sweet corn ang kinain ko. Kahit corny ako at least sweet naman ako 'di ba?"idinikit pa ni Matthew ang pisngi niya sa pisngi ni Rona.

"Saan naman kaya kita kukurutin ngayon sa kakornyhan mo hah? Prinsipe ko?"nagsitawanan na lang sila at nagkulitan.4 months later...Biglang sinugod sa hospital si Matthew...

"Tita, anong nangyari kay Matthew? Bakit sinugod siya sa hospital? Nawala lang ako ng ilang araw dito? Ito na ang nangyari? Tita, may hindi ba kayo sinasabi sa akin?"alalang tugon ni Rona sa mommy ni Matthew habang nasa ICU si Matthew. Napahagulgol na lang ng iyak ang mommy ni Matthew. At niyakap si Rona ng mahigpit."

"Ate, may stage 3 na Leukemia si Kuya Matt."malungkot na tugon ni Moira kay Rona ang bunsong kapatid Ni Matthew.

"Bakit hindi niyo pinaalam sa akin Moira? Ako lang ba ang walang alam dito ha? Bakit niyo ito tinatago sa akin? Wala ba akong karapatang malaman ang totoo ha?"mangiyak ngiyak na tugon ni Rona sa kanila.

"Ate, may plano naman kaming sabihin sayo ang totoo eh? Kaso lang pinagbilin ni Kuya Matthew sa amin na 'wag sabihin sayo para hindi ka daw mag alala at maabala. Alam naman kasi niya kung gaano ka importante sayo yung essay writing contest na sinalihan mo eh?!"malungkot na dipensa naman ni Moira kay Rona.

"Walang hiya siya! Ako pa talaga yung inaalala niya? Imbis na siya ang alalahanin ko? Kailan pa ba niya ito tinatago sa akin?"

"Kasi nga siguro ganun ka niya kamahal Ate. Kaya ayaw niyang sirain ang masayang araw ng buhay mo. Sa pagtupad mo ng pangarap mo. Anim na buwan na niya itong inililihim sayo Ate. Kami lang dalawa ni mommy ang tanging nakakaalam ng totoong kalagayan niya."

"Napahagulgol na lang si Rona sa mga narinig niya mula sa nakakabatang kapatid ni Matthew na si Moira.Makalipas ang isang buwan.. Tuluyan nang nanghina si Matthew na nakahiga na lang siya sa kama niya. Nandito si Moira, ang mommy nila ni Matthew, si Ren at si Rona.

"Ma, ang bilin ko lang sa inyo 'wag niyong pababayaan ang sarili niyo hah? Kayo na po ang bahala sa aso kong si Fluffy na isang makulit na Siberian Husky. Binilhan ko na po siya ng dog food dun sa aparador ko. Alagaan niyo ni Moira ang isa't isa ha?"hagulgol lamang ng iyak ang tugon ng mommy ni Matthew sa kanya.

"Ikaw Moira.. 'Wag mong pababayaan ang pag-aaral mo ha? Dapat makapagtapos ka ng pag-aaral at alagaan mo din sina mommy, Fluffy at si Ate Rona mo habang wala ka pang nakitang lalake na karapat dapat sa kanya."pilit na ngumiti si Matthew kay Moira. Umiyak na lang si Moira sa tabi ni Matthew.

"Ren, alam ko kung gaano na kalalim ang friendship niyong dalawa ng prinsesa ko. Sana pakibantayan mo siya para sa akin? Kung may lalaking aaligid-aligid sa kanya. Kilatisin mo muna ng mabuti bago mo pahintulutang ligawan itong prinsesa ko. Ang gusto ko kasi yung lalaking mamahalin talaga siya ng totoo at pahalagahan ang bawat araw at minuto na kasama siya."tumango na lamang si Ren na di rin napigilang umiyak. Si Rona naman biglang napayakap kay Matthew na umiiyak.

Dear Great Pretender (The Moffatts Fan Fiction Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon