Continuation of Kabanata 27: Music Competition: The True Winners!

13 2 4
                                    


PART THREE


The True Winners


From: Mr. Greene 

"Sir Bob.. Malapit na i-submit sa amin ang mga nanalo sa kompetisyon.. Dito natin malalaman kung itinuloy ba nina Ms. Wyatt at Cheska ang mga binabalak nila.. Kung sino sa apat na judge ang kinuntsaba nila."


To: Mr. Greene

"Sige po.. Nasisiguro ko po naman na hindi si Ms. Abbey at si Mr. Vienna 'yun. Siguro isa sa dalawang 'di ko nabanggit na judges ang kinuntsaba nila."


From: Mr. Greene

"Oo. Pero huwag tayong pakakasiguro kay Mr. Vienna.. 'Di ko rin ramdam ang katapatan niyan sa mommy niyo Sir Bob.."


To: Mr. Greene

"Matagal ng associates ni Mommy Darlana 'yang si Mr. Vienna. Kaya I am so sure na hindi siya kabilang sa pinaghihinalaan natin."


From: Mr. Greene

"Kung sabagay.. Pero sa tingin mo ba isa kay Mrs. Philips at Ms. Buck ang kinuntsaba nila?"


To: Mr. Greene

"Hindi ko rin po alam eh? Pero sige let's see who's the real backstubber sa mga judges na 'yan!"


From: Mr. Greene

"Sige, sasabihan ko muna ang team ko regarding this matter para ma alarm din sila."


To: Mr. Greene

"Sige. Maraming salamat po Mr. Greene."


Kaya ang sunod na ginawa ni Bob ay nag-observe siya sa paligid.

Habang sina Clint at Ivan naman ay abala sa pag observe sa mga judges. 

"Clint, napansin mo ba?" Bulong ni Ivan kay Clint.

"Napansin ang alin?" Balik tanong niya kay Ivan.

"Focus to Ms. Buck. *nguso niya kay Ms. Buck* 'di ba sa apat na judges siya lang ang may kahina-hinalang kilos 'di ba? Para siyang hindi mapakali?" Paliwanag naman ni Ivan kay Clint.

"Akala ko ako lang ang nakapansin? Ikaw din pala?! Kanina ko pa talaga napapansin na iba 'yong mga kinikilos niya at kanina pang palinga-linga??!"tugon naman ni Clint kay Ivan.

"I-text mo nga si Duke. Ipaalam mo kung ano ang napansin natin." Utos ni Clint kay Ivan.

"Sige. Maiwan na muna kita. Diyan ka lang ha? Bidyuhan mo kung maaari si Ms. Buck. Para may additional na ebidensya tayo." Tugon at bilin naman ni Ivan kay Clint. 

Tumango na lang ito ni-roll na ang hidden camera niya.

Habang si Ivan ay lumayo muna kay Clint sa likod ng mga taong naghihintay sa resulta ng event.

---------------------------

Habang sina Rona naman...


Si Racquel ay tulala na nakatingin sa salamin ng silid nila sa backstage. Katabi si Rona tila ang lalim ng iniisip. 

"Kita mo 'tong mga babaeng 'to? Nasa outer space na naman ata ang utak?" Puna ni Ren kina Rona at Racquel.

Dear Great Pretender (The Moffatts Fan Fiction Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon