Kinabukasan..
Lunes
At CAMPO'S House
(4:00am - Preparing for school)"Ma, may tutorial po ulit kami mamaya pagkatapos ng klase namin ni Ren sa dalawang Moffatts Brothers. Tanda niyo po ba? Ma? Sina Scott at Clint ng The Moffatts. Pupunta po kami du'n deritso sa kanila. Baka gabihin na po ako. Since hanggang alas kwatro lang naman ang klase namin. Makikisabi na lang po ako kay Papa mamaya pag-uwi niya. Tulog pa po kasi siya ehh?! Ayoko naman na abalahin siya."paalam at paliwanag ni Rona sa kanyang Mama Elvira.
"Oh? Sige anak. 'Wag mong pababayaan ang sarili mo du'n ha? Ingat kayo. Mga lalake pa naman 'yung mga 'yun. 'Wag basta magtitiwala. Kasi may pagkapilyo ang mga lalake."paalala at habilin ng Mama Elvira ni Rona.
"Ma? Anong ibig niyong sabihin? Grabe naman kayo sa mga lalake ha?!"reklamo ni Rome na nakakatandang kapatid ni Rona.
"Oo nga Ma?"pagsang-ayon ni Donald na kasunuran lang ni Rome.
Habang nag-aayos para sa pagpasok nila sa school.
"Sige, baby sis. Kaya mo 'yan! 'Wag mo munang intindihin si Mama tungkol sa aming mga lalake. Mag focus ka muna sa pagtotutor mo. At saka, i-kumusta mo na lang ako kay Boy Long Hair na may Blonde sa unahan. Sino nga ba 'yun? Isipin mo.. Sikat at member ng The Moffatts ang tinuturuan mo?!"bulong ni Donald na may halong panunukso kay Rona. Habang patapos na sa ginagawa niyang paghahanda sa pagpasok sa school.
"Kuya? Kung alam mo lang!!!"Rona exclaimed to herself. Habang naghahanda na rin para sa pagpasok.
"Ohh? Bakit ka natigilan? 'Di ka umimik diyan? Binanggit ko lang si Boy Long Hair ehh?!"pagtatakang sabi ni Donald kay Rona nang mapansin niyang natahimik ang kapatid niyang si Rona na naka poker face look sa kanya.
"Wag mo ng isipin 'yun, mahal ka nu'n!"pang-aasar naman ni Rome kay Rona.
"Kuya?!! Tsk!"halatang gulat na gulat si Rona at naiinis.
"Kayo ha? Inaasar niyo ang bunso niyong kapatid. Bilisan na ninyo at magsilakad na kayo papapasok ng school."sita ni Mama Elvira.
"Ma, si Rona? Hindi ba sasabay?"tanong ni Rome.
"Wag niyong intindihin ang kapatid niyo at kasabay naman niyan si Ren mamaya sa pagpasok. Oh, sige? Lakad na at baka ma-late kayo. Alas sais pa naman ang time niyo. At sina Rona ay alas siyete pa. May remedial class pa kasi kayo. Kaya hayan, sobrang aga ng pasok niyo."paalala ng Mama Elvira kina Rome at Donald.
"Oh, sige na. Ma! *kiss sa pisngi ng mama nila at baling kay Rona* i-kumusta mo na lang ako kay Boy Long Hair ha?! Pakisabi na dumalaw naman dito minsan."sabi ni Donald at bilin nito kay Rona.
At umalis na nga sila Rome at Donald sa bahay papasok na sa school.
Habang naghahanda pa rin si Rona. Biglang tumawag si Ren sa telepono nila.
Sinagot naman ito ni Mama Elvie ni Rona."Hello, sino po sila?"tanong ng Mama ni Rona sa tumawag sa telepono.
"Hello, Tita! Si Ren po ito. Papasok po ba si Rona? May tutorial pa po kasi mamaya pagkatapos ng klase namin ehh?! Baka po kasi nalimutan niya? At saka, susunduin ko na lang po siya gamit ang kotse ko."sabi ni Ren.
"Ahh? Okay sige. Wait lang. *sabay takip sa mouthpiece* Rona anak! Si Ren, tumawag sa'yo. Susunduin ka daw niya gamit ang kotse niya." Mama Elvie exclaimed to her daughter Rona.
BINABASA MO ANG
Dear Great Pretender (The Moffatts Fan Fiction Story)
RandomAng pagkakaibigang nabuo, pinaglayo at pinagbuklod ng musika.