PART ONE
The Worse Plan Revealed
At the Dorschner's Residence
Nang makauwi na ng bahay nila si Ivan, umupo muna siya saglit sa may sofa sa living room. Para makapagpahinga kahit kaunti bago siya pumasok sa loob ng kwarto niya. Naisip niyang usisain kung anong meron sa gamit niyang limited edition na pen recorder na nabili niya. Hinalungkat niya sa bag niya 'yung pen recorder. Maya maya...
"Paano ba 'to?" sabi ni Ivan sa sarili habang kinakalikot ang pen recorder.
Sinubukan niya kung gumagana ba ito, imbis na record button ang napindot niya ay play button ang napindot niya.
Nu'ng na-hit na ni Ivan ang play button, napakinggan ni Ivan ang usapan nina Cheska at Kimberly sa plano nilang pandaraya kina Rona sa Music Competition. Habang naka-play ang button ng pen recorder, nagmamadali siyang pumunta sa may kwarto niya para mapakinggan niya ito ng maayos. Nagulat siya sa mga narinig niya sa recording. Nang mapakinggan ang lahat-lahat ng usapan.
"Paanong may nakarecord dito? Hindi ko pa naman ginagalaw 'tong pen recorder na 'to ahh? *natigilan* *bigla niyang naisip 'yung pagsabi ni Juliza sa kanya na masyado siyang burara sa pag-iwan ng pen recorder niya sa may locker room nila* Du'n ba ito na record nu'ng naiwan ko ito sa locker room namin?" napapaisip si Ivan kung may ginawa ba siya o aksidente niyang napindot ang record button ng pen recorder. Nu'ng nagkwentuhan sila ni Luke sa loob ng locker room nila pagkatapos nilang i-sold out lahat ng tickets para sa Music Competition sa eskwelahan nila.
"Hayaan na nga?! Ipagpabukas ko na lang ito." sabi ni Ivan sa sarili tsaka pinatay ang OFF button ng pen recorder.
Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya kung kakabahan, matatakot, malulungkot o magagalit?
Kakabahan kasi, iniisip niya kung ano ang magiging resulta kung hahayaan lang niya na magtagumpay sina Kimberly sa mga binabalak nila para dayain ang Music Competition. Matatakot, na baka kapag nagsumbong naman siya ay mapahamak siya. Malulungkot na baka matalo sina Rona, dahil itinuturing na rin niya itong parang mga kaibigan dahil kay Luke at hindi naman ito maging patas sa iba pang kasali sa kompetisyon. Magagalit kasi, napapaisip siya na bakit may mga ganoong tao na kailangan pang mandaya.
"Anong gagawin ko tungkol dito? Hindi ko na alam?!!" napatayo siya na napapahawak na sa sintido niya at napapatanong sa isip si Ivan habang nakatitig sa hawak niyang pen recorder. Hindi siya mapakali kaya lumakad-lakad siya sa may kwarto niya at nagpapabalik-balik ng paulit-ulit.
"Bahala na nga? Basta bukas ko na poproblemahin ito!" nang mapahinto ito sa paglalakad ng pabalik-balik at napabulong sa sarili si Ivan habang napapabuntong hininga ito.
- - - -
SAMANTALA...
At the Moffatt's Residence
Habang nasa kwarto si Clint ay naisip niyang mag-ayos ng mga gamit niya dahil napakakalat sa kwarto niya. Hindi siya mapakali na walang ginagawa sa bahay. Kaya naisip niya na magbutingting ng mga bagay na kung anong meron sa mga gamit niya. Hanggang sa natagpuan ni Clint ang pen recorder na binili niya nu'ng nakaraan. Pagkadampot niya ng pen recorder ay na-hit niya agad ng hindi sinasadya ang play button nito.
Pinapakinggan niya itong maigi. Pero, maya-maya habang pinapakinggan niya ito...
"Hala? Paanong?---" hindi maituloy tuloy ni Clint ang sasabihin niya dahil sa pinapakinggan.
BINABASA MO ANG
Dear Great Pretender (The Moffatts Fan Fiction Story)
RandomAng pagkakaibigang nabuo, pinaglayo at pinagbuklod ng musika.