At the Crow Residence...
February 15, 1999
(12:17midnight)Gising pa rin ang diwa ni Racquel. Habang nakatingin sa kisame ng kwarto niya na nakahiga after makabihis ng pangtulog. Lagpas na labinglimang minuto pagkatapos siyang ihatid ni Frankie at Kenneth sa bahay nila.
"Dave.. Bakit mo nagawa sa akin 'yun? *umiyak* sana hindi na lang ako umasa na magugustuhan mo pa ako para hindi ako masaktan ng ganito *iyak* ang sakit sakit! *naiisip niya 'yung tungkol sa nangyari sa labas ng venue ng Prom nila* all was just a LIE! A real f*ck*ng LIE! *Tingin sa mga posters ni Dave sa kwarto niya* ang nararapat sa mga 'to punitin at sunugin!" Tumayo si Racquel sa kama niya na umiiyak pa rin sabay baklas at tanggal sa paggalit na paraan ng mga posters ni Dave sa kwarto niya. Ilang minuto niyang ginawa ang pagtatanggal na 'yun. Pagkatapos isinilid niya sa trashcan ng nasa kwarto niya lumabas ng kwarto niya at pumunta sa may bakuran ng bahay nila para sunugin ang mga pinunit niyang posters ni Dave sa kwarto niya. At sinunog nga niya ito gamit ang lighter na nakita niya sa kusina ng bahay nila pagkalagay niya sa isang area sa likod ng bahay nila kung saan sila nag bonfire ng Mommy niya kapag nabobored sila sa loob ng bahay tuwing gabi. Umiiyak pa rin si Racquel mag-isa habang pinapanood niyang sinusunog na ng apoy ang mga posters niya kay Dave.
"I HATE YOU SO MUCH DAVE! Bakit mo ako pinapaasa sa wala? Akala ko 'yung pagpapakilig mo sa akin kanina sa Prom totoo 'yun?! Nagkamali pala ako! You're so DUMB! So DUMB! RACQUEL STEPHANIE CROW!!! Mas tanga ka pa sa tanga! Walang happy ever after sa inyo ni Dave! Simula sa araw na 'to kalimutan mo na nag-eexist siya sa mundo!" Galit na pahayag ni Racquel sa sarili niya habang umiiyak pa din siya.At the Moffatts Residence...
Ang hindi niya alam na ganu'n din si Dave. Umiiyak at sobrang galit sa sarili niya.
"David Michael William Moffatt! Bakit mo nagawa 'yun sa babaeng gusto at mahal mo? Napakalaki mong TANGA! Sobrang TANGA! Parang kaya mo namang layuan si Racquel? Napakaduwag mo! Hindi mo ipinaglaban ang pagkagusto at pagmamahal mo sa kanya?! You're wasting the chance na iparamdam ang totoo mong nararamdaman para sa kanya?! Saan na siya ngayon? Na kay Frankie na! Wala kang kwentang lalaki David Moffatt! Nasa kamay mo na pinakawalan mo pa? Paano ka na ngayong hindi ka makakalapit kay Racquel?" Si Dave habang sinisermonan ang sarili niya. Habang nasa pool area nila na mag-isa habang sinisipa-sipa at sinusuntok-suntok ang pader na nasa pool area nila. Nakita itong lahat ni Bob mula sa direksyon niya. Tanaw niya ang katriplet niyang si Dave na nagwawala. Hindi na lang niya ito nilapitan. Para mabigyan ng privacy ang katriplet nila ni Clint na isipin ang susunod niyang gagawin pagkatapos nu'ng nangyari an hour ago sa labas ng venue ng Prom sa eskwelahan na pagmamay-ari ng pamilya nila.
Hindi pa rin niya (Dave) alam kung kaya niyang mapanindigan ang sinabi niya kay Frankie na layuan si Racquel.
BINABASA MO ANG
Dear Great Pretender (The Moffatts Fan Fiction Story)
RandomAng pagkakaibigang nabuo, pinaglayo at pinagbuklod ng musika.