KABANATA 26: Ivan and Juliza: Caught in the Act

18 2 21
                                    


Dedicated to julizaagpalo21

The Moffatts Family High School
(7:30am)

Nagkumpulan ang mga estudyante sa may bulletin board ng ekwelahan sa may entrance at napansin ito ng mga magkakaibigang Rona, Racquel, Ren at Rebecca. Kasama sina Luke, Ivan at Juliza. Magkasabayan silang hinatid ng school bus nila.
"Bakit kaya nagkumpulan ang mga estudyante diyan?" Takang sabi ni Rona sa mga kasama niya sabay turo sa mga estudyante na nagkumpulan.
"Baka tungkol lang 'yan sa naging resulta ng awarding kagabi!" Si Luke na hindi interesado.
"Hindi niyo ba nabalitaan? 'Di ba Most Favourite Song of the Year 'yung kanta nilang Miss You Like Crazy??" Dagdag pa ni Ivan sa sinabi ni Luke.
"Yeahh. Saklayp nga, si Kuya Gil at Tal wala man lang natanggap na award kahit isa. Oo, marami silang nominations, pero ni isa wala silang natanggap." Malungkot pa na pahayag ni Rebecca sa mga kasama niya.
"Naku.. Kaya pala kanina pa namin napapansin na parang wala ka sa sarili mo ehh? *hagod sa likod ni Rebecca at yakap dito* Okay lang 'yan! Naku.. Marami pang pagkakataon na makatanggap ng awards 'yang sina Tal at Kuya Gil mo. Malay mo baka sa Grammy's pa?! 'Di ba guys?" Pagpapagaan ng loob ni Rona kay Rebecca.
Lumapit din si Racquel kay Rebecca at hinawakan ang kamay nito.
"Bes... Huwag ka ng malungkot okay? Maybe hindi pa talaga siguro time nina Kuya Gil at ng kakambal mong si Tal na makatanggap ng awards kagabi." Pagpapagaan ng loob na tugon ni Racquel kay Rebecca.
"Nakakapanghinayang... *sigh* *si crush.. Oh my Gil. O!* like they deserve to win also 'di ba?" Si Ren na biglang nag-emote.
Nagtaka 'yung anim sa naging reaksyon ni Ren. Napatingin ito pareho sa kanya.
"Ren? Okay ka lang? Mukhang mas apektado ka pa ata kay Rebecca ah?!" Pahayag ni Juliza kay Ren.
"Oo nga? Beshie?" Segunda pa ni Rona sa sinabi ni Juliza kay Ren.
Pilit na ibinalik ni Ren ang sarili sa realidad. At napa-face palm. Napabulong sa sarili.
"Oh.. My God.. Self, anyare? Bakit affected na affected ka sa nangyari kay Gil? *bigla niyang naisip si Bob* do you think ikacrush back ka ni Gil O.?? Huwag ka ng mangarap du'n! Mas mabuti pa siguro na si Mr. Drummer Boy na lang ang isipin mo! Okay? *natigilan* do you think na ikacrush back ka din nu'n? Tigilan mo na 'yang paggiging ilusyonada mo RENCHELLE AMANDA dahil hindi bagay sa'yo!"
"Ren? Hoyy!" Tawag ni Racquel sa kanya nang napansin niyang bigla itong nawala sa sarili at tila hindi sila narinig nito.
Tsaka lang sila nilingon nito at...
"Ah.. Ha? Ano nga 'yung sabi niyo?" sabi niya sa anim.
"Anong ha? Haayy.. Naku beshie! Lutang ka na naman?!! Tara na nga? Pasok na nga tayo sa first period class natin!" Aya ni Rona kay Ren.
"As in? Wala kayong sasabihin?" Ulit ni Ren.
"Wala na muna! Tsaka na kapag nasa huwisyo ka na!" Sabay na tugon nina Rebecca at Racquel kay Ren.
"Ano ba naman 'yan?!! Sige na nga!" Si Ren na napailing na lang at naglakad patungo sa classroom nila. Kasama si Rona.
"Kayo? 'Di ba kayo sasabay sa amin?" Tanong ni Racquel sa tatlong sina Juliza, Ivan at Luke.
"Mamaya. Titingnan pa namin kung ano ang nasa bulletin board. Mauna na kayo. Susunod na lang kami." Tugon ni Ivan kay Racquel.
"Sige, balitaan niyo na lang kami kung anong meron sa bulletin board ah? Salamat. Mauuna na talaga kami sa inyo." Bilin ni Rebecca kay Ivan.
"Sasabay na pala ako sa inyo. *natigilan* muntik ko ng makalimutan na magkaklase pala tayo." Si Luke na napangisi at napakamot sa ulo niya.
"...bro mauna na din ako ha? Juliza?!" Paalam ni Luke kina Ivan at Juliza.
"Sige. Noted, Ms. Ofarim. Sige bro." Pahintulot ni Ivan kay Luke at tuluyan nang umalis sina Luke, Racquel at Rebecca.
"Ivan.. 'Yung totoo.. *crossarms* bakit mo sila pinapauna? Kilala kita." Si Juliza na makahulugan ang tingin nito kay Ivan.
Napakamot ito sa ulo at...
"Kilala mo na talaga ako my queen. *ngisi* okay, ganito kasi 'yun.. *may kinuha sa loob ng leather sling bag niya* nang dahil kasi dito.. *pakita ng pen recorder pagkatapos niyang isara ang bag niya* ayaw ko kasing malaman nila na may ganito ako.. Baka kung ano ang isipin nila sa akin lalo na at bagong estudyante pa lang tayo sa eskwelahang ito. At isa pa hindi pa natin kabisado ang takbo ng mga utak nila?! Baka mamaya akusahan pa tayong mga espiya? Eh 'di tudas tayo?!" Salaysay ni Ivan kay Juliza na nagpalinga-linga sa kanilang paligid. Ibinalik din niya 'yung pen recorder sa loob ng bag niya pagkatapos.
"Parang 'yan lang? Jusko naman my king! Napakaliit naman ng dahilan mo? Ano naman kung meron ka niyan? May tinatago ka ba sa kanila at sa akin na hindi namin pweding malaman?" Pahayag naman ni Juliza kay Ivan.
"Wala? Kakabili ko nga lang nito kanina ehh? At ano naman 'yung itatago ko sa inyo ha?! Ang ibig ko kasing sabihin.. 'Di ba ang lahat ng may ganito mapaghihinalaan na nagiispiya? Kaya sana maintindihan mo na ikaw lang 'yung dapat na may alam na may pen recorder ako." Paliwanag naman ni Ivan kay Juliza.
"Loko ka talaga? Hmph! Bakit ka bumili niyan kung ganyan ka mag-isip against them?! Sana lang talaga hindi nila malaman na may ganyan kang bagay!" Inis na tugon ni Juliza kay Ivan.
"Sige na! Oo na my queen! Katuwaan lang naman eh? Hindi naman seryoso 'yung pagbili ko nito! Itatago ko na lang 'to. Sana huwag mong ipagsabi kahit kanino ha?" Si Ivan sabay bulong at yakap kay Juliza. Tinapik naman ni Juliza ang likod nito.
"Sige. I promise. Pero kapag ginamit mo sa kalokohan 'yan! Malilintikan ka talaga sa akin Dorschner!" Tugon naman ni Juliza kay Ivan.
"Sige. Makakaasa ka sa akin my queen! I will not use this para sa pansarili ko lang kapakanan! I will put the consequences first before my own satisfaction." Nagtaas at naglahad ng palad paharap si Ivan kay Juliza.
"Okay? So, tara na? Baka ma-late na tayo!" Aya ni Juliza kay Ivan.
"Wait a minute.. *natigilan* aalamin muna natin kung anong nakalagay sa bulletin board!" Si Ivan na hawak ang kanang kamay ni Juliza patungo sa bulletin board ng eskwelahan nila.
Nang....
"Sayang.. Akala ko tayo ang representative sa Grade 7 hindi pala." Dismayadong tugon ng Grade 7 students na dumaan malapit kay Ivan.
"Sandali.." Tawag niya sa mga estudyante.
Lumingon naman ang mga ito at...
"Yes, po?" Tugon ng isang babaeng kasama sa tinawag ni Ivan.
"Ahmm.. Pwede bang malaman kung ano 'yung pinagkaguluhan niyo doon sa bulletin board ng school natin?" Usisa ni Ivan sa dalawang babae.
"Ahh? 'Yun po ba? Ahmm.. Tungkol po 'yun sa mga kasali sa Music Festival Competition dito sa school natin. 'Yung pa-contest po? 'Yung may representative bawat Grade sa SPA man o sa Regular Class?!" Salaysay naman ng isang babaeng estudyante kay Ivan.
"Ahh.. So, sa Grade 9 sinu-sino 'yung mga representative?" Sabat naman ni Juliza sa usapan.
"Ahmm.. Sina Ate Rona, Ren, Rebecca at Racquel po sa SPA. Sa Regular Class naman sina Ate Jodi, Kuya Josh, Ate Gia at Kuya Dennis po. Bakit niyo po naitanong Ate?" Tugon ng isang babae kay Juliza.
"Ahmm.. Wala, naitanong ko lang." Tugon naman ni Juliza sa isa sa mga Grade 7 students.
Biglang tumunog ang bell.
"Ahmm.. Ate at Kuya mauna na po kami sa inyo ha? May klase pa po kasi kami eh?!" Paalam ng isang babaeng estudyante sa kanilang dalawa ni Ivan.
"Sige, salamat. Kami din susunod na din kami sa inyo." May ngiting tugon ni Juliza sa kanila. Ngumiti na lang din ang dalawang Grade 7 students sa kanilang dalawa.
"Tara na, My queen! Baka paggalitan tayo ng adviser natin!" Aya ni Ivan kay Juliza. Tumango naman ang dalagita at sabay na silang pumasok sa classroom nila sa Grade 9 Tenor.
---------------------------
Music Studio
(8:45am)

Dear Great Pretender (The Moffatts Fan Fiction Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon