Part One
The Acceptance and the Truth
(GABI)
Habang nasa reception area...
"Congratulations sa atin mga sis!" may ngiting sabi ni Racquel sa nararamdaman niyang galak sa pagkapanalo nila.
"Oo nga! Congrats sa atin! Sa kabila ng mga hirap na pinagdaanan nating training sa rehearsals natin... Halos magkakalyo pa nga ehh? *tawa* Tayo pa din ang nanaig! Worth it lahat!" masayang sabi naman ni Rebecca.
"Yes! This is it! Panalo tayo! Let's celebrate girls?! *sabay tingin kay Rona na naluluha* Ohh? bakit Beshie?" Pahayag ni Ren at puna nito kay Rona.
"Wala ito. *pahid ng luha* Tears of joy lang 'to. Hindi lang talaga ako makapaniwala ehh? Kasi, finally pagkatapos kong mag-aral dito, makakapagkolehiyo na din ako ng libre at exclusive 10 years contract kay Ms. Avril Lavigne at iha-handle pa niya tayo. At siyempre, makakasama ko pa din kayo. Not mentioning the prize. I really feel that all my sacrifices and our sacrifices will paid off." napaluhang sambit naman ni Rona sa galak nito dahil sa Grand Prize na napanalunan nila.
"Ahh? Oo nga 'no? Nalimutan ko. *napahawak sa batok* *sabay baling ang tingin kay Rona* Advantage 'yun sa'yo sis Rona kasi, hindi mo na kailangang gumastos sa college para makapag-aral. Kailangan lang natin i-maintain ang grades natin. *tingin din kina Ren at Rebecca* Pero kahit may 3 years pa tayo bago makapagcollege, 'wag tayo masyadong magpakampante dahil marami pang pwedeng mangyari. But for now, *sabay yakap kay Rona* we're all so happy for you!" sabi ni Racquel kay Rona sabay yakap dito at sinundan naman ito nina Ren at Rebecca na yumakap din dito.
"Oo nga, Beshie! Panigurado na matutuwa nito sina Tita Elvie at Tito James kapag nalaman nila!" sabi ni Ren kay Rona habang nakayakap ito dito.
Nang matapos silang magyakapan, biglang dumating ang Moffatts Brothers sa reception area.
"Oo nga pala! Congrats! Pwede bang maki-join sa inyo?" sabi ni Scott na biglang sumulpot sa likod ng apat na magkakaibigan at sabay akbay kay Rona.
"Ano ba? *pilit na tinatanggal ang braso ni Scott sa balikat nito* Pwede bang tanggalin mo 'yang braso mo sa balikat ko? Masyadong mabigat!" pagtataray ni Rona kay Scott.
"Ang taray naman nito?" sabi ni Scott kay Rona.
"Ehh? anong gusto mong maging reaksyon ko? Na akbayan mo pa ako lalo? O baka gusto mo akbayan din kita? Gano'n? Tanga lang? 'Di naman tayo close?!" pagtataray pa din ni Rona kay Scott.
"Calm down, Rona." awat ni Rebecca kina Rona at Scott.
"Naku po! Hayan na naman sila!" sabi ni Bob na napailing na lang.
"Ohh? Bakit nga pala kayo nandito?" tanong ni Racquel kay Dave at sa iba pa nitong kapatid.
"Heto kasing si kuya Elvis ehh, atat na atat na makita si Ms. Camp----" hindi na natuloy ang sinabi ni Dave dahil tinakpan ni Scott ang bibig nito.
"Ahh wala 'yun! *ngiting hilaw* *sabay tanggal ng kamay nito sa nagpupumiglas na si Dave ng pagkakatakip sa bibig nito* Hmm. Bakit? Masama ba, na nandito kami? Atsaka, nandito din si Mommy na gusto naming makita. At babatiin din namin ang iba pang participants na nanalo sa Music Competition kanina. Bakit? Kayo lang ba may karapatan dito sa reception area? Porke ba kayo ang Grand Prize Winner?" palusot pang sabi ni Scott sa magkakaibigan.
"Okay? Sabi mo ehh? As if naman may pake ako sa'yo at sa mga pinagsasabi mo?!" sabi naman ni Rona kay Scott.
Natatawa naman sina Rebecca at Ren kina Scott at Rona.
BINABASA MO ANG
Dear Great Pretender (The Moffatts Fan Fiction Story)
RandomAng pagkakaibigang nabuo, pinaglayo at pinagbuklod ng musika.