KABANATA 18: Bob and Ren: Love Notes

10 3 16
                                    

Dedicated to: RenchelleKateApoya

MONDAY
(6:30am)

Naglalakad si Ren papuntang locker area para maglagay ng gamit niya sa locker. Pero, napansin niyang may nag-umpukan ng mga estudyante sa may bandang pwesto ng locker niya. Agad niyang inusisa kung ano ang meron du'n sa parte na 'yun ng locker niya.

Nahawi ang mga estudyante na nakaharang doon sa may dinadaanan niya at..
"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Ren sa mga estudyante na nandoon.
At nalaman niyang locker pala niya ang pinagkakaguluhan nila du'n.
"Hala? Ehh..bakit kaya may ganiyan dito sa locker ko?" Si Ren na halatang nagulat sa nakita niya sa locker niya.
"Bakit? Sa'yo ba 'yang locker na 'yan? Na may nakalagay sa upuan at nakapatong na dalawang bouquet ng flowers (red tulips at sunflowers), isang teddy bear at 2 boxes of chocolates? At ikaw ba si Renchelle Amanda Zieschang?" Sunud-sunod na tanong ng isang babaeng Grade 8 student.
"Okay?! Wait lang ha? Isa isa lang! Unang-una, Oo sa akin ang locker na 'yan. Pangalawa, hindi ko alam kung kanino galing 'yang mga 'yan?! *habang nakatingin sa mga flowers, chocolates at teddy bear na nakapatong sa upuan* At pangatlo, Oo.. Ako nga si Renchelle Amanda Zieschang.. 14 years old. Grade 9 Soprano student. *natigilan* Pero teka?! Paano mo nalaman ang pangalan ko?!" Tugon at tanong niya sa babaeng Grade 8 student.
"Kasi po Ate, nabasa ko sa placard na nakalagay sa may bulaklak. Sorry.. Pinakialaman ko kasi kaya nakita ko 'yung pangalan sa placard." Paliwanag at paumanhin ng babaeng Grade 8 student kay Ren.
"Okay lang! *natatawa* Naku! 'Di ko nakita?! *napahawak ng bahagya sa batok* Para sa akin nga talaga 'yun. Salamat sa pag-usisa. Kasi 'di ko malalaman kung para sa akin nga o hindi." Nahihiyang sabi ni Ren.
"Yiieee!!! Kung gano'n, you're so lucky girl! Kaso, 'di namin nakita kung sino ang naglagay niyan sa upuan na 'yan sa locker mo. Hindi lang isa ang nagbigay ha? Dalawa sila! *kinikilig* Basta! Ang swerte mo, girl! Minsan lang magkaroon ng ganiyang pangyayari sa school na 'to. At madalang sa mga lalake ang ganiyan?! Kaya dapat maging thankful ka." Panunukso ng isang Grade 12 (GAS) student na babae.
"Oo nga?! Tama! Nakaka-curious tuloy kung sinong nagbigay niyan sa'yo." Sabat pa ng isa pang babaeng nasa Grade 7 naman.
"Oo nga ehh?! Sino nga kaya?" Si Ren na napapaisip na rin.

Biglang may dumating na tatlong babae na nasa Grade 11 at sinaway ang mga nanunukso kay Ren.
"Anong kaguluhan 'yan?!! Magsialis na nga kayo! Ang sikip-sikip na nga dito sa locker area.. Dumagdag pa kayo?! Puro kayo kalandian! Ang iingay ninyo! Rinig hanggang doon sa classroom namin!" Pagsusungit ng isa sa tatlong babaeng Grade 11 students na magkakasama.
"Ano? Ilang truck ba ng ampalaya ang kinain mo Ateng? Bitter lang? *naka cross arms at naka taas kilay* Palibhasa kasi.. Walang nagbibigay sa'yo ng flowers at chocolates na gaya ng kay Ren! Makaalis na nga?!" Sabi ng babaeng Grade 10 student.
"Oo nga! Tara na! *baling kay Ren* Sige na Ren! Mauna na kami. At baka mangamoy bomba dito! 'Di bale.. We're happy for you! *smiling* Tara na! Alis na tayo dito!" Sang-ayon ng isa pang babaeng Grade 10 student sa kaklase nito at paalam kay Ren.

Walang imik na nagwalk-out ang babaeng nanaway sa kaguluhang nangyari sa locker ni Ren.

At habang si Ren naman ay takang-taka at hindi makapaniwala na may magbibigay sa kaniya ng mga flowers, chocolates at teddy bear. Na nakalagay sa isang upuan sa tapat ng locker niya mismo na may placard kung saan nakasulat ang pangalan niya. Sa kabilang banda, napangiti naman siya ng mga ito. Dahil pangatlong beses ng may nagbigay sa kanya ng ganitong presents. Ikinatuwa niya ito ng husto dahil feeling niya siya ang pinakamagandang dalaga sa mundo. Nu'ng una parang naninibago pa siya pero ngayon hindi na. At nadagdagan pa ng isang secret admirer.
"Renchelle Amanda! Ikaw na talaga ang pinakamagandang dilag sa mundo!"'di mapigilang bulalas ni Ren sa sarili niya habang inamoy-amoy niya ang bulaklak na ibinigay sa kanya ng mga secret admirers niya.

Dear Great Pretender (The Moffatts Fan Fiction Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon