Wednesday...
At Ofarim's Residence..
"Rebecca Sydney.. 'Wag na sanang maulit 'yung pagpapaturo mo ng violin sa Clinton Moffatt na 'yun ha? Ayaw kong makalapit-lapit pa 'yun sa'yo! Baka masapak ko na 'yun!" Paalala ni Gil sa kapatid niyang si Rebecca.
"Wish mo lang Kuya Gil! Hmp? Parang hindi mo naman 'yan kilala ang kakambal ko. Kapag nakikita niyan si Clint ehh kung makatingin at makalapit pa 'yun sa kanya ehh?! Parang linta kung makadikit ayaw ng kumawala?!" Si Tal na napalapag ng backpack niya sa may sofa malapit sa backpack ni Rebecca.
"Parang ikaw lang din kay Caroline.. Akala mo hindi ko alam 'yang galawan mo twin bro ha? Alam ko 'yan?!" Ganti ni Rebecca kay Tal.
"Pwede ba Rebecca 'wag mo ng pakialaman ang diskarte ko kay Caroline! Labas ka na du'n!" Sita ni Tal kay Rebecca.
"Tal Emmanuel! Kung ganu'n 'wag mo din akong pakialaman kay Clint! Labas ka na din du'n!" Ganti naman ni Rebecca sa fraternal twin niyang si Tal.
"Tama na nga 'yan! Baka kung saan pa mapunta 'yan ehh?! Kay aga-aga nagsasagutan na kayong magkambal!" Sita ni Gil sa mga kapatid niya at pumagitna na ito sa kanila.
"Si Tal ang pagsabihan mo Kuya Gil! Siya ang naunang mang-asar ehh? Gumanti lang ako!" Pangangatwiran ni Rebecca sa Kuya Gil niya.
"Dapat ba talaga may gantihan pang magaganap? *baling kay Tal* bakit ka naman kasi sumasabat kahit hindi ko hinihingi ang opinyon mo? Si Rebecca lang ang kinakausap ko *sabay turo kay Rebecca* maliban lang kung hinihingi ko ang opinyon mo!"sermon ni Gil kay Tal.
"Wow? Ako na naman? Ako na naman ang naging masama? Kahit kailan talaga wala na akong mabuting nasasabi sa pamilyang ito!" Pagsusungit ni Tal at naunang lumabas papunta sa sasakyan nila papunta sa school dala ang backpack niya.
Napailing na lang si Gil sa ginawa at sinabi ni Tal sa kanya
"Kuya naman kasi bakit mo pa sinermonan 'yung isang 'yun? *sabay nguso kay Tal na nasa sasakyan na nila* Ehh, alam mo naman kung gaano kakitid mag-isip 'yung kakambal kong 'yun!" Sita naman ni Rebecca sa Kuya Gil niya.
"Ehh.. Naman kasi 'di na natuto sa mga pagkakamali niya!" Napailing na lang si Gil sa sinabi niya kay Rebecca.
"Hayaan mo na lang siya Kuya. Balang araw lalawak at titino din ang utak ng isang 'yan!" Pagpapanatag ng loob ni Rebecca sa Kuya Gil niya.
"Okay.. Okay.. Fine! Basta ikaw ha? Ang bilin ko sa'yo 'wag mo ng gamiting tulay si Madame Sylvia para makasama mo lang sa tutorial ang Clinton na 'yun!" Paalala ulit ni Gil kay Rebecca.
"Bakit nga ba ganu'n na lang kainit ang dugo mo sa mga Moffatts brothers? Ano ba ang ginawa nilang nagpapasama ng pakikitungo mo sa kanila?!" Usisa ni Rebecca.
"Kasi baka gamitin ka nila para siraan ang career na pinaghirapan ko. Ayaw kong sila pa ang dahilan para masira ang career na pinaghirapan kong buuin." Seryosong sagot ni Gil kay Rebecca.
"...or baka may malalim pang dahilan kung bakit ayaw mo akong mapalapit sa kanila lalong-lalo na kay Clint? Or baka si Ate Melissa dahil ex siya ni Scott dahil until now hindi pa rin niya pansin ang pagmamahal at pagpapahalaga mo sa kanya dahil mahal pa din niya si Scott kaysa sa'yo hanggang ngayon?!" Napa cross arms na tugon ni Rebecca sa Kuya Gil niya.
"Siguro nga? Haayss.. Tara na nga?! Ayaw ko ng pag-usapan ang mga bagay na 'yan! Baka ma late pa tayo!" Si Gil na naiinis na at aya kay Rebecca papunta sa sasakyan nila.
"Kahit kailan ka talaga Kuya! Don't worry tutulungan kitang ilakad kay Ate Melissa! Yiiie!!!" Panunukso pa ni Rebecca sa Kuya Gil niya.
"Ohhh.. Mga anak allowance niyo at lunch niyo na din!" Patakbong inabot ng mommy nila 'yung allowance at lunch box nilang tatlong magkakapatid.
"Salamat mom! Sige po mauna na po kami! Pakisabi na din po kay daddy! Bye po.. See you this afternoon!" Si Rebecca sabay halik sa pisngi ng mommy niya at tanggap ng allowance at lunch box nila.
"Good luck sa Music Performance Exam niyo anak ha?!"mommy nina Rebecca sa kanya.
"Thank you, Mommy! Sige po ingat po kayo ni daddy!" Masayang tugon ni Rebecca sa mommy niya.
"Kayo din mga anak! Ingat kayo!" Bilin ng mommy nila Gil sa kanila. Habang si Tal naka headset lang mukhang hindi narinig ang sabi ng mommy nila. Nginitian lang ni Gil ang mommy nila at umalis na ng nakasakay na si Rebecca. Patungo sa school nila.
******
At Campo's Residence...
Habang nag-aayos si Rona ng mga dadalhin niya sa school..
Biglang may kumatok sa kwarto niya at pinagbuksan niya ito.
"Oh? Papa? Akala ko tulog pa po kayo?" Gulat na bungad at bati ni Rona sa Papa James niya. Ngumiti lang ito at...
"Pwede ba akong pumasok sa kwarto mo anak?" Paghingi ng pahintulot ni James sa anak niyang si Rona.
"Pwede po! Kayo talaga.. Ano po pala 'yung sa atin Papa?!" Pagpapahintulot ni Rona sa Papa James niya at napaupo sa gilid ng higaan niya.
"Pikit mo muna ang mga mata mo anak.." Utos ng Papa James ni Rona sa kanya.
"Bakit naman po Papa? Ano po ba ang meron?" Nagtatakang tugon ni Rona sa Papa James niya.
"Basta.." May ngiting tugon ni James sa anak niyang si Rona.
"Sige na nga! Papa naman! May pa ganito ho talaga kayo ah??!" Si Rona na halatang naiintriga na sa kung ano man 'yung ibig sabihin ng Papa James niya. At may iniabot na isang maliit na paper bag si James sa anak niyang si Rona.
"Ayann.. Pwede mo ng buksan ang mga mata mo anak.." Utos ng Papa James niya. Binuksan naman ni Rona ang mga mata niya. Laking gulat ni Rona nu'ng binuksan na niya ang mga mata niya.
"Waaaahhh!!! Papa.. Totoo ba 'to?" Agad na binuksan ni Rona ang paper bag na binigay ng Papa James niya sa kanya. At tumambad sa kanya ang isang cellphone.
"As I promised! Actually, nabili ko na 'yan bago ko nalaman na nakapasa sa tutorial mo si Scott Moffatt. Pasensya na at 'yan lang ang nakayanan ko sa ngayon. Hayaan mo sa susunod laptop naman ang bibilhin ko. Para hindi ka na manghihiram kay Ren kapag may research kayo." May ngiting tugon ni James sa anak niyang si Rona. At mangiyak-ngiyak na niyakap ni Rona ang Papa James niya.
"Maraming maraming salamat po Papa! Hindi niyo lang po alam kung gaano ako kasaya ngayon! Kahit maliit na bagay lang po itong binigay niyo sa akin.. I'm still grateful dahil binigay niyo akin ito ng mula sa puso niyo at pinagpaguran niyo po ito para sa akin!"si Rona na tuwang-tuwa at mangiyak-ngiyak pa rin sa regalong natanggap niya galing sa Papa James niya.
"Basta anak pagbutihin mo lang ang pag-aaral mo ha? Dahil tanging 'yun lang ang maipapamana namin sa inyo ng mama niyo." Si James na hinawakan ang mukha ng anak na si Rona. At niyakap ulit ni Rona ang Papa niya at...
"Wow!!! Naman! Sana all may bagong cellphone!" Si Donald ng makita niya ang moment na 'yun ng kapatid at Papa James niya.
"Nga pala.. Rona.. Hihiramin mo pa ba ang acoustic guitar ko? O 'yung electric guitar na lang ang gagamitin mo sa Music Lab para sa examination performance niyo mamaya?" Tawag ni Rome kay Rona. Nang mapadaan siya sa kwarto nito.
"Ahh.. Oo Kuya.. Hindi kasi ako sanay sa electric guitar ehh.. Mas gusto ko 'yung acoustic guitar lang mas komportable ako kapag 'yan ang ginagamit ko." Si Rona sa kapatid niyang si Rome.
"Sige.. Ilalagay ko na lang dito malapit sa may pintuan ng kwarto mo." Si Rome sabay lagay ng acoustic guitar niya sa may gilid ng pintuan ng kwarto ni Rona. At nauna ng pumunta sa may sasakyan ng Papa James nila.
"Oh? Donald? Anong tinunga-tunganga mo diyan?! Ayusin mo na ang mga dadalhin mo at ihahatid ko kayo bago ako pumunta sa trabaho ko!" Baling ni James sa anak niyang si Donald na naka cross arms lang na nakahilig sa may pintuan ng kwarto ni Rona.
"Pero Paps? Ako? Wala ba akong bagong cellphone? O kahit sinturon man lang?" Pangungulit ni Donald sa Papa James niya.
"Tsaka na! Baka ipang chicks mo lang ehh??! Si Rona muna ha? May cellphone ka pa naman diyan na magagamit mo ehh?! 'Yan na lang muna! Hah?! *tapik ng balikat ni Donald at baling kay Rona* Rona, anak.. Hihintayin kita sa labas! *baling niya ulit kay Donald* Donald maghanda ka na rin para maihatid ko na kayo ng sabay sa school ninyo!"pahayag ni James sa mga anak niya at bumaba na mula sa kwarto ni Rona.
At nu'ng naihanda na ni Rona ang lahat ng dadalhin niya pati acoustic guitar ng Kuya Rome niya na iniwan sa tabi ng pintuan ng kwarto niya.
"Tara na Kuya Donald! Huwag ka nang sad okay? Bibigyan ka din ni Papa James. Magtiwala ka lang!" Aya ni Rona sa Kuya Donald niya at tapik ng balikat nito at nauna ng lumabas pagkatapos niyang isara ang pintuan ng kwarto niya.
"Donald.. Sige na anak.. Hayaan mo kapag nakaluwag-luwag na kami ulit ng Papa James ninyo bibilhan ko kayong dalawa ng cellphone ni Rome! Basta't huwag lang ipang chicks ha?!" Si Mama Elvie nila nang makita niya si Donald na malungkot ang mukha.
"Grabe kayo ni Papa James ha? Pang chicks talaga?! 'Di ba pweding sasabay lang sa uso?" Si Donald na 'di maipinta ang mukha at pumunta na sa sasakyan ng Papa James nila.
"Ma, mauuna na po kami hah?!" Si Rona sa Mama niya at halik sa pisngi nito gayundin si Rome at sumakay na silang pareho sa sasakyan ng Papa James nila.
"Sige love! Mauna na kami!" Paalam ni James sa asawa niyang si Elvie.
"Sige love at mga anak! Ingat kayo!" Bilin niya sa asawa't mga anak niya.
At inihatid na nga ni James ang mga anak niya sa school nila.
------
Habang nasa sasakyan ang triplets papunta sa TMFHS..
"Tama ba 'yung ginawa nating pag-iwan kay Kuya Elvis sa bahay?" Alalang tugon ni Bob kina Dave at Clint.
"Di ba nga? He's not feeling well? Hayaan na lang muna natin siyang makapagpahinga muna. Para gumaling agad siya at makabawi agad ng lakas." Sagot ni Clint sa kakambal niyang si Bob.
"At advice ng attending Family Physician natin at ni Mommy Darlana na 'wag muna natin siyang abalahin.. Baka mabinat pa siya.. Kita mo naman nilagnat siya pagkauwi natin galing sa Instrument Tutorial namin kina Racquel at Rebecca kahapon? At kagabi pa sunod-sunod 'yung ubo niya at sinisipon pa?! Kaya nararapat lang na bigyan muna natin siya ng time na magpagaling.. Tayo na lang ang bahalang magpaliwanag kay Ma'am Brakely.. Siguro naman maiiintindihan niya ang kalagayan ni Kuya Elvis ngayon.. 'Di ba?!" Dagdag naman ni Dave sa sinabi ni Clint kay Bob.
"Ewan.. 'Di ko masabi. Pero paano na 'yun? Baka magalit siya sa atin? Dahil 'di natin siya sinama?" Alalang tugon ni Bob kay Dave at Clint.
"Si mommy Darlana at daddy Frank na ang bahala sa kanya.. Hindi uubra ang katigasan ng ulo niya kapag nagsanib pwersa na si Mommy Darlana at Daddy Frank sa kanya." Si Clint na bahagyang napatawa pa.
"Ehemm.. Kung sabagay? Relate na relate ka! Kung gaano kabangis si Daddy Frank kapag nagalit!" Natatawa ding tugon ni Dave kay Clint.
"Oo na! Big D! Haayys.. Pinalaala mo pa ehh?!" Inis na tugon ni Clint kay Dave. Pinaalala kasi ni Dave 'yung time na kinulong si Clint nu'ng four years old pa sila sa kwadra ng mga kabayo nila.
"Big D! 'Wag mo na kasing ipaalala! 'Di ba si Kuya Elvis lang 'yung pinag-uusapan natin?" Sita ni Bob kay Dave. Nang mapansing natahimik si Clint at nakasimangot.
"Sorry na agad! 'Wag niyo na muna kasing alalahanin si Kuya Elvis! Andun naman 'yung parents natin sa bahay na magbabantay at mag-aalaga sa kanya." Paghingi ng paumanhin at paliwanag ni Dave kay Bob.
At natahimik na lang silang lahat habang umiidlip saglit sa sasakyan nila papunta sa school na pagmamay-ari nila.
-------
At The Moffatts Family High School..
BINABASA MO ANG
Dear Great Pretender (The Moffatts Fan Fiction Story)
RandomAng pagkakaibigang nabuo, pinaglayo at pinagbuklod ng musika.