KABANATA 14: Tutorial 101

15 2 17
                                    

Scott and Rona

Kinaumagahan
(Sabado, 8:30)
At the Moffatts House...

Nasa may gate na si Rona at nag doorbell siya.
*Ding! Dong! Ding! Dong*
Pinagbuksan naman siya ng gate ng isa sa mga kasamabahay nila (The Moffatts Family)
Nang makapasok na sa mansion si Rona ay pinaupo na muna siya ng kasambahay ng mga Moffatt. Habang naghihintay si Rona. Medyo kinakabahan siya. At tinawag na ng kasambahay si Scott sa kwarto niya. Naalimpungatan si Scott dahil kagigising lang niya. Maya-maya ay lumabas na siya ng kwarto niya ng naka topless lang at pajama at di niya ito napansin. Nagulat si Rona at bahagyang napa side view patalikod mula sa harap ni Scott. At dahil sa nakita niya na naka topless nga si Scott.
"Ano ba yan? Mr. Payatot?! Magbihis ka nga! Payat na
Payat talaga yang katawan mo eh?!"sita ni Rona kay Scott.
"Bakit ba?"si Scott habang naghihikab pa at nag-uunat.
"Di ka na nahiya?! May bisita sa bahay niyo.. Tapos wala kang damit pang itaas?"sabi ni Rona.
"Bakit? Naninilip ka 'no?! Namboboso ka?!"asar ni Scott kay Rona.
"Hello??? 'Di ko pag-iinteresan 'yang katawan mo dahil sa kapayatan! Eww!! Umagang-umaga pa naman!"iritang sabi ni Rona.
Nagulat si Scott. Dahil naka topless nga siya at bumalik sa kwarto niya para magbihis at minadali niya 'yun at pagkatapos ay bumalik siya sa sala kung saan nakaupo si Rona.
"Si Maam Darlana nga pala.. Nasaan?"tanong ni Rona kay Scott.
"Bakit ba hinahanap mo si mommy? Eh? Ako naman ang tuturuan mo 'di ba? At saka wala siya dito sa bahay. Pati mga kapatid ko nasa school namin sa Music Lab nag rehearsal. Si mommy nandun din may inaasikaso lang siya dun."tugon ni Scott kay Rona.
"Bakit 'di ka sumama sa pagpapraktis?"tanong ni Rona.
"Tanga ka ba? Malamang! Tuturuan mo ako? Kaya 'di ako kasama sa kanila sa pagre-rehearse! Dahil sa lintik na tutorial na yan! Kung hindi dahil diyan! Kasama sana nila ako!"panunumbat ni Scott kay Rona.
"At kasalanan ko pa ngayon? Napag-utusan lang ako ng mommy mo na i-tutor kita! At si Ren kay Clint!"si Rona na napataas ang boses.
Napansin ito ng mga kasambahay sa sala na nagsisigawan na sila Rona at Scott.
"Ssshh! 'Wag po kayong maingay Sir Scott at Maam Rona."sita ng isang Manang na kasambahay.
"Manang sige na po. Okay lang kami dito. 'Wag niyo na po kaming intindihin ni Ms. Bruhang Panda dito."ani Scott.
"Naku! Kayong mga kabataan ngayon! Kung anu-anong mga pinag-aawayan. Diyan nagsisimula ang Lolo at Lola ko! *tawa*"sita at bahagyang napatawa si Manang sa sinabi niya kay Scott.
"Manang? Anong ibig niyong sabihin? 'Yang bruhang Panda na 'yan? *turo kay Rona* magugustuhan ko?! Naku! Hindi mangyayari yun!"si Scott na naninigurado.
"Naku! Sir Scott! 'Wag kang magsalita ng tapos! Baka sa huli kainin mo yang mga sinasabi mo? 'Di mo ako mapaglalamangan dahil papunta ka palang pabalik na ako!"paalala ni Manang kay Scott.
Pagkatapos ay umalis na yung kasambahay at silang dalawa na lang ni Rona at Scott ang naiwan doon.
"Ano? Tutunganga ka na lang ba diyan? Mag start na tayo sa tutorial."seryosong sabi Rona kay Scott.
Nung pumunta na sila sa kwarto ni Scott at pagbukas ng pinto ay..
"Ano ba yan?! Sobrang kalat ng kwarto mo! Ayusin natin 'to!"iritang sabi ni Rona kay Scott.
Habang nag-aayos si Rona ng mga kalat sa kwarto. Bigla naman siyang natalapid. Dahil sa nakakalat na gitara ni Scott.
"Aray naman! Bakit ba nakaharang 'tong gitara mo?!"si Rona na nagagalit na. Pero bigla niyang naalala yung sinabi ni Maam Darlana na pagpapasensyahan niya si Scott. Kaya pinapakalma niya yung sarili niya.
"Hahahah! 'Di ka kasi nakatingin sa dinadaanan mo! Sa akin ka kasi nakatingin!"si Scott na natatawa.
"Tsee! Ang kapal ng mukha mo ha?!!"irap na tugon ni Rona kay Scott.
*Hmmph! Ano ba 'tong lalaking 'to? Hindi man lang ako tinutulungan?*bulong ni Rona sa sarili niya habang tinapunan niya ng tingin si Scott.
Nang matapos na si Rona sa pagliligpit ng mga kalat sa room ni Scott ay ipinuwesto na niya yung mga gamit niya at books sa study table ni Scott.
"Matagal pa ba yan?"inip na sabi ni Scott kay Rona habang nakahiga sa kama niya.
"Heto na! Ehh.. Kung tinulungan mo ako kanina.. Ehh.. 'Di sana mabilis na natapos itong pag-aayos ko ng kalat?!"sumbat ni Rona kay Scott.
"May mga maids naman kami dito ahh? Bakit kailangang ako pa ang mag-ayos niyan?"reklamo ni Scott.
"Naku! Hindi dapat laging maids niyo ang pinag-aayos ng kalat sa kwarto mo. Dapat matuto ka din mag-ayos ng sarili mong kalat!"paliwanag ni Rona.
"Haaayyyss! Oo na!?"si Scott na napipilitan lang.
"Okay sige! Since Math, Science, English at Music ang ibinaba ng grades mo. Dapat pagtuonan mo ng pansin yun?! Hindi mo dapat binabalewala 'yun. Anong mas prefer mong unahin? O kaya, saan ka mas hirap? Kasi, 'yun ang uunahin natin."si Rona habang pinamimilian niya ang mga books ng Music, Math, Science at English.
(11:05am)
Biglang kumatok si Manang Cely para sabihan sila na kumain na.
"Sir Scott.. Maam Rona? Kain na po kayo ng tanghalian."tawag ni Manang Cely habang nakaharap sa pintuang nakasara sa kwarto ni Scott.
"Sige po Manang.. Maya-mayang kaunti."tugon ni Scott sa kasambahay nila.
"Hala? Ang bilis naman?! Parang kanina umaga lang ahh?"takang sabi ni Rona.
"Sige, lumabas na tayo du'n para kumain!"aya ni Scott kay Rona.
"Sige wait lang."sabi ni Rona.
*"Kaya mo naman pa lang maging mabait ehh?!"* bulong ni Rona sa sarili niya at pumunta na nga sila sa dining area. At naghain na ng pananghalian ang isa sa mga kasambahay ng mga Moffatt. Magkaharap sila Rona at Scott na nakaupo sa hapagkainan.
Mga ilang minuto pa lang silang nakain.
Tinititigang maigi ni Scott si Rona habang kumakain.At napansin yun ni Rona.
"Ohh? Anong tinitingin-tingin mo diyan payatot?"sita ni Rona kay Scott.
"Ako? Tumitingin sa'yo? Wow?! Sobra din naman yata ang confidence mo sa sarili mo ano?! Diyan ka na nga muna!"si Scott na nag mamaang-maangan pa.
Umalis na si Scott ng di pa natapos ang kinakain.
Tinawag ni Rona ang Mayordoma ng mga Moffatt na si Manang Cely. Lumapit naman ito sa kanya.
"Mawalang-galang na po? Tanong ko lang po kung ganyan ba talaga kagaspang ang ugali niyang panganay ni Maam Darlana? Tingnan niyo naman 'yan? 'Di pa tapos sa kinakain niya? Napaka arogante at suplado din?!"tanong ni Rona sa Mayordoma.
"Ahh? Si Sir Elvis ba kamo? Hindi naman talaga siya ganyan. Sweet 'yan sa mga magulang niya pati sa mga kapatid. Nasubaybayan namin ang paglaki ng batang iyan. Dati ay ang kyut-kyuf at bibong-bibo, ngayon ay pinagtitilian siya ng mga fans nila. Lumalaki na talagang gwapo ang alaga
Naming si Elvis. May pagpayat nga lang. Sabi ko nga sa kanya noon na mag gym siya para kahit papaano ay magkaroon siya ng abs at hindi lang dapat ribs."natatawang kwento ng Mayordoma kay Rona. Natawa sila parehas.
"Ayy? Ganu'n po ba? Sweet daw? Ehh..parang hindi naman po siguro gano'n yun? Base po sa pinapakita niyang ugali sa akin. Tuwing magkikita kami puro away at gulo ang nangyayari. Kabaligtaran yata ang nangyari sa akin. Hindi na yata magbabago yun."tugon ni Rona.
"Baka talagang na-attract lang sayo yun?"sabi ni Manang Cely.
"Ano po ang ibig niyong sabihin?!"takang tanong ni Rona.
"Base po kasi sa kuwento mo sa akin. Lagi kayong nag-aaway pag nagkikita kayo? Mahilig lang magpa-kyut sa mga fans kasi nga gwapo. Pero hindi naman kasi talaga nag i-entertain ng babae 'yang si Elvis. Isnabero yan. Maliban kay Melissa na naging ex niya."pahayag ni Manang Cely.
Ikinuwento ni Manang Cely ang tungkol kina Melissa base sa nakita niya dati nung magkasintahan pa lang ang dalawa.
"Ahh? Gano'n po pala?"tugon ni Rona.
Naputol ang kwentuhan nila at tinawag na ni Scott si Rona. Nagpaalam na ito sa Mayordoma para magturo kay Scott sa kwarto nito.
"Ang tagal mo naman yata?! Siguro, inubos mo na yung pagkain sa mesa doon ano??! Hahahaha!"asar ni Scott kay Rona.
"Ewan ko sayo?!"irap na sabi ni Rona na pumunta na akmang uupo na sa may study table ni Scott.
"Isara mo 'yang pinto."utos ni Scott kay Rona at nakahiga lang sa kama niya ito.
"Wow? Utusan ba ako? Ikaw na lang sana ang nagsara. Pahiga-higa ka lang diyan!"irap pa ulit ni Rona habang isinasara ang pinto.
"Tara na?! Turuan mo na ako. Unahin natin ang Math."ang sabi ni Scott na umupo na sa study table.
"Math pa talaga? So, du'n ka hirap?"bahagyang nakatawa si Rona na umupo na sa study table.
"Ehh ano? Eh, sa iyon ang gusto kong unahin eh?!"pagpapalusot pa ni Scott.
"Naku! Palusot ka lang yata ehh?!"si Rona kay Scott.
Tinuruan na ni Rona si Scott sa Math pero inaantok na si Scott. Napaidlip na ito. Ginulat naman siya ni Rona.
"Hoyy!! *sigaw niya sa tenga ni Scott* Ano? Tinutulugan mo 'tong Math? Kaya pala bumagsak ka sa Math ehh? Hindi mo iniintindi ang lessons na itinuturo sa'yo sa online class niyo? Hayy naku!"si Rona na naiirita.
"Ano ba yun? Wala nga akong maintindihan sa turo mo eh? *si Scott habang naghihikab* at pwede ba? 'Wag mo akong sigawan sa tenga?! Naiirita ako pag gano'n ehh?!"pagmamaktol ni Scott.
"Oo. Sige na! Let's proceed in Music. Hmm. Siguro naman favorite mo ang Music, right? Nasa band kayo eh? At siguro naman ay masasagot mo na yung
Itatanong ko?"mapanghamong tanong ni Rona.
Maya-maya ay dumating na ng bahay si Dave galing sa school nila (TMFHS) na pagmamay-ari nila, galing sa rehearsal. Tinatawag ni Dave si Scott sa boung bahay pero wala namang sumagot. Nakita ito ng isa sa mga kasambahay nila at sinabi na nasa kwarto niya si Scott at tinotutor siya ni Rona.
Hindi na nga sana siya dadaan doon at baka maistorbo niya lang ang dalawa. Pero may narinig siya na parang pamilyar sa kanya na tanong ni Rona kay Scott.
Pumuwesto siya sa pintuan ng kwarto ni Scott na nakasara at nakikinig ng tutorial nila.
"Ahh. Okay?! Sige. This is the question. In the Renaissance Period. What is the used of Harpsicord?"tanong ni Rona kay Scott.
"Hmmm... Ano bang tanong 'yan? Wala bang iba diyan?"tanong ni Scott
Kay Rona.
"Naku! Mr. Payatot! Kunwari ka pa? 'Di mo lang yata talaga alam eh?!"asar ni Rona kay Scott.
Binuksan ni Dave ang pinto ng kwarto ni Scott na akala niya ay naka locked ito.
"HARPSICORD.. is a keyboard instrument in which the strings are plucked rather than hit a hammer."si Dave na bilang pumasok sa kwarto ni Scott.
"Dave, nandiyan ka pala?"si Rona kay
Dave.
"Oo nga? Bakit ka nandito? 'Di ba nasa rehearsal kayo?"sabat naman ni Scott sa dalawa.
"Ah?! Kasi, na gutom na ako eh? Kaya bigla akong napauwi. *ngisi* Eh.. Ayoko namang gumastos. At saka mas gusto ko pa ng lutong bahay. Kayo ba? Kumain na?"si Dave sa dalawa.
"Oo!"sabay na sabi nila Rona at Scott.
"Ah? Okay?! Pero required bang magsabay kayo sa pagsagot? *bigla silang natigilan at napatingin ng masama sa isa't isa* Hindi biro lang yun!"tugon ni Dave sa dalawa.
"Hmm.. Infairness, ang galing mo ha? Dave? Nasagot mo yung tanong!"basag ni Rona sa katahimikan nila ni Scott at manghang sabi ni Rona kay Dave.
"Oo naman. Alam ko talaga yun. Keyboards ang hawak ko sa band namin eh?! Remember? Pero minsan ko ng nahawakan ang bass ni Clint. Nung nag live jamming kami noon. Somewhere here in Canada. Tinugtog yung IF LIFE IS SO SHORT."sagot ni Dave.
"Ayy! Oo nga pala! Wow! Ang galing naman?! Tumugtog ka rin ng bass. Ngayon ko lang nalaman yun ah?"manghang sagot ni Rona.
"Actually, lahat kami nag switch instruments. Hindi lang ako. Pero one time lang nangyari yun. Ako sa bass ni Clint, si Bob sa keyboards ko, si Clint sa electric guitar ni Kuya Elvis at si Kuya Elvis naman sa drums ni Bob."kuwento ni Dave.
"Owws? Talaga? Totoo ba 'yun Mr. Payatot? Nagda-drums ka pala? Biruin mo, pwede ka palang pang multi-instruments?"halatang nagulat si Rona sa nalaman.
"Oo. Totoo lahat ng sinabi ni Dave. Pero pwede ba Ms. Bruhang Panda?! 'Wag mo na akong tawaging Payatot? Nakukulili ang tenga ko ehh!?"sang-ayon niya kay Dave at asar na tugon niya kay Rona.
"Ehh ano? Sa gusto kong tawagin kang payatot ehh? At saka totoo naman yun. 'Di ka pa nasanay? Lagi naman kitang tinatawag ng payatot? Ngayon ka lang nag reklamo? *tawa* bahala ka diyan!"pang-aasar pa ni Rona kay Scott.
"Ikaw?!!"sabi ni Scott na naiinis na.
"Okay!? Relax.. Masyado kang sensitive ehh.. Ako nga hindi ako nagrereklamo kakatawag mo ng Bruhang Panda sa akin.. Haayss.. Sige enough na! Heto naman.. In the Baroque Period.. What's the used of Organ?"tanong ni Rona kay Dave.
"ORGAN.. Produces sound when pressurized air pushed through tubes or pipes as they are selected using a keyboard."sagot ni Dave.
"Correct! Tama ulit 'yun Dave! Saulado mo talaga yung definition eh?!"manghang tugon ulit ni Rona kay Dave.
"Malamang? Saulado niya yun?! Eh..siya na rin ang nagsabi na hawak niya ang instrument na keyboard. Kaya alam niya talaga yun."pahayag ni Scott.
"Hindi naman sa gano'n Kuya Elvis. Dapat alam mo rin ang mga bagay na gano'n."tugon ni Dave. "Sige. Diyan na muna kayo. Kakain na muna ako. Baka nakakaabala na ako sa inyo."dagdag pang sabi ni Dave at umalis na rin sa kwarto.
"Buti pa nga! *buti at nahalata mo na nakaabala ka*"pabulong na sabi ni Scott pagkaalis ni Dave sa sarili niya.
"Anong sabi mo payatot?!"tanong ni Rona kay Scott.
"Ako? Wala akong sinasabi ha? May narinig ka ba? Anong sinabi ko kung may narinig ka?"hamong tanong ni Scott kay Rona.
"Wala! Nevermind na lang. Pero infairness 'yang si Dave ay maraming nalalaman sa mga ganyang bagay."hangang tugon ni Rona kay Dave.
"Talaga ba? Napakakulit nga niyan nung bata pa kami. Minsan ngang nag-aaral ng mga pangalan ng bansa si Bob kasama ako. Napakakulit at kung anu-anong ginagawa sa may likuran namin. Kaya nga nasapak siya ni Bob ehh! Hahahah!"natatawang kuwento ni Scott.
"Grabe ka naman sa kapatid mo! Tinawanan mo pa talaga ha? Okay? Tama na 'yan. Focus tayo sa tinuturo ko sa'yo. Iniiba mo na usapan ehh. Akala mo ha?"sita ni Rona kay Scott.
Dumako naman sila sa Science-9.
"Okay? Science naman tayo. Define Smoking, Drinking Too Much Alcohol and No Exercise and what's the effects when people do this?!"tanong ni Rona kay Scott.
"Ano nga ba? At saka, isa-isahin mo nga muna. Ang dami naman niyan!"reklamo ni Scott.
"Huwag mong ibalik sa akin ang tanong. At 'wag ka ring magreklamo! Oh sige! Isa-isa lang sa 'Smoking' muna. I-define mo nga? At kung anong effects niyan sa tao kapag ginagawa 'yan?"tanong ni Rona.
"Huh? *angas niyang sabi* *nag-iisip si Scott kung anong isasagot* Ewan?!"sagot ni Scott kay Rona.
"Naku naman! Hindi ka talaga nakikinig sa mga turo sa'yo sa Online
Class. Hay naku! Makinig ka ha? Smoking.. Harms primarily the lungs and other vital parts of the body which increases health risk and even risk of cancer. O pwede din decreases the life of a smoker and larger life of a non-smoker."
Habang nakatitig si Scott kay Rona at nakatuon ang pansin niya sa labi nito habang nagbabasa ng sapat at dahilan para 'di niya intindihin ang binabasa nito na sagot.
"Ano? Naintindihan mo ba? Mr. Payatot? Ang sagot sa tanong ko? About Smoking?"tanong ni Rona kay Scott.
"Hah? Ehh? Oo naman! Siyempre naman nakinig kaya ako sa mga binasa mong sagot."tugon ni Scott na parang natutuliro na doon lang siya nakabalik sa realidad.
*ano ba yan Elvis?! Bakit ka nagkakaganyan? Hindi ka dapat ma attract sa kanya!* sita niya sa sarili.
"Okay? Since alam mo na naman. Ganito na lang ha? May pasasagutan ako sayo ha? Pag hindi mo nasagot o pag mali ka. Magpu-push-up ka. 1 is to 10 tayo."
"Anong 1 is to 10?"tanong ni Scott.
"Okay? Ibig sabihin nu'n. Kapag mali ka ng isa is equivalent sa push-ups."paliwanag ni Rona.
"Ano? Ang dami naman yata nu'n?"reklamo ni Scott kay Rona.
"Nagrereklamo ka pa? Dapat nga magpasalamat ka kasi para ka na ring nag e-exercise. At saka, para may thrill na din. Ayaw mo pa? May inspirasyon ka pagsasagot, para wala kang mali. Deal?"mapaghamong sabi ni Rona.
"Okay? *napilitan* Game ako diyan! Basta't 'wag kang magsisisi na hinahamon mo ako?!"tugon ni Scott.
"Bakit naman? *tingnan lang natin. Kung uubra yang kayabangan mo* bulong ni Rona sa sarili niya.
Naghanda na ng quiz si Rona para sagutan ni Scott. At ibinigay niya ito pagkatapos. Maya-maya ay nagsasagot na si Scott habang nakabantay si Rona sa kanya.
Halos kalahating oras na ang nakakalipas ay hindi pa rin tapos si Scott sa pagsasagot sa tanong na binigay sa kanyang tanong sa papel na pinapasagot nito.
Nakakaidlip na rin si Rona sa study table ni Scott. Maya-maya ay halos mag-iisang oras nung matapos ni Scott ang sinasagutan niya.
"Okay na 'to Ms. Bruhang Panda!"sabay abot niya kay Rona ng papel na sinasagutan nito. Pero 'di ito pinapansin ni Rona.
Paglingon ni Scott kay Rona ay natutulog na pala ito.
"Tingnan mo 'tong Bruhang Panda na 'to? Dito pa natutulog sa study table ko? Tsk!"sabi ni Scott habang tinititigan niya ito sa pagtulog. Sobrang amo ng mukha nito sa pagtulog at may na-realise siya.
"Maganda ka rin pala!"bulong ni Scott sa sarili.
Medyo ngumiti siya ng kaunti pero saglit lang yun. Bahagyang inilapit ang mukha nito sa mukha ng natutulog na si Rona. Hahawakan niya sana ang mukha nito pero biglang namulat si Rona. Biglang nagising ito at namilog ang mga mata niya sa ginawa niyang ito sa kanya ni Scott na nakatitig sa kanya.
"Oh? Ano 'yang ginagawa mo?"gulat na tanong ni Rona.
"Ha? Eh? Wala ha?!!"pagmamaang-maangang sabi ni Scott na bahagya rin siyang nagulat ng magising si Rona.
"Tapos na ba 'yan? Patingin nga?"medyo humikab si Rona habang tinitingnan yung sagot ni Scott.
"Tsk! Tsk! Tsk!"napailing si Rona.
"Nakaka disappoint 'to. Sa 1-5 questions?! Isa lang ang tumama? Sige, since apat ang mali mo 40 push-ups! Du'n sa may garden! Mag push-up ka! 'Di ba lalake ka? Ipakita mong lalake ka talaga! Na hindi ka umuurong sa mga hamon! O baka naman..bakla ka talaga?"ani Rona.
"Haaayys! Oo na! Magpu-push-up na?!"padabog na sabi ni Scott habang palabas na ng kwarto nito.
"Bakit ayaw mo ba? Nagdadabog ka pa ehh?! Baka nga bakla ka? Doon ka sa may garden magpu-push-up ha?!"sigaw ni Rona kay Scott.
"Hindi ako bakla! *humanda ka sa akin! Ms. Bruhang Panda!* bulong ni Scott sa sarili niya.
Lumabas si Scott papuntang garden. Sumunod na rin si Rona.
(2:00pm)
"Sige lang bibilangan na lang kita. Pumuwesto ka na sa pag-push-up!"si Rona. Pumuwesto na nga si Scott para mag push-up.
"Ang ini-init naman dito!"reklamo ni Scott.
"Huwag ka ng mag reklamo?! Sige! Bibilang na ako.. 1,2,3,4,5,6,7,8,9,10....38,39,40."hanggang sa natapos ng bilang si Rona.
Pagkatapos nu'n. Pagkabangon ng bahagya ni Scott humiga na ito sa pagod at pawis na pawis.
"Hoohh! Ang init! Grabe ka Bruhang Panda ka! Pinagod mo ako!"hingal niyang sabi kay Rona at bigla niyang kay Rona. Bigla siyang tumayo at naghubad ng damit pang itaas. Nagulat na naman si Rona.
"Ano ba 'yan? Bakit naghubad ka na naman?"si Rona na naka sideview para 'di niya makita ang katawan nitong ubod ng payat.
"Akin na yung towel!"si Scott na kinukuha ang towel kay Rona.
Habang si Rona ay umiiwas kay Scott hanggang sa tumakbo ito hanggang sa may mataas na bahagi ng may malaking puno.
"Hindi mo ba talaga iaabot 'yang towel ha?"sigaw ni Scott.
Si Rona ay nananakbo pa din at habol-habol ni Scott sa may malaking puno at naabutan niya ito. Nakapikit pa din si Rona at ayaw niyang iabot kay Scott ang towel.
"Ahh? Ayaw mo talaga ha?!"si Scott na papalapit kay Rona at hanggang sa nahawakan na niya ito. Pero na out of balance siya (Rona) kakaiwas kay Scott. Parehas silang nahulog sa may ibaba ng mataas na puno na bahagi ng malaking puno.
Nagpagulong-gulong sila hanggang sa makahinto. Rona was over Scott. Nagkatitigan sila at lumalapit na ng lumalapit ang mukha ni Scott kay Rona. At napalunok si Rona na kinakabahan. Pilit na inaabot ni Scott ang towel kay Rona. At nakuha niya naman ito.
"Hay sa wakas! Nakuha ko din! Hahahaha!"si Scott pagkakuha ng towel niya. At napatingin siya kay Rona.
"Oh? Anong problema? Ms. Bruhang Panda? Bakit natulala ka diyan!?"dagdag pa niya at tanong niya kat Rona habang nagpupunas ng pawis.
Hindi ito narinig ni Rona dahil lutang pa din siya sa nangyari.
"Tumayo ka nga diyan?!"utos ni Scott kay Rona.
Hindi pa rin tumatayo si Rona dahil nga sa natulala ito sa nangyari.
Bigla namang dumating si Dave sa kinaroroonan nila Rona at Scott.
"Ohh? Bakit nandito kayong dalawa?"tanong ni Dave.
"Kasi 'yang si Ms. Bruhang Panda eh? Pinahirapan pa akong tumakbo dito sa may malaking puno! Ayaw pa iabot ang towel sa akin! Tsk!"paliwanag ni Scott kay Dave.
Nakatingin si Dave kay Rona at nagtanong...
"Anong nangyari sa'yo? Ang dumi ng damit mo?!"alalang tanong ni Dave kay Rona.
"Hah?? Ah? Okay lang ako Dave. Don't worry."si Rona na nakabalik na sa realidad at bahagyang nangimay pa ang paa niya sa tagal na pagkakaupo nito at pilit siyang tumatayo pero hindi niya magawa.
"Kaya mo bang tumayo?"alalang tanong ni Dave kay Rona.
"Ahh? Oo naman!"pilit na itinatayo ni Rona ang paa niya pero 'di niya talaga kaya at napahawak pa siya sa paa niya.
"Sa tingin ko, hindi mo kayang tumayo. Kuya Elvis..tulungan mo naman 'tong si Ms. Campo oh?"sabi niya kay Scott.
"May paa siya. Bakit ayaw niyang tumayo?"sabi ni Scott.
Napatingin pa siya kay Rona.
"Kung ayaw mo. Ako na lang."si Dave
Na itinayo si Rona. Inalalayan ito sa paglalakad. Tinanong ni Dave si Rona kung kaya niyang maglakad pero umiling ito sa kanya. Binubuhat ni Dave si Rona sa likuran niya. At umalis sila.
"Ohh? Anong ginagawa mo?"gulat na tugon ni Rona kay Dave.
"Di ba? 'Di mo kayang maglakad? Kaya pumasan ka na dito sa likod ko.Don't worry. Kaya naman kitang buhatin."ngiting tugon ni Dave kay Rona.
Nung umalis ang dalawa. Na iwan si Scott doon at tsaka pa lang ito sumunod sa kanila at masama ang tingin hanggang sa bahay. Makalipas ang ilang minuto ay nawala na ang pangingimay ng paa ni Rona. Si Scott naman ay nagmamadaling magbihis pa sa kanyang kwarto. Nang makalabas na siya ng kwarto ay natanaw niya ang dalawa sa may terrace na nag-uusap at nagtatawanan. Lumapit siya sa dalawa at biglang sumungit.
"Ikaw ha? Akala mo hahalikan kita kanina? Pero kinuha ko lang yung towel sa'yo kasi ayaw mo pang iabot? Assuming?! *tawa* at siguro, sinadya mo talagang gawing deal ang pagpupush-up ko equivalent ng mga mali kong sagot. Para pahirapan ako?!"reklamo at himutok ni Scott kay Rona.
"Assuming? Ako? Baka ikaw diyan!"pagtataray na sabi ni Rona.
"Hahahaha! Nag-uuyu-uyuhan pa kayo? Baka naman ikaw talaga Kuya Elvis ang nag-aasume?"natatawang sabi ni Dave kay Scott.
"Pinagtutulungan niyo akong dalawa diyan ha? Ikaw Ms. Bruhang Panda! Alam mo bang may atraso ka sa akin? Actually, dalawang beses pa nga yun ehh!"galit na sabi ni Scott kay Rona.
"Wow? Wala akong alam sa mga pinagsasabi mo ha?!"sagot ni Rona sabay irap kay Scott.
"Wow din sa'yo! Gusto mo bang sabihin ko sa'yo? Yung una para ma remind lang kita. Mukhang nag-uulyanin ka na ehh?!"si Scott na bahagyang natawa.
"Ewan ko sa'yo!"si Rona na naiirita na.
"Una, 'yung sa sulat na pinadala mo sa akin! Pangalawa, nang malaman ng parents namin na bumaba ang grades namin ni Clint sa ibang subjects!"sabi ni Scott na tumataas na yung boses.
"Oyy! 'Wag kang mambintang! Yung sulat Oo aminado ako du'n! Pero yung sa pagsusumbong sa parents niyo tungkol sa grades niyong mababa! Hindi ko alam kung sinong Judas ang nagsumbong sa parents niyo! Malay ba namin ni Ren kung nangamote yung grades ninyo?!"seryosong tugon ni Rona kay Scott.
"...at nakita ka namin ni Clint na may kaharutan ka sa hallway ng Grade 9!"dagdag pa ni Scott.
"Ehh? Ano naman? At tsaka, wala akong ginagawang masama! Parang nagtatanong lang yung tao sa akin! Bakit ba big deal sa'yo yun?!"sumbat ni Rona.
"WALA!!! Diyan na nga kayo!!"si Scott na nakasimangot na.
Umalis na ulit si Scott sa may terrace. Akala ng dalawa ay bumalik na siya (Scott) sa kwarto niya pero ang totoo tinatanaw lang sila (Dave at Rona) nito mula sa kinaroroonan niya. Nagkukuwentuhan sila Rona at Dave. Medyo na disappoint siya sa dalawa dahil hindi niya nagugustuhan ang nakikita niya. Maya-maya ay nag paalam na si Rona kay Dave.
"Wait lang! Kukunin ko muna 'yung mga gamit at libro ko sa room ni Scott payatot!"sabi ni Rona.
"Sige lang."pahintulot ni Dave kay Rona na bahagyang natawa.
Nagpunta si Rona sa room ni Scott. At 'di niya napansin si Scott. Dahil nagtatago ito para 'di niya makita.
Kinuha na niya yung gamit niya at mga libro na dala niya. Bumaba na si Rona mula sa silid ni Scott. Nagpaalam na ng tuluyan si Rona kay Dave. Hinatid ni Dave si Rona sa may gate nila at ipinagpara ng taxi.
"Salamat ha? At makikisabi naman kay payatot na pasensya na dahil 'di ako nakapagpaalam sa kanya. Bigla kasi siyang nawala ehh?!"habilin ni Rona kay Dave.
"Oh.. Sige. Sasabihin ko."may ngiting tugon ni Dave kay Rona.
Nakasakay na si Rona sa taxi at isinara na ni Dave ang gate ng bahay nila pagkaalis ni Rona. Bumalik na din siya sa loob ng bahay. Hanggang sa nasalubong siya ni Scott at nakangiti pa rin ito.
"Uyy! Bro. Nandiyan ka pala? Umalis na si Rona. Nagpaalam na sa akin. Pasensya na raw at 'di daw siya nakapagpaalam sa'yo. Kasi hindi ka niya nakita kanina. Nung kunin niya ang mga gamit niya sa kwarto mo. By the way, kumusta nga pala siya sa pagtotutor sa'yo?!"tanong ni Dave kay Scott.
"Ewan? Sige! Diyan ka na muna. Pasok na ako sa room ko. Medyo nahihilo na ako ehh?!"seryosong sagot ni Scott.
Nagbalik na ulit ito sa room niya. At na iwan si Dave sa may living room.
"Anong nangyari sa isang yun? Ang ganda-ganda ng mood kanina ahh? Tapos biglang ang seryoso niya ngayon?"tanong ni Dave sa sarili niya. Napaisip siya at pagkatapos ay bumalik na rin siya sa silid niya.

Dear Great Pretender (The Moffatts Fan Fiction Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon