"Are you fvcking blind?!" Sigaw sa akin ni Zach. Bigla nya akong kinwelyuhan at halos masakal ako dahil hinila nya ako patayo.
"So-sorry hi-hindi ko sinasadya." Takot na sabi ko.
"Kilala mo ba kung sino ang binangga mo?! Ha?!" Halos mabinggi ako sa lakas ng sigaw nya. "Dahil bulag ka, look what you've done!" Aniya sabay turo sa damit nyang nabasa dahil may hawak pala syang bote ng energy drink at tumapon iyon sa damit nya. Lalo akong nanginig sa takod halos manlambot ang tuhod ko.
"So-sorry." Paumanhin ko at mabilis kong kinuha ang panyo sa bulsa ko at pinunas ko iyon sa damit nya.
"Get off your fvcking dirty hands on me!" Aniya sabay tulak sa akin. Muli akong natumba sa sahig at dahil sa lakas ng pagkakatulak nya ay nahubad ang suot kong salamin sa mata. Napahawak ako sa pang-upo ko dahil sa sakit ng pagtama nito sa simento.
"You-you look familiar." Bigla syang naging mahinahon at gulat sya habang nakatitig sa akin. Mukhang na alala nya ako! Kaya naman mabilis kong kinuha ang salamin ko na nahulog sa sahig at dali-dali ko iyong sinuot.
"Nga-ngayon lang tayo nagkita." Pagsisinungaling ko at susubukan ko sanang tumayo nang muli akong natumba dahil sa sakit ng katawan ko. Naghihina ako at nahihirapan akong tumayo.
"No! I remember you! You're the pretty gay who runaway from us yesterday!" Namilog ang mga mata ko nang maalala nya iyon.
"Hi-hindi ako 'yon." Tanggi ko. Bigla syang lumapit sa akin at hinawakan nya ako ng mahigpit sa braso at pilit nya akong itinayo. Napakagat ako sa labi dahil sa sakit ng katawan ko.
"Stop lying." Singhal nya. "I remember your blue eyes." Aniya.
"Hey assh-ole! Get off your fvcking hands!" Namilog ang mga mata ko sa labis na gulat nang biglang sinuntok ni Kuya Samuel si Zach. Napakalas sya sa mahigpit nyang hawak sa braso ko at natumba sya sa sahig.
Akala ko isang suntok lang ang ibibigay nya kay Zach pero pumatong sya sa ibabaw nito at muli nya itong pinaulanan ng suntok.
"Subukan mo ulit hawakan ang pinsan ko hindi lang yan ang aabutin mo! Gago!" Galit na sabi ni Kuya Samuel matapos nyang paulanan ng suntok si Zach at nanginig ang tuhod ko dahil ang dami ng dugo ang nasa mukha nito.
Dahil sa naganap, biglang dumami ang mga estudyanteng nasa paligid namin at ngayon nakapaikot sila sa aming tatlo. Lahat sila nagbubulungan at kanya kanya silang bigay ng opinyon sa nangyari.
"Are you okay?" Tanong ni Kuya Samuel. Tumango lang ako bilang tugon at nang susubukan kong maglakad ay napahinto ako dahil sa sakit ng katawan ko.
"You can't walk. You're not okay." Aniya at nabigla ako nang walang anu-anoy kinarga nya ako sa harap ng maraming tao at hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin. Napasubsob nalang ako sa dibdib nya dahil sa hiya dahil pinagtitinginan kami ngayon ng lahat habang buhat buhat nya ako.
"What happened? Is she okay?" Tanong ni Kuya Samuel sa nurse na umasikaso sa akin. Nakahiga ako sa kama dito sa clinic dahil hindi pa rin ako makatayo ng maayos.
"Nagkaroon po sya ng tailbone injury Sir. Nagkaroon sya ng kaunting pamamaga sa pang-upo nya kaya nahihirapan syang tumayo." Sagot ng nurse.
"Is that bad or serious?" Tanong muli ni Kuya.
"Hindi naman po, mabuti hindi na-fracture ang tailbone nya sa likod dahil iyon po ang malala." Sagot ng nurse.
"Oh. Thank god! That's a relief." Ani Kuya at napabuntong hininga sya.
"Ngayon po, kailangan nya lang magpahinga at maglagay ng yelo sa pang-upo nya para mawala ang pamamaga nito. " saad ng nurse.
BINABASA MO ANG
Their Toy
RandomA story of suffering, rape, hope and revenge. *********** WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 18 YRS OLD, NARROW MINDED AND HOMOPHOBICS. RATED 18+/ RATED SPG ALL RIGHTS RESERVED 2020