"Chris?" Gulat kong tanong kay Tophe.
"Ano? Anong tinawag mo sa akin?" Nagulat din sya sa sinabi ko.
"Hindi ba ikaw si Chris? Kasi kamukhang kamukha mo sya. Sya yung batang nakilala ko noon sa probinsya namin. Turista sya noon tapos naligaw sya kaya kinupkop muna namin sya ni Mama ng mahigit isang linggo sa bahay hanggang sa sinabi sa amin ng tanod ng barangay na may naghahanap kay Chris kaya kinuha na siya ng mga tauhan ng barangay para ibalik sa pamilya nya." Sagot ko.
"Si Chris ang kakambal ko. Christian ang pangalan nya kaya Chris ang tawag namin sa kanya, ako naman Christopher kaya Tophe." Sagot nya na ikinabilog ng mga mata ko. "Naalala ko nga, na nawala sya noon, noong pumunta kami sa beach, siguro mga ten o eleven palang kami noong nangyari 'yon." Pagpapatuloy nya. "So ikaw pala yung ikinu-kwento sa amin ni Chris na crush nya raw na nakilala nya noon sa beach na kumupkop sa kanya na may kulay blue na mga mata."
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Kaya pala pamilyar ang mga mata ni Tophe dahil kakambal nya pala yung batang nakilala namin noon ni Mama na tinulungan namin. Pero wala na si Chris, sabi ni Tophe wala na sya. Nakakalungkot naman. Mahigit isang linggo rin namin syang kinupkop noon kaya napalapit na rin ang loob namin sa kanya.
"Alam mo ba na lagi ka nyang bukang bibig noong bumalik sya sa amin, sinabi nya na sobrang sarap mo raw magluto at sobrang bait mo pa raw at higit sa lahat maganda. Sinabi nya nga noon na kapag nagkita raw ulit kayo, yayain ka raw nyang mag-date." Nakangiting sabi ni Tophe. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Pakiramdam ko biglang uminit ang pisngi ko sa sinabi nya.
"Akala kasi ni Chris n'on babae ako, kasi bata palang malambot na ako kumilos kaya nya siguro na sabi 'yan. Pero kung alam nya lang siguro na hindi ako babae malamang hindi nya maiisip na i-date ako." Saad ko.
"Kilala ko ang kambal ko. Hindi ganyan si Chris. Kahit na malaman nya na hindi ka babae, sure ako na ide-date ka n'on." Aniya. Hindi na ako nakapagsalita sa huling sinabi nya, nginitian ko nalang sya bilang tugon at itinuon ko ang atensyon ko sa white board na nasa harap ng class room dahil dumating na ang prof namin.
Pagkatapos ng una naming klase ay isa-isa na kaming lumabas ng silid para pumunta sa susunod naming class subject at habang naglalakad ako sa hallway, nakasunod sa likod ko si Tophe.
"Ali, hintayin mo ako." Aniya. Kaya tumigil ako sa paglalakad para masabayan nya ako. "Ang bilis mo namang maglakad." Hingal na hingal nyang sabi.
"Anong nangyari Tophe? Okay ka na ba? Kasi nagpagupit kana at nag-ahit ka na rin ng balbas mo?." Tanong ko.
"Oo, okay na ako. Na-realize ko na ilang taon na rin yung lumipas simula n'ong iwan ako ng kambal ko, at alam ko na ayaw nyang ma-depress ako ng habang buhay kaya kailangan kong magpatuloy sa buhay na wala na sya sa tabi ko. Mahirap pero kailangan kong kayanin, na mag-isa nalang ako." Nakangiti nyang sabi. Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabing iyon ni Tophe at makikitang maaliwalas na ang mga mata nya hindi gaya noong unang kita ko dito na sobrang lungkot.
"Hindi ka naman nag-iisa nandyan pa naman ang mga magulang mo. Ano kaba?!" Aniko sabay tapik sa braso nya.
"Hindi ko rin sila maramdaman eh. Busy sila sa trabaho, palagi silang wala sa bahay. At kung nasa bahay man sila, palagi nalang silang nag-aaway. Narinig ko nga isang gabi na nagtatalo sila dahil may kabit daw si Dad. Kaya hindi mo rin ako masisisi kung bakit masyado akong na-depress, gan'on na nga ang mga magulang ko, nawala pa yung kambal ko." Malungkot nyang sabi.
"Wala ka bang kaibigan o barkada nan lang?" Tanong ko.
"Si Chris lang ang itinuring kong kaibigan sa buong buhay ko. Hindi ako nagkaroon ng kaibigan maliban sa kanya. Kaya siguro ganito rin ako ka-apektado sa pagkawala nya dahil kami lang ang magkasama sa mahabang panahon at hindi namin iniisip ang ibang taong nakapaligid sa amin o makihalubilo man lang sa kanila." Sagot nya.
BINABASA MO ANG
Their Toy
RandomA story of suffering, rape, hope and revenge. *********** WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 18 YRS OLD, NARROW MINDED AND HOMOPHOBICS. RATED 18+/ RATED SPG ALL RIGHTS RESERVED 2020