- 28 -

5.3K 325 146
                                    



Ilang araw na rin ang lumipas mula nang manatili ako dito sa bahay nila Chef Lea at sa bawat araw na lumipas, ramdam ko pa rin ang lungkot at sakit nang pagkawala ni Tophe. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula, hindi ko alam kung ano ang susunod kong gagawin sa buhay ko ngayon pa't patay na ako sa pagkakaalam nila. Sobra rin akong nag-aalala sa lagay nina Mama at Cathy. Hindi ko alam kung alam na ba nila ang balita sa pagpapanggap ko na patay na ako, o hanggang ngayon wala pa rin silang ideya?

"Ali? What are you doing?" Nanumbalik ako sa ulirat nang marinig ko ang boses ni Chef Lea agad akong napatigil sa pagpupunas ng vase sa may sala nila.

"Naglilinis po. Maayos na po kasi ang pakiramdam ko. Ayoko naman pong magkulong sa kwarto at humilata lang maghapon. Nakakahiya po sa inyo, kaya naisipan ko pong tumulong sa gawaing bahay." Sagot ko.

"Sinabihan ko na po sya Ma'am na ako na ang maglilinis pero nagpumilit pa rin po si Ma'am Ali." Saad ng kasambahay nila na si Aling Dolores.

Napabuntong hininga si Chef Lea at kinuha nya ang basahan na hawak ko at inabot nya iyon kay Aling Dolores. "Hindi mo na kailangan maglinis at tumulong dito sa bahay Ali. May kasambahay naman kami na gagawa nyan. Diba sabi ko sayo? Ituturing na kita na parang anak ko? Kaya magpahinga ka nalang muna at huwag mong pilitin ang sarili mo." Aniya.

"Nahihiya po kasi ako sa inyo. Ayoko naman pong maging pabigat." Nakayuko kong sabi.

"Huwag na huwag mong iisipin na pabigat ka. I actually have a plan to bring you in my restaurant next week. Alam kong naiinip kana dito sa bahay, kaya isasama kita sa tinayo kong restaurant para matulungan mo rin ako sa kusina at para na rin maturuan kita sa mga bagay na alam ko sa pagluluto." Nakangiting sabi nya.

"Sa-salamat po talaga Chef Lea. Sobra sobra na po itong naitulong nyo sa akin. Salamat po." Niyakap ko sya ng mahigpit.

Hinagod nya ang likod ko. "And one more thing, don't call me Chef Lea, just call me Mom, Mama or Ma." Aniya sabay kalas sa pagkakayakap ko. Tumango ako bilang tugon. Hinawakan nya ako sa kaliwang pisngi at bigla kong naalala ang yapos ni Mama. Sobrang miss na miss ko na sila ni Cathy.

"Hey beautiful ladies. Good morning!" Napalingon ako sa may hagdan nang marinig ko ang boses ni Zach at biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita kong naka-shorts lang sya at walang pang itaas kaya naman mabilis kong ibinaling sa ibang direksyon ang paningin ko.

"Zach wear some tops. Nakabuhad ka na naman." Ani Chef Lea sa anak.

"Sorry Mom, ang inet eh." Sagot nito sabay tawa.

"Wala kang pasok hindi ba?" Tanong ni Chef Lea dito.

"Yup. It's Saturday." Tugon nya.

"Mukhang naiinip na si Ali dito sa bahay, lumabas kayo at ipasyal mo sya. Pero mag-iingat kayo, siguruhin mo na walang makakakilala sa kanya lalo na ang mga Montreal." Anito sa anak.

"Na-nako Chef, hi-hindi na po. Okay lang po ako. Nakakahiya po." Pagtanggi ko.

"I just told you to not call me Chef." Matigas nyang sabi.

"So-sorry po. Ma-Ma." Utal kong sabi. Napangiti sya nang marinig nya iyon.

Muli nya akong hinawakan sa pisngi sabay ngiti. "I love that." Aniya. "Ikaw na ang bahala sa kanya. Kailangan ko ng umalis, mauuna na ako. Mag-iingat kayo." Pagbaling nya kay Zach.

"Noted Mom. Ako ng bahala sa kanya." Tugon nito.

"Ingat po M-Ma." Paalam ko dito at naglakad na si Chef Lea palabas ng mansyon para pumasok sa trabaho.

Their ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon