- 26 -

5.6K 327 122
                                    

Hindi ko na magawang makapagsalita. Ubos na ang luha sa aking mga mata. Hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng nangyayari o masamang banugungot lang ito. Paulit-ulit kong kinukurot ang hita ko dahil umaasa akong magigising ako sa masamang panaginip na ito, pero hindi- ramdam ko ang sakit, dama ko ang pighati sa dibdib ko. Sobrang bigat, ang sakit at parang hindi ko na kayang harapin ang bukas sa lahat ng nangyari ngayon.

Nakatali ang mga kamay at paa ko habang pinapanuod ko ang paghuhukay nila Kuya Daniel ng lupa kung saan nila ililibing ang katawan ni Tophe. Nahulog si Tophe sa likod ng culinary building namin kung saan gubat na ang nasa likod nito kaya walang ibang tao ang nakakita sa nangyari. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Hindi ko matanggap na patay na ang taong mahal ko. Nakakuyom ang mga palad ko sa sobrang galit at pighati. Gusto ko silang patayin at ilibing sa lupang hinuhukay nila. Hinding hindi ko sila kailanman mapapatawad sa lahat ng ginawa nila sa akin. Sobra na ito, umabot na sila sa puntong gusto ko na silang gantihan sa lahat ng ginawa nila. Hinding hindi ko papalampasin ang ginawa nilang ito kay Tophe, magbabayad sila, sisiguraduhin kong makukulong sila sa lahat ng ginawa nila.

"I think this deep is enough." Saad ni Kuya Daniel sabay baba ng pala na hawak nya. "Burry his body here. I'm going to the security office para burahin ang lahat ng cctv footage sa rooftop ng culinary building." Aniya. "I'm gonna clean this fvcking mess that you created." Pagbaling nya kay Kuya Miguel.

"I'm sorry bro. I-I owe you everything. Thanks." Tugon nya. "But how can you erase the cctv footage? Sobrang hirap makapasok sa security office ang daming gwardyang nakabantay doon." Tanong nya.

"I'm the president of the student council. There's nothing I can't do. Ako ng bahala." Sagot nya.

"But what should we do about her?" Tanong ni Kuya Samuel sabay turo sa akin.

Napatingin silang tatlo sa akin. "We should burry her as well." Saad ni Kuya Daniel na ikinalaki ng mga mata ko.

"What? Are you fvcking insane?!" Bulalas ni Kuya Miguel. Hinawakan sya ni Kuya Daniel sa kwelyo ng mahigipit.

"Bakit? Sa tingin mo ba hindi sya magsusumbong sa mga pulis? You killed her boyfriend anong in-expect mong mangyari? Na wala lang sa kanya 'yon! Come to your sense bro! She'll spill everything out if we let her live." Sigaw sa kanya ni Kuya Daniel.

"He's right bro. We should not let her live. She will put us in a big trouble." Pag-sang ayon ni Kuya Samuel.

Nangatog ang katawan ko sa labis na takot. Pagkatapos ng pambaboy na ginawa nila sa akin, pagkatapos nilang patayin ang taong mahal ko, ako naman ang isusunod nila? Wala silang kasing sama! Mas masahol pa sila kay santanas. Hindi ako papayag na pati ako, patayin rin nila. Kailangan kong makatakas. Kailangan nilang magbayad sa mga ginawa nila.

Pilit kong inaalis ang pagkakatali ng mga kamay at paa ko. Ginamit ko ang bibig ko para tanggalin ang pagkakagapos ng kamay ko.

"No! Hindi ako papayag. There must be other way para hindi sya magsalita." Saad ni Kuya Miguel.

"There's no other way." Pagdidiin ni Kuya Daniel.

"Bro please. Don't kill her." Pakiusap ni Kuya Miguel dito. "We-we can block mail her. We can do something para hindi sya magsumbong like, we can do something to her family if she spill this out." Aniya. Lalo akong binalot ng galit sa sinabi nya. Ngayon pati pamilya ko idadamay pa nila! Wala talaga silang kasingsama! Mga demonyo!

"I know that you want her to live, but I don't want other people to be involve in this mess specially her family. We should end this, by killing her." Ani Kuya Daniel.

"Bro please. I- I can't lose her." Pagmamakaawa ni Kuya Miguel dito.

"I know you love her but if we don't kill her, mabubulok ka sa bilanguan! I'm doing this for you! For us! You're the one who pushed that assh-le. Ano gusto mo? mabulok sa selda?!" Matigas na sabi ni Kuya Daniel dito sabay turo sa bangkay ni Tophe.

Their ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon