Malaki at sobrang ganda ng venue na pinagdausan ng birthday ni Tito Manuel. Sobrang daming tao ang dumalo at lahat sila naka-pormal na kasuotan at sobra akong nanliit sa sarili ko dahil pakiramdam ko nasa lugar ako kung saan hindi ako kabilang.
Pansin ko ang mga matang nakamasid sa akin kaya yumuko nalang ako dahil sa sobrang hiya. Hindi ko alam pero, kahit na nagagandahan ako sa suot at ayos ko ngayon, pakiramdam ko isa akong langaw na itinabi sa mga magagandang paru-paro.
"Ali are you okay?" Napatingala ako nang marinig ko ang boses ni Tito Manuel sa tabi ko at hinawakan nya ako sa balikat. Pansin ko ang pag-aalala sa mukha nya.
"O-okay lang po." Pilit ko syang nginitian.
"Sons, talk to Ali. Don't make her feel out of place." Sabi nito sa tatlong bakulaw na kasama ko ngayon sa mesa dahil nasa ibang mesa sila ni Tita Belinda naka-pwesto. "You look pretty, don't put your head down. A lot of people are staring at you because you look amazing. Just enjoy the party, okay?" Pagbaling nya sa akin sabay tapik sa balikat ko.
"Salamat po Tito." Sabi ko sabay ngiti.
"Sige na babalik na ako d'on." Paalam nya at naglakad na sya pagbalik sa mesa nila kasama ang mga ka-business partner nito.
Inilibot ko ang mata ko at napansin kong nakatitig ang tatlong bakulaw na'to sa akin. Hindi ko maintindihan ang titig nilang iyon dahil ngayon lang nila ako tinignan ng ganito. Dati nanlilisik ang mga mata nila habang nakatingin sa akin o di kaya naman walang buhay at salubong ang kanilang mga kilay pero ngayon, hindi ko maintindihan.
"Ma-may dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko sa kanila. Dahil sobra na akong naiilang sa kung paano nila ako titigan.
Nagkatinginan silang tatlo at parang natuhan sila sa tanong ko at mabilis nilang inalis ang mga mata nila sa akin at hindi nila ako sinagot kaya naman napabuntong hininga nalang ako. Mapapanis ang laway ko kung ang tatlong bakulaw na'to ang kasama ko.
"Uhm. Hi." Napalingon ako sa gilid ko nang may lalaking nagsalita. Nakangiti ito habang nakatayo sa kanan ko at nakasuot sya ng kukay dark blue na suit habang nakatanggal ang tatlong butones ng panloob nito na syang dahilan kung bakit kita ang kalahati ng kanyang dibdib.
"Ah-eh. He-hello." Balik kong bati dito sabay ngiti.
"You know what, I actually can't stop myself staring at you because you look amazing. I mean, you look perfect. May I sit here beside you?" Magiliw nitong sabi.
"No." Napalingon ako sa tatlong bakulaw nang sabay sabay silang magsalita. Napakunot ang noo ko sa pagtataka.
"No Bro, this seat is already taken." Singhal ni Kuya Miguel dito.
"Fvck off." Dagdag pa ni Kuya Daniel.
"Or get lost." Pahabol pa ni Kuya Samuel.
Galit na umalis ang lalaking iyon palayo sa amin dahil sa sinabi nilang tatlo.
"Bakit nyo naman ginanon yung tao?" Kunot noong tanong ko sa kanila.
"Why? You want that assh-le to flirt with you?" Galit na tanong ni Kuya Miguel.
"Gusto lang naman yatang makipag-kaibigan." Dahilan ko.
"You're dumb. He wants to flirt with you. You really know nothing about guys. Poor homo." Komento naman ni Kuya Daniel.
"Nagpakilala lang naman yung tao bakit ganyan agad ang iniisip nyo? Nanghuhusga agad kayo." Sabi ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Their Toy
RandomA story of suffering, rape, hope and revenge. *********** WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 18 YRS OLD, NARROW MINDED AND HOMOPHOBICS. RATED 18+/ RATED SPG ALL RIGHTS RESERVED 2020