- 13 -

9.5K 354 88
                                    



Nakatulala ako sa bintana, at hindi ko na magawang magsalita. Ni wala akong ganang kumain o lumabas man lang sa kwarto ko pagkatapos ng nangyari kagabi. Nang magising ako sa banyo ay wala na ang tatlong demonyo na bumaboy sa akin sa silid ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maisip na mangyayari sa akin 'yon at magagawa nila ang gan'ong kababuyan sa akin. Gusto ko ng umalis dito. Gusto ko ng umuwi sa amin.

Nabaling ang aking atensyon sa biglaang pagtunog ng telepono ko at sandali kong nalimutan ang nangyari sa akin kagabi dahil sa mensaheng natanggap ko mula kay Aling Kuling. Sabi nya sa mensahe ay nakita raw ng asawa nyang tanod na si Mang Dario sina Mama at Cathy sa may labas ng ospital. Kaya wala na akong sinayang na oras, mabilis ko syang tinawagan.

"Aling Kuling? Kamusta raw po sina Mama? Ayos lang po ba sila? Anong pong lagay nila?" Sunod sunod kong tanong nang masagot nya ang tawag.

"Nako Ali, ang sabi ng asawa ko may nangyari daw kay Cathy. Inaapoy daw ng lagnat ang bunso mong kapatid. Naawa naman ang asawa ko at nagbigay ng kahit pambili ng gamot para lang bumaba ang lagnat. Pero wala silang matuluyan ngayon at doon sila sa labas ng ospital namamalagi. At nahahabag ako sa Mama mo dahil nanlilimos daw ito sa labas ng ospital." Parang nadurog ang puso sa binalitang iyon ni Aling Kuling.

"Sige po Aling Kuling, susubukan ko pong magpadala sa inyo. Pakisabi naman po sa asawa nyo na ibigay itong telepono kay Mama para makausap ko sila." Saad ko. "May bus na po ba pauwi dyan sa probinsya?" Tanong ko pa.

"Nako, wala pang bus na bumabyahe ngayon gawa ng malakas na bagyo at bali-balita nga rin dito na may landslide raw na nagyari sa daanan natin papuntang Maynila kaya hindi madaanan ng sasakyan." Tugon nya.

"Sige po, hihingi po ako ng tulong dito. Magpapadala po ako ng pera para kina Mama para mapa-ospital niya si Cathy. Salamat po talaga Aling Kuling, tatawag nalang po ako ulit kapag napadala ko na." Aniko.

"Sige Ali hintayin ko ang tawag mo."

"Sige po salamat." At binaba ko na ang tawag.

Kahit na sobrang nahihiya ako ay agad kong tinawagan si Tito Manuel para humingi ng tulong pero hindi sya sumasagot sa tawag ko. Sunod ko namang tinawagan si Tita Belinda at ganon rin, hindi ko rin sya ma-contact. Kaya kahit nasasaktan pinilit kong tumakbo pababa para humiram ng pera kina Ate Gina at Nora dahil para na akong mamatay sa pag-aalala kina Mama at Cathy kung hindi ko agad sila mabibigyan ng tulong. Sobrang sakitin pa naman ni Cathy, dyosko sana walang mangyaring masama.

Pagbaba ko sa sala naabutan kong naglilinis sina Ate Nora at Ate Gina doon.

"Ate kailagan ko po ng tulong nyo." Nahihirapang sabi ko dahil sa sakit ng pang-upo ko.

"Anong tulong? At bakit ganyan ang histura mo? May sakit kaba? Namumulta ka." Sunod sunod na tanong ni Ate Gina at sinalat nya pa ang noo ko. "Dyosko nilalagnat ka Ali!" Bulalas nya.

"Patingin nga ako!" Gulat namang sabi ni Ate Nora at sinalat nya rin ako sa noo. "Ano bang nagyari sayong bata ka? Bakit ka nilalagnat? Uminom kana ba ng gamot?" Alalang tanong pa nito.

"Huwag nyo po akong isipin. Kailangan ko po ng tulong nyo. Yu-yung Mama ko po at yung kapatid ko, napalayas na po kami sa tinitirhan naming bahay dahil nakasangla po iyon kaya ngayon nasa lansanggan sila. May sakit po ang kapatid ko ngayon at kailangan nyang dalhin sa ospital. Sinubukan ko pong tawagan sina Tito Manuel at Tita Belinda para humingi ng tulong pero hindi ko po sila ma-contact." Naiyak na ako sa labis na pag-aalala. "Hindi ko na po alam kung kanino ako manghihingi ng tulong, emergency lang po ito Ate, please pautangin nyo naman po ako." Pakiusap ko.

"Nako Ali, pasensya kana. Wala din ako ngayon. Pinadala ko ang lahat ng pera ko sa pamilya ko sa probinsya." Malungkot na sagot ni Ate Gina.

"Ako din, pinadala ko na rin sa anak ko na nag-aaral ang lahat ng sinweldo ko Ali." Malungkot ding sabi ni Ate Nora.

Their ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon