"Mag-iingat ka d'on ha. Mag-text at tumawag ka palagi." Paalala ni Mama habang isa-isa nyang inaabot sa akin ang mga bagahe ko.
"Opo Ma. Kayo din, mag-iingat kayo dito ni Cathy." Tugon ko at binigyan ko sya ng mahigpit na yakap.
"Kuya, kailan ka babalik?" Hindi pa ako nakaka-alis mukhang miss na agad ako ng cute na cute kong kapatid.
Kumalas ako sa pagkakayakap kay Mama at binigyan ko ng mahigpit na yakap si Cathy.
"Sabi ko sayo Ate ang itawag mo sa akin." Pagtatama ko dito sabay pisil sa ilong nito. "Babalik si Ate kapag naka-graduate na si Ate sa college. Mabilis lang yon." Tugon ko. "Ano gusto mo pasalubong? Dali, pag-iipunan ni Ate yan?" Tanong ko pa. Gumuhit ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi.
"Gusto ko po ng malaking malaking doll house tapos maraming maraming barbie!" Tugon nito.
"O'sige. Pag-iipunan ni Ate yan. Basta maging good girl ka lang kay Mama ha?"
"Opo Kuya, ay Ate pala!" Ngisi nito kaya agad ko namang kinurot ang pisngi nya sa labis na pangigil sa ka-cute-an nito.
"O'sya, Nak mauna kana. Baka abutan ka pa ng dilim sa daan. Nariyan si Mang Simon, ihahatid ka hanggang bus terminal." Saad ni Mama. Muli ko silang binigyan ng mahigpit na yakap at matamis na halik sa kanilang mga pisngi bago ako tuluyang lumabas sa pawid naming bahay.
Tinitigan kong muli ang kabuuan ng munti naming tahanan. Ipinapangako ko na pagbalik ko dito, mansyon kana.
******
Habang nasa byahe patungong Maynila ay hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib ko. Ito ang unang pagkakataon na pupunta ako sa lungsod at ito rin ang unang pagkakataon na mahihiwalay ako kina Mama at Cathy. Lumaki ako sa bukid at sa tabing dagat kaya kinakabahan ako dahil ibang ibang ang lungsod sa probinsya namin.
Patungo ako ngayon sa tiyahin ko na si Tita Belinda. Nakakatandang kapatid sya ni Mama. Ang kwento sa akin ni Mama noon, si Tita Belinda raw ay lumuwas pa-Maynila upang makipagsapalaran dahil hindi na nito kinaya ang buhay sa probinsya at pinalad naman si Tita Belinda na makatagpo ng lalaking papakasalan sya at inahon sya nito sa hirap.
Naitanong ko nga kay Mama noon, kung maganda na ang buhay ngayon ni Tita Belinda bakit hindi man lang ito bumisita sa amin? Bakit hindi man lang nito nagawang tumawag o kamustahin ang kapatid nya? At ang tanging sagot lamang ni Mama ay dahil nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan noon ni Tita Belinda.
Pero ngayon napatawad na raw nila ang isa't isa. Nang malaman daw ni Tita Belinda na nakatapos na ako sa Senior high ay agad nitong tinawagan si Mama at inalok nya ito na pag-aralin ako sa Maynila at doon daw ako mananatili sa kanila. Noong una, hindi pa sang-ayon si Mama pero kinalaunan pumayag din ito. At ngayon nga, papunta na ako sa kanila habang punong-puno ng kaba ang dibdib ko.
Sa picture ko lang nakita si Tita Belinda, hindi ko pa sya nakikita ng personal. Dahil noong lumuwas sya ng Maynila ay sanggol palang ako noon. Kaya labis ang kaba sa dibdib ko.
Lumipas ang halos sampong oras na byahe ay sa wakas nasa Maynila na ako. Halos mapanga-nga ako sa mga gusali at mga sasakyang nakikita ko ngayon. Ibang-iba ito sa lugar na kinalakihan ko. Pagkababa ko sa bus ay agad ko namang tinawagan si Tita Belinda at mabilis nya namang sinagot iyon.
"He-hello po Tita. Si Ali po ito. Nandito na po ako sa terminal ng bus. Nasa Maynila na po ako." Saad ko sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Their Toy
RandomA story of suffering, rape, hope and revenge. *********** WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 18 YRS OLD, NARROW MINDED AND HOMOPHOBICS. RATED 18+/ RATED SPG ALL RIGHTS RESERVED 2020