- 11 -

9K 363 56
                                    


Nakaalis na sina Tito Manuel at Tita Belinda papuntang Cebu para sa grand opening ng mall na ipinatayo nila doon, at hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako sa plano ni Tita Belinda kay Tito. Sana walang mangyaring masama kay Tito, sana makabalik sya ng maayos. Kung ano man ang pinaplano ni Tita, sana hindi sya magtagumpay.

"Ali, doon lang kami ni Ate Nora sa taas, lilinisin lang namin ang kwarto nila Sir." Paalam ni Ate Gina nang matapos nya akong tulungan sa paghihiwa ng mga sangkap sa putaheng lulutuin ko.

"Sige po Ate, kaya ko na po ito. Ako na rin ang maghahain kina Kuya ng umagahan nila. Salamat." Sagot ko.

"Tirhan mo kami ng niluto mo ha." Paalala ni Ate Nora.

"Opo Ate, kayo pa. Hindi ko kayo kakalimutan." Nakangiting sabi ko at naglakad na sila palabas ng kusina kaya naiwan nalang ako dito na nag-iisa.

Kasalukuyan kong niluluto ang tinolang manok nang biglang may marinig akong yabag ng paa at paglingon ko sa may pinto, nakita ko doon sina Kuya Daniel at Samuel.

"What's that? It smells good?" Tanong ni Kuya Daniel.

"Tinolang manok po Kuya para sa tanghalian natin." Sagot ko.

"I'm starving, sa amoy palang natatakam na ako." Komento naman ni Kuya Samuel.

Naglakad sila palapit sa akin at pinanuod nila akong magluto. At nagulat ako nang bigla nalang akong akbayan ni Kuya Samuel at nilanghap nya ang amoy ng tinolang niluluto ko.

"Can you also teach us how to cook?" Nakangiti nyang tanong.

"Pw-pwede naman po Kuya." Sagot ko.

Akala ko si Kuya Samuel lang ang aakbay sa akin dahil napadilat ako nang inakbayan din ako ni Kuya Daniel at nasa kanan ko sya si Kuya Samuel naman ang nasa kaliwa.

"When did you learn how to cook?" Usisa ni Kuya Daniel. Sobra akong naiilang dahil nakadikit silang dalawa sa akin habang nagluluto ako.

"Uhm. A-ano, no-n'ong bata pa ako, mga nine or ten palang ako sanay na ako magluto." Sagot ko.

"Wow. That's pretty cool. Kaya pala sobrang sarap mong magluto 'cause you been cooking for almost half of your age." Namamanghang sabi ni Kuya Samuel.

"O-opo Kuya." Tugon ko at sobrang hindi na ako makapag-focus sa pagluluto dahil nararamdaman ko na mula sa balikat, bumababa ang kamay nila papunta sa bewang ko at sobrang hindi na ako komportable sa ginagawa nila.

"May kukunin lang ako, la-lagyan ko na ng malunggay itong tinola." Nang maramdaman kong bumaba na mula bewang papuntang pang-upo ko ang kanilang mga kamay ay agad akong nagdahilan. Mabilis akong kumawala sa kanila para kunin ang malunggay.

Kinuha ko ang malunggay na nasa mesa na nakatanggal na sa tangkay nito at muli akong bumalik papunta sa kalan at inilagay ko na iyon doon sabay takip dito. Pinatay ko na rin ang apoy dahil paluto na iyon.

"Maghahain na ako, upo na kayo Kuya." Sabi ko sa kanila na agad naman nilang sinunod.

"Mukhang mapapadami ang kain ko nito ngayon." Nanabik na sabi ni Kuya Daniel.

"Kapag ikaw ang laging magluluto, baka tumaba kami." Dagdag pa ni Kuya Samuel.

Napangiti nalang ako sa sinabi nilang iyon. Naglagay na ako ng isang bowl na kanin at isang bowl ng tinola sa mesa at naglagay na rin ako ng mga kunyertos para maka-kain na sila. Pero napansin kong wala pa rin si Kuya Miguel kaya naman naisipan ko nang tawagin sya.

"Akyat lang ako, tatawagin ko lang si Kuya Miguel para sabay sabay na tayong kakain." Paalam ko sa dalawa at mabilis akong naglakad paakyat, at nang nasa tapat na ako ng pinto ni Kuya Miguel ay agad akong kumatok ng tatlong beses. Mabilis nya namang binuksan ang pinto pero napatingin ako sa ibang direksyon nang makita kong naka boxer shorts lang sya.

Their ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon