Hindi pa rin mawala sa isip ko ang narinig kong pag-uusap ni Tita Belinda at ng taong kausap nya noong nakaraang gabi. Hindi ko matanggap na tama ng hinala nila Kuya Miguel kay Tita kaya ngayon, naiintidihan ko na kung bakit ganon ang trato nila dito.
"Aling Delia! Anong nangyayari?" Napalingon ako kay Ate Gina nang sumigaw sya. Isa sya sa kasambahay din dito.
Lumapit kami kay Aling Delia, at napansin naming namimilipit sya sa sakit ng mga kamay nya. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin kong parang nanigas ang kamay nya habang nakapadakot itong posisyon.
"Pinupulikat ang mga kamay ko. Ang sakit. Hindi ko maigalaw." Nahihirapang sabi nya.
"Ali kumuha ka ng yelo at bimpo!" Utos aa akin ni Ate Gina kaya naman nagmadali akong kunin ang mga 'yon.
Pagbalik ko sa kanila, dahan dahang inaalis ni Ate Gina ang pagkakakurba ng mga daliri ni Aling Delia at parang ayoko silang panoorin dahil sobrang nasasaktan at nahihirapan si Aling Delia. Mabilis ko namang inabot kay Ate Gina ang yelo at bimpo at nag cold compress sya sa mga kamay ni Aling Delia.
"Mukhang nagkaka-edad na talaga ako." Biglang sabi sa amin ni Aling Delia.
"Pagod lang yan Aling Delia. Kalabaw lang ang tumatanda." Sagot naman ni Ate Gina.
"Hindi ko pa rin maigalaw ang kamay ko. Magtatanghalian na, kailangan kong magluto ng tanghalian ng mga bata." Sabi ni Aling Delia.
"Ako nalang po ang magluluto ng tanghalian Aling Delia." Hindi ko alam pero dahil sa awa bigla nalang akong nagprisinta na ako ang magluluto ng tanghalian nila Kuya Daniel.
"Sanay ka magluto?" Sabay nilang tanong ni Ate Gina. Tumango ako bilang tugon.
"Ano po ba ang lulutuin nyo dapat?" Tanong ko kay Aling Delia.
"Kare-kare. Kaya mo bang magluto n'on?" Tanong nya.
Ngumiti ako. "Opo. Ako na po ang bahala." Kompyansa kong sagot. Kaya naman nagsimula na akong magluto ng tanghalian.
Pagkatapos kong magluto ng kare-kare ay tinikman ni Ate Gina ang luto ko at napangiti ako nang masarapan sya dito.
"Ang sarap mo palang magluto Ali!" Natutuwang sabi nya. "Tawagin mo na sila Sir ako na ang maghahain sa kanila nitong niluto mo." Dagdag nya pa.
"Salamat Ate." Nakangiti kong sabi at pumanik na ako sa taas para tawagin sila Kuya.
Dinala ako ng mga paa ko sa silid na parang bar kung saan narinig kong nagkakasiyahan ang tatlong magkakapatid. Kumatok ako ng tatlong beses pero mukhang hindi nila iyon narinig dahil sa lakas ng tugtog na nagmumula sa loob. Kaya naman binuksan ko na ang pinto at sabay sabay silang napalingon sa akin. Pinatay ni Kuya Samuel ang tugtog gamit ang remote na hawak nya habang sina Kuya Daniel at Miguel naman ay naglalaro ng billiards. Napahinto sila dahil sa pagdating ko.
"What do you want?" Singhal sa akin ni Kuya Daniel.
"Lu-luto na po yung tanghalian. Kumain na po kayo." Sagot ko.
"Come on bro, I'm starving let's eat." Aya naman ni Kuya Miguel sa dalawang kapatid.
Naglakad sila palabas ng silid habang masama nila akong tinitignan. Pinatay ko ang ilaw ng silid at sinara ko ang pinto at naglakad na ako pababa papuntang dinning area.
Pagdating ko doon, nilalantakan na ng tatlong magkakapatid ang niluto kong kare-kare. Tumayo ako sa tabi ni Ate Gina habang pinapanuod namin na sarap na sarap sila sa pagkaing niluto ko.
"This tastes different. Ang sarap." Komento ni Kuya Miguel.
"Yeah. The pork is very crunchy, this is different from what Aling Delia cooked before." Dagdag pa ni Kuya Samuel.
![](https://img.wattpad.com/cover/242208285-288-k998197.jpg)
BINABASA MO ANG
Their Toy
RandomA story of suffering, rape, hope and revenge. *********** WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 18 YRS OLD, NARROW MINDED AND HOMOPHOBICS. RATED 18+/ RATED SPG ALL RIGHTS RESERVED 2020