- 06 -

8.6K 324 28
                                    

"You f-cking b-tch!" Sigaw ni Claire at sinugod nya ako. Buong lakas nyang hinala ang buhok ko at kasabay n'on ang malakas nyang pagsampal sa kaliwa't kanan kong pisngi. Halos mahilo ako sa ginawa nya. Nanghihina na ako dahil sa sobrang pagod at gutom dahil napagod ako sa paglilinis ng kwarto ng tatlong bakulaw.

"Bi-bitiwan mo ako." Pagpigil ko sa kanya. Tumulo na ang luha ko dahil hindi ko na magawang lumaban dahil sa nanghihina na talaga ako. Ramdam ko, na parang matatanggal na ang buhok sa anit ko sa pagsabunot na ginagawa nya.

"Mang-aagaw ka! Wala ka pa sa kaling-kingan kong malandi ka!" Galit na sigaw nya.

"Sh-t! Stop it Claire." Rinig kong sigaw ni Kuya Miguel at mabilis syang lumapit sa amin at pilit nyang inaalis ang mahigpit na pagkakahawak ni Claire sa buhok ko.

"Dyosko Ali!" Rinig ko ring sabi ni Ate Gina.

"Pigilan nyo sila! Dyoskong mga bata kayo." Sabi naman ni Aling Delia.

"What the fvck is going on here?" Pagdating naman ni Kuya Daniel.

"Claire get off your hands!" Muling sabi ni Kuya Miguel dito pero ayaw nya pa ring bitiwan ang buhok ko.

"Nooo!" Pagtutol nito at nagulat ako sa ginawa ni Kuya Miguel. Nanlaki ang mga mata ko nang sampalin nya si Claire at tumunog sa buong sala ang pagdampi ng palad nya sa pisngi nito.

"I said stop!" Sigaw ni Kuya Miguel matapos nyang sampalin ito. Dahan dahan kong naramdaman ang pagluwang ng hawak ni Claire sa buhok ko at matagumpay na nga akong nakawala sa mahigpit nyang pagsabunot.

Tinitigan ko sya, bakas ang gulat sa kanyang mukha. "You-you slapped me? After all? Ipagpapalit mo lang ako?! Binigay ko sayo lahat lahat tapos gaguhin mo lang ako?! Sasaktan mo lang ako?!" Galit na sigaw ni Claire at sunod sunod nyang pinaghahampas si Kuya Miguel.

"We're done." Malamig na sabi ni Kuya Miguel at kasabay n'on ang malakas nyang pagtulak kay Claire, dahilan para matumba ito sa sahig. "Aling Delia, sabihin mo sa guards na huwag na huwag ng papapasukin ang babaeng yan dito at kung ayaw nyang umalis, kaladkarin nyo." Mando pa nito kay Aling Delia. Natataranta namang lumabas si Aling Delia para tawagin ang mga gwardya na nakabantay sa gate.

"Ali, ayos ka lang ba?" Alalang tanong ni Ate Gina.

"O-opo." Sagot ko. Muli kong binalik ang mata ko kay Claire at nakaramdam ako ng awa sa kanya. Nagmahal lang naman sya, kaya lang sa maling tao.

"Halika, gamunitin natin yang mga sugat mo." Ani Ate Gina at naglakad na kami papuntang maid's room.

Tinanong ako ni Ate Gina kung bakit daw ako sinugod ng ex girlfriend ni Kuya Miguel, hindi ko na nagawang sumagot at magkwento dahil sa labis na pagod at gutom dagdag pa yung ginawa sa akin ni Claire. Pakiramdam ko matutumba nalang ako ilang sandali.

Pagkatapos gamutin ni Ate Gina ang mga kalmot sa mukha, leeg at mga braso ko na may band aids na ngayon ay nagpunta na ako sa kusina dahil kanina pa talaga ako nagugutom. May bukod na mesa kaming mga kasambahay sa kusina dahil bawal kaming kumain sa dining area. Pagdating ko doon, agad akong ipinaghain ni Ate Nora dahil naroon din sya sa tagpo kanina.

"Oh, kumain kana Ali." Ani Ate Nora.

"Salamat po Ate." Umupo ako sa upuan at sinumulan ko ng kainin ang pagkaing hinain nya.

"Ano ba kasing nangyari? Bakit ka sinugod ng ex girlfriend ni Sir Miguel?" Usisa nito. Hindi ako sumagot. Nanatili akong tahimik. Ayoko ng pag-usapan ang nangyari. "Magkwento ka. Abay, nagkagulo kanina sa sala tapos wala kang sasabihin" pamimilit nito.

"Hindi ko din po alam. Huwag nalang po nating pag-usapan." Nakayukong sagot ko.

"Hay nakong bata ka. Sige maiwan na nga kita dyan." Anito at mabilis na naglakad palabas ng kusina kaya naiwan na ako ditong nag-iisa.

Their ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon