- 02 -

10.6K 335 31
                                    



"Oh nakuha mo ba lahat ng sinabi ko?" Tanong sa akin ni Aling Delia na syang mayor doma matapos nya akong ilibot sa buong mansyon at bigyan ng ideya kung ano ang dapat kong gawin bilang kasambahay.

Narinig ko sina Aling Delia at iba pang kasambahay at tauhan dito sa mansyon na nag-uusap at tungkol iyon sa akin. Pinag-uusapan nila ang pagiging kasambahay ko at hindi nila lubos maisip na gagawin akong kasambahay ni Tita Belinda kahit sarili ako nitong pamangkin.

"Opo naiintindihan ko po." Tugon ko.

"Mabuti. Kung kailangan mo ng tulong o may tanong ka, nasa kusina lang ako." Aniya. "Pwede ka ng magsimula. Una mong linisin ang ang kwarto ni Sir Daniel." Tumango ako bilang sagot.

Nakasuot ako ng maid's uniform gaya ng uniporme nila Aling Delia. Alam kong hindi ito ang napag-usapan nila Mama at Tita Belinda pero wala na akong magagawa. Kailangan kong makatapos ng pag-aaral dahil kailangan kong tubusin ang lupa namin na nakasangla. Halos mabaon kami sa utang nang magkasakit si Cathy. Naubos ang ipon at ari-arian namin dahil d'on. Pero kahit kailan hindi namin pinagsisihan iyon at hindi iyon kawalan dahil kapalit naman n'on ang buhay ng bunso kong kapatid. Kaya gagawin ko ang lahat para lang sa kanila, gagawin ko ang lahat mabigyan lang sila ng magandang buhay.

Ako nalang ang inaasahan nina Mama at Cathy kaya ayoko silang biguin. Kahit iba ang pagtrato sa akin dito ni Tita Belinda, at kahit ayaw sa akin ng mga pinsan ko kailangan kong maging matatag.

Naglakad na ako patungo sa silid ni Kuya Daniel at pagdating ko sa harap ng pinto ng kwarto nya, kumatok ako ng tatlong beses. May narinig akong yabag ng paa palapit sa pinto at dahan dahang bumukas iyon. Mabilis kong ibinaling sa ibang direskyon ang mata ko nang makita ko nakatapis lang sya ng puting tuwalya pagkabukas nya ng pinto.

"You? What do you want?" Iritable nyang tanong.

Yumuko ako. Tumingin ako sa mga paa ko. "Sabi ni Aling Delia linisin ko daw ang kwarto mo." Sagot ko.

"Akala ko ba pamangkin ka ni Belinda? Why are you wearing our maid's uniform?" Naguguluhan nyang tanong.

"Pamangkin nya ako. Pero kailangan kong maging kasambahay nyo, dahil papag-aralin nya ako sa pasukan. Kailangan kong magtrabaho kapalit ng pagpapa-aral nya sakin." Tugon ko.

Napatawa sya ng hilaw. Tumingala ako sa kanya at kita ko ang pag-iling iling ng kanyang ulo. "She's unbelievable! Sarili nyang pamangkin ginawa nyang kasambahay. She's definitely the b-tch version of satan." Komento nya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi nya.

Papaano nya nagagawang pagsalitaan ng ganon ang sarili nyang ina? Hindi nya man lang ito ginalang at halata ang galit nya kay Tita Belinda.

"I don't want you to be in my room. Ayoko ng bakla sa kwarto ko. Sabihin mo kay Aling Delia, find other maid to clean my room." Mando nya at kasabay non ang mabigat nyang pagsara ng pinto.

Bumaba ako patungong kusina na bagsak ang balikat. Hindi ko alam kung ano ang problema sa pamilyang nakatira dito sa mansyon. Ramdam ko ang galit sa bawat isa sa kanila.

Bakit kaya? Bakit kaya sila ganyan? Nasa kanila na naman halos ang lahat, magandang bahay, marangyang buhay at buo sila sa pamilya pero bakit mukhang hindi sila masaya?

"Aling Delia, ayaw pong ipalinis ni Kuya Daniel yung kwarto nya sa akin. Gusto nya ibang kasambahay daw po." Sabi ko dito.

Huminto si Aling Delia sa paghahalo ng putaheng niluluto nya para sa tanghalian. "Bakit daw ayaw nya?" Usisa nito.

Napayuko ako. "Ayaw nya daw po sa akin. Ayaw nya pong linisin ko ang kwarto nya." Sagot ko.

Napabuntong hininga sya. "O'sya sige ,doon ka nalang sa swimming pool. Linisin mo nalang yon. Alisin mo ang mga dahon at kalat na nakalutang sa pool." Aniya. Kaya naman mabilis akong nagpunta doon para gawin ang utos ni Aling Delia.

Their ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon