- 19 -

7K 335 27
                                    

"Tulong!" Sigaw ko.

"Shut the fvck up!" Sigaw ng lalaking kulay blonde ang buhok at ipinasok nya ako sa loob ng van nila. Tinakpan nya ang bibig ko nang may marinig syang paparating na mga tao sa parking kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon na makaisip ng paraan para makatakas. Kinagat ko ang kamay nya na nakatakip sa bibig ko at sinipa ko ang tiyan nya dahilan para mapaupo sya sa sahig. Mabilis akong lumabas sa van at tumakbo ako ng mabilis palayo sa kanila.

"Sh-t! Follow that fvcking gay!" Rinig kong sigaw nya sa mga kasama nya kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo dahil baka ma-abutan nila ako.

Dinala ako ng mga paa ko papunta sa building kung saan kami nagklase ng huling subject namin kanina. Agad akong pumasok sa restroom ng mga babae para makapag-tago, pero nanlaki ang mga mata ko nang may pamilyar na mukha akong nakita. Si Claire, ang ex girlfriend ni Kuya Miguel na sumugod sa mansyon. Parehas kami ng reaksyon na gulat nang makita namin ang isa't isa.

"You b-tch!" Galit nyang sabi at sinugod nya ako. Hinila nya ang buhok ko sabay sabunot dito ng mahigpit. "You and Miguel fooled me! Magpinsan pala kayo! And you even agreed to him to play with my feelings and break my heart!" Pagpapatuloy nya habang hila-hila nya ang buhok ko.

"Claire tama na nasasaktan na ako!" Pagpupumiglas ko habang pilit kong inaalis ang kamay nyang mahigpit na nakahawak sa buhok ko. "Pinilit lang ako ni Kuya Miguel. Sorry. Hindi ko gusto 'yon." Dagdag ko pa.

"I don't wanna hear your fvcking excuse! Niloko nyo ako! Pinaglaruan! Magbabayad ka sa ginawa mo!" Saad nya at hinila nya ako papunta sa loob ng cubicle at inilublob nya ang mukha ko sa toilet bowl.

"Ano ha? Kaya mo pa b-tch?!" Galit nyang sabi at muli nya akong inilublob doon. Halos kapusin na ako nang hininga. Nanghihina na ako dahil sa pagod sa pagtakbo ko kanina para makatakas sa mga lalaking humahabol sa akin kaya hindi ko na sya kayang magawang labanan. Pero habang inilulob-lob nya ako sa toilet bowl ay bigla kong nahawakan ang bidet nito kaya naman naisipan kong buksan iyon para basain sya.

"Ewww! You fvcking gross!" Diring-diring sabi nya nang mabasa sya ng tubig mula sa bidet. Mabilis syang pumunta sa lababo para huhasan ang mukha nya, kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon na tumakbo palabas. Pero paglabas ko, muli akong binalot ng takot nang makita ko ang mga lalaking humahabol sa akin kanina.

"There she is!" Sigaw ng lalaking blonde ang buhok at tumakbo sila papunta sa kinaroroonan ko. Mabilis naman akong tumakbo palayo at umakyat ako sa ikalawang palapag ng building at dahil wala na akong mapupuntahan, pumasok ako sa silid na nakabukas at mabilis kong isinara ang pinto at ni-lock iyon. Umupo ako sa likod ng pinto sabay sandal. Napahagulgol ako ng iyak. Hindi ko alam pero sobra na itong nangyayari sa akin.

"Ali?" Napahinto ako sa pag-iyak at mabilis kong pinunasan ang luha sa mga mata ko. Pagtingala ko, nakita ko si Tophe na nakatayo malapit sa photocopying machine habang may hawak syang mga papel.

"To-tophe?" Gulat kong sabi. Mabilis kong inayos ang sarili ko. Tumayo ako at kinuha ko ang panyo sa bulsa ko para punasan ang basa kong mukha at buhok. Napayuko ako sa hiya dahil nakita nya ako sa ganitong sitwasyon.

"Anong nangyari sayo? Bakit basang basa ka? At bakit ka umiiyak?" Sunod sunod nyang tanong. Ibinaba nya ang mga papel na hawak nya at naglakad sya palapit sa akin.

Hindi ako sumagot nanatili akong tahimik. Napapsinghot ako dahil sa sipon na tumutulo sa ilong ko dahil sa pag-iyak ko kanina.

"Ali. Anong nagyari? Sabihin mo na? May nanakit ba sayo? Nambastos? Ano?" Alala nyang tanong. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, muli akong napa-iyak ng malakas at mahigpit ko syang niyakap. Hinagod nya ang likod ko. "Ano ba kasi ang nangyari?" Muli nyang tanong.

Their ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon