- 25 -

6.6K 326 115
                                    


"So I have my friend here at tutulungan nya ako na tikman ang lulutuin nyong mga seafood dish. She is Chef Lea Vezconde." Pakilala ni Misis Domingo sa kaibigan nyang Chef na magiging judge namin sa lulutuin naming pakain sa project namin sa kanya.

"Good Morning po." Pagbati naming lahat dito. Nasa kitchen lab kaming lahat at hanggang ngayon hindi pa rin dumadating si Tophe kaya sobra na akong nag-aalala. Kanina ko pa sya tinitext at tinatawagan pero hindi sya sumasagot.

"Good Morning!" Pagbati rin samin ni Chef Lea.

"Nandito si Chef Lea hindi lang dahil titikman nya ang lulutuin nyong pagkain naririto rin sya dahil may itinatayo syang restaurant at naghahanap sya ng seafood dish na pwede nyang idagdag sa kaniyang menu at kapag nagustuhan nya ang niluto nyo maaring sa inyo magaling iyon." Paliwanag pa ni Misis Domingo.

"Wow! Kailangan nating galingan girls!" Sabi ni Gorgina sa kaibigan nitong sina Sasha at Patricia.

"She's a famous Chef. And it's an honor kung magustuhan nya ang lulutuin natin." Saad pa ni Patricia.

"Correct ka dyan!" Dagdag pa ni Sasha.

"Good luck kids. You have an hour to prepare at galingan nyo!" Nakangiting sabi ni Chef Lea.

"So your time start now!" Sabi ni Misis Domingo at nang marinig ng mga kaklase ko ang hudyat na iyon ay agad silang nagsimula.

Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Na kay Tophe ang lahat ng ingredients na kakailanganin namin.

"Ali? Bakit hindi ka pa nagsisimula?" Tanong sa akin ni Misis Domingo.

"Wa-wala pa po kasi si Tophe. Na sa kanya po ang lulutuin namin." Malungkot kong sagot.

Napabuntong hininga siya at kita ko ang pagkadismaya. "If he'll not show here, parehas kayong babagsak sa subject ko." Matigas nyang sabi.

"Tatawagan ko lang po sya ulit Misis Domingo. Excuse me po." Paalam ko at nagmadali akong tumakbo palabas at agad kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko at muli ko syang tinawagan.

Nagri-ring lang ang cellphone nya at hindi nya iyon sinsagot. Pero may narinig akong yabag na papalapit sa akin at paglingon ko, biglang nawala ang pag-aalala ko at bigat sa loob ko.

"Kanina pa kita tinatawagan? Anong nagyari?" Alala kong tanong kay Tophe.

Tinitigan nya ako. Sobrang lamig ng titig nyang iyon kaya nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Nauna syang pumasok sa loob ng kitchen lab at sinimulan nya nang ayusin ang mga ingredients ng paella na lulutui namin sa table namin.

"O-okay ka lang ba? Anong nangyari sayo?" Muli kong tanong sa kanya habang tinutulungan ko syang hugasan ang mga seafood na dala nya. Hindi sya sumagot nanatili syang tahimik. Hindi ko alam pero parang maiiyak ako sa ginagawa nyang ito sa akin. Para akong nakikipag-usap sa hanggin. Kaya naman huminga ko ng malalim para pakalmahin ang sarili ko dahil ayokong umiyak sa harap ng mga kaklase ko.

Nagpatuloy kami sa ganong estado, tinutulungan nya akong magluto pero walang ni isang salita o tugon akong narinig mula sa kanya. Lumipas ang isang oras, natapos na kaming magluto ng Seafood Paella nang hindi man lang nya ako iniimik. Sobrang bigat ng loob ko, sobrang bigat ng pakiramdam ko. At parang may matalim na kutsilyong nakasaksak ngayon sa dibdib ko.

Ano bang nangyari sa kanya? Bakit ang lamig ng pakikitungo nya sa akin? Bakit kung ituring nya ako parang wala ako sa tabi nya.

"Time's up! Hands up!" Saad ni Misis Domingo kaya sabay sabay kaming nagtaas ng kamay. "Now, we're going to taste your seafood dish." Aniya at isa-isa na nilang tinikman ni Chef Lea ang mga niluto naming putahe. At nang dumako na sila sa niluto namin ni Tophe ay napapikit silang parehas pagktapos nila itong matikman.

Their ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon