"Da-dance?" Gulat kong tanong.
"Yeah. Dance. Give us a dance." Nakangisi na sabi ni Kuya Miguel.
"That's disgusting bro." Komento naman ni Kuya Daniel.
"Relax bro. Tignan natin kung hanggang saan ang kalandian ng bakla to. You came here wearing that clothes na bakat ang utong mo at halos kita na ang singit mo tignan natin ngayon ang tapang mo. Come on! Dance! You did the same thing no'ng nasa pool kami you took your clothes off and showed us your body. You're really trying to flirt with us." Aniya.
"Yeah I noticed that too nong nasa pool tayo bro. He's really trying hard. What a whore." Dagdag pa ni Kuya Samuel.
Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga sinasabi nila. So binibigyan pala nila ng malisya ang lahat ng ginagawa ko.
"Come on homo! Dance!" Bulyaw sa akin ni Kuya Miguel.
"Hindi totoo yan. Wala akong ganong intensyon. Mali kayo ng iniisip." Dipensa ko. Ramdam ko ang mga luha sa gilid ng aking mga mata. Nagbabadya na silang tumulo.
"If you're not going dance, hindi namin papatayin ang music. Ano? We don't have the whole night to wait for your dance whore!" Muling sabi ni Kuya Miguel.
Nagkuyom ang palad ko sa labis na inis sa kanila. Tumulo na ang luha ko at buong tapang kong kinuha ang remote na hawak ni Kuya Miguel. Inagaw ko iyon at nagulat silang tatlo sa ginawa ko. Mabilis ko namang pinatay ang music at nagtatakbo ako palabas ng game room.
"You fvcking homo! Come back here!" Rinig kong sigaw nila. Wala na akong pake kung lalo silang magalit sa akin. May respeto pa ako sa sarili ko at hinding hindi ako sasayaw sa harap nila ng malaswa. Kahit kailan!
Naglakad ako patungong dining area para ibigay ang remote kay Tita Belinda pero bago pa man ako makapasok don narinig ko syang may kausap sa telepono.
"What? Paano yan nangyari? I told you to watch over my husband! Hindi pa napapasa akin ang kumpanya! Papaano sya nagising?!" Galit nyang sabi sa taong kausap nya sa kabilang linya. "Fix this! I need more time! Ibalik mo sya sa pagkaka-coma or else parehas tayong pupulutin sa kangkungan!" Dagdag nya pa dito.
Bumilis ang kabog ng dibdib ko sa labis na kaba. Anong gagawin ko? May balak na masama si Tita Belinda sa asawa nya?
Huminga ako ng malalim at nagpatuloy ako sa pagpasok sa loob ng dining area. Parang nakakita ng multo si Tita nang makita nya ako habang may kausap sya sa telepono.
"I'll call you back later!" Aniya sa taong kausap nya sabay baba ng tawag. Lumapit sya sa akin habang nanlilisik ang kaniyang mga mata. "What are you doing here?! I told you to stop my stepsons sa pag-iingay!" Singhal nya sa akin.
Inabot ko sa kanya ang remote ng music. "Tapos na po Tita." Sabi ko. Tinaasan nya lang ako ng kaliwang kilay.
"You can go now." Aniya matapos makuha ang remote. Tumalikod sya sa akin at bumalik sya sa pagkakaupo sa silyang nasa mesa.
"Narinig ko po ang lahat." Kitang kita ko ang gulat sa kaniyang mga mata.
"What did you say? Anong narinig mo?" Bakas ang gulat at takot sa tono ng boses nya.
"Yung kausap nyo po kanina sa telepono. Narinig ko po lahat." Sagot ko. "Tita kung ano man po yang pinaplano nyo sa asawa nyo itigil nyo na po. Matakot po kayo sa karma at sa Diyos." Dagdag ko pa. Hindi ako papatahimik ng konsesya ko kung hindi ko man lang sya tatangkaing pigilan. Mabilis syang tumayo at naglakad palapit sa akin.
"Don't you dare telling that to my stepsons." Striktang sabi nya. "I have Alicia and your little sister. Huwag kang magtatangka Ali. You don't know me. I can do anything, every hideous thing that you could imagine." Dagdag nya pa. "At kung iniisip mo naman na umalis dito because of what you found out, malugod akong ipahahatid ka kay Mang Ben hanggang probinsya. But just to remind you, once you leave wala ka ng babalikan pa dito at d'on na rin magtatapos ang pangarap mong makapag-aral sa kolehiyo."
BINABASA MO ANG
Their Toy
RandomA story of suffering, rape, hope and revenge. *********** WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 18 YRS OLD, NARROW MINDED AND HOMOPHOBICS. RATED 18+/ RATED SPG ALL RIGHTS RESERVED 2020