- 16 -

8.5K 358 129
                                    


Lumipas ang mga araw at buwan, magsisimula na ang unang araw ko sa kolehiyo. Naghahalong kaba at pananabik ang nararamdaman ko ngayon. Sa dami ng pinagdaanan ko nitong mga nakaraang buwan, hindi ko akalain na makakaya ko pang tumagal at makaabot sa pasukan.

Gusto ko na sanang lumayas n'on dahil noong umuwi sina Tita Belinda at Tito Manuel galing Cebu, lumapit agad ako sa kanila para humingi ng tulong para mabayaran ko ang utang ko kina Kuya Daniel at para matapos na rin ang pambababoy na ginagawa nila sa akin pero bigo ako, dahil sa tuwing lalapit ako kay Tito Manuel pinipigilan ako ni Tita Belinda at dahil d'on napagod na ako. Unti-unti na akong naging manhid at natanggap ko na ang sitwasyon ko. Sa tuwing pagsasamantalahan ako ng tatlong demonyo ay wala na akong nararamdaman, hindi na rin ako naiiyak at manhid na manhid na ang katawan ko sa pambababoy na ginagawa nila sa akin. Natutunan ko na ring sumunod agad sa bawat utos at gusto nila para wala ng problema. Parang naging normal nalang sa pang-araw araw ko na pagsasamantalahan nila ako. Duming dumi na ako sa sarili ko, pero kailangan kong maging matatag dahil nangako ako sa sarili ko na bago ako bumalik sa probinsya namin, dapat mabigyan ko na ng magandang buhay sina Mama at Cathy. Titiisin ko muna kung ano man ang sitwasyon ko ngayon, at balang araw mahihigitan ko pa kung ano ang yaman na mayroon sila ngayon at sisiguraduhin ko na magsisisi sila sa ginawa nilang ito sa akin.

"Get inside." Utos sa akin ni Kuya Daniel pagdating ko sa garahe. Nauna nang umalis sina Kuya Miguel at Samuel dahil may sari-sarili silang mga sasakyan at ngayon, kay Kuya Daniel ako sasabay pagpasok at bukas kay Kuya Miguel at sa susunod na bukas naman kay Kuya Samuel. Pinagsasalit-salitan nila ako gaya nang pagsasalit-salitan nila sa akin sa tuwing gusto nilang tabihan ko sila sa gabi.

Mabilis akong pumasok sa sasakyan at umupo ako sa tabi nya. At nang binuksan na ng gwardya ang gate ay mabilis na pinaandar ni Kuya Daniel ang sasakyan. Nakatitig lang ako sa bintana ng sasakyan habang blanko ang aking mukha, sa lumipas na araw at buwan hindi ko na nagagawang ngumiti at tumawa dahil manhid na manhid na ako.

"Sumabay ka sa amin mag-lunch mamaya." Sabi ni Kuya Daniel. Tumango lang ako bilang tugon. "Are you excited?" Nakangiti nyang tanong.

"Opo." Tipid kong sagot.

"Cool." Aniya. "And just to remind you again, don't talk to guys. Get rid of boys and if a guy approach you, ignore him . Naiintindihan mo?" Paalala nya.

"Opo." Sagot ko.

"Good girl." nakangiting sabi nya sabay gulo sa buhok ko.

Pagdating namin sa Saven University ay agad akong lumabas sa kotse, inikot ko ang panigin ko sa buong paligid at namangha ako sa ganda at laki ng unibersidad na ito. Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi at sa tagal ng panahon, ngayon lang ulit ako napangiti.

"You look happy, you like this place don't you?" Nakangiting tanong sa akin ni Kuya Daniel. Biglang nawala ang ngiti sa mukha ko. Tumango lang ako bilang tugon sa sinabi nya.

"Come on, ihahatid kita sa room nyo." Aniya. "Malawak ang Saven, baka maligaw ka kung hindi kita sasamahan." Dagdag nya pa. Kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod nalang dahil tama naman ang sinabi nya na wala akong alam dito.

Inakbayan ako ni Kuya Daniel at nagsimula na kaming maglakad. Habang naglalakad kami, pansin ko ang mga matang nakamasid sa amin kaya nakaramdam ako ng hiya kaya minabuti ko nalang na iyuko ang ulo ko. Pakiramdam ko kasi, hindi ako nababagay sa lugar na'to dahil kung titignan palang ang mga estudyanteng nag-aaral dito mababakas sa kanila na lumaki sila sa marangyang buhay at sobra akong na-iilang sa kung paano nila ako titigan. Hindi ko alam kung iniinsulto na ba nila ako, o baka naman dahil sa suot kong mamahaling damit na hindi naman bagay sa akin o baka naman ngayon lang sila nakakita ng probinsyanang bakla na may lakas ng loob na tumuntong sa mataas nilang paaralan? Hindi ko alam, gulong gulo ang isip ko sa kung ano ang iniisip nila sa akin. Pinipilit kong huwag magpa-apekto pero sobra akong naapektuhan ng titig nila.

Their ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon