- 05 -

9.2K 320 36
                                    

Lumipas ang ilang araw, patuloy pa rin ang tatlong bakulaw sa pagpapahirap sa akin. Pero habang sinusubok nila ang pasenysa ko ay lalo naman itong humahaba at nagiging mas lalo akong matatag. Hindi ko sila hahayaang manalo. Pahirapan lang nila ako, pero hindi ko iyon susukuan.

"Ali, pinapapunta ka ni Sir Daniel sa kwarto nya." Sabi ni Ate Nora. Napakunot ang noo ko. Sa pagkakatanda ko ayaw akong papasukin ng bakulaw na'yon sa kwarto nya tapos ngayon pinapapunta nya ako? "Ako sana ang maglilinis ng kwarto nya pero ayaw nya, ikaw nalang daw." Dagdag nya pa.

"Sige Ate pupunta na ako. Salamat." At nagalakad na ako papunta sa silid ni Kuya Daniel.

Pagdating ko sa harap ng kwarto nya ay agad akong kumatok ng na mabilis din naman nyang pinagbuksan. Tumambad sa akin ang mabigat nyang presensya at gaya ng dati, nakatapis lang sya ng puting tuwalya habang tumutulo ang tubig mula sa basa nyang buhok. Tumingin ako sa ibang direksyon dahil hindi ako komportable na makakita ng lalaking nakatapis lang ng tuwalya.

"Pinapapunta nyo raw po ako dito." Sabi ko.

"Yeah. Clean my room. It's messy." Sagot nya. Pumasok ako sa loob ng silid nya at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung gaano ito kagulo. Para itong binagyo at pakiramdam ko sinadya nyang guluhin ito para pahirapan ako. "Do it quickly, my brothers' room are also waiting for you. Their room are also messy." Napa-igting nalang ang panga ko sa labis na inis.

"Okay po." Ang nasabi ko nalang at nagsimula na akong maglinis.

Habang naglilinis ako ramdam ko na may mata na nakatingin sa akin at hindi nga ako nagkamali, pinapanuod akong maglinis ni Kuya Daniel habang nakaupo sya sa kama at ngayon naka asul na sando na sya at itim na shorts. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkailang dahil iba yung nararamdaman ko habang nakatingin sya sa akin. Kaya naman huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglilinis.

Pagkatapos kong malinis ang mga kalat sa sahig, sinunod ko naman ang estante kung saan naka-dispaly ang mga laruang mga basket player ni Kuya Daniel. Nakatumba silang lahat kaya kumuha ako ng upuan dahil may kataasan ang estanteng iyon at isa-isa ko silang inayos.

"Be careful with that. Mas mahal pa ang mga yan sa buhay mo." Nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Kuya Daniel at dahil sa labis na gulat nawalan ako ng balanse at napapikit nalamang ako nang maramdaman kong mahuhulog ako sa upuan.

Pero imbis na sahig ang maramdaman ko, matigas na bisig ngayon ang nakapalibot sa akin. Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang galit na mukha ni Kuya Daniel habang karga-karga nya ako. Ilang segundo rin syang nakatingin sa akin at napapikit ako nag bulyawan nya ako.

"What the fvck are you doing?! Sabi ko be careful with my action figures! Anong gagawin mo kung masira sila ha? May pambayad kaba?" Sermon nya habang buhat-buhat nya pa rin ako na parang bagong kasal.

"Sorry po Kuya. Nagulat kasi ako n'ong bigla kang magsalita." Sagot ko. "P-pwede mo na po akong ibaba."

Kita ko ang pagkagulat sa mga mata nya nang mapansin nyang matagal na minuto nya rin akong buhat buhat. Mabilis nya akog binaba at muli akong pumatong sa upuan para ayusin ang mga laruan nya.

"Ayusin mo ang trabaho mo!" Galit nyang sabi at padabog syang naglakad palabas ng silid nya. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa wakas makakapaglinis na ako ng walang pinoproblema.

Pagkatapos kong malinis ang silid ni Kuya Daniel ay nagtungo na ako sa kwarto ni Kuya Miguel dahil plano talaga nila na pagurin ako sa paglilinis ng mga kwarto nila. Kumatok ako sa pinto ng silid ni Kuya Miguel at gaya ni Kuya Daniel, mabilis din nya akong pinagbuksan.

"Bakit ang tagal mo? Linisin mo na ang kwarto ko! Bilis!" Bulyaw nya sa akin pagkabukas nya ng pinto. Yumuko ako at napatingin sa aking mga paa para ibaling sa iba ang atensyon ko dahil naka boxer shorts lang sya at walang pang-itaas.

Their ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon