- 14 -

9.3K 385 97
                                    


Kinabukasan, sobra na akong nababalisa dahil hindi pa rin natatapos ang bagyo. Kaya kanselado pa rin ang pagbyahe ng mga eroplano ngayon at dahil d'on, hindi muna makakauwi sina Tito Manuel at Tita Belinda. Sinubukan ko silang tawagan pero hindi nila sinasagot ang tawag ko. Nagmensahe na rin ako sa kanila pero wala akong sagot na nakuha. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung paano ko mababayaran ang utang ko kina Kuya Daniel. Alam kong tototohanin nila ang sinabi nila kaya sobra na akong nababalisa. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Tumingin ako sa labas ng bintana at hanggang ngayon malakas pa rin ang ulan dahil sa dalawang magkasunod na bagyo ang dumating. Kasabay ng pagpatak ng ulan ang pagpatak ng luha ko dahil nawawalan na ako ng pag-asa. Naglakad ako pabalik sa kama ko, umupo ako doon at muli kong kinuha ang telepono ko. At sa huling pagkakataon, sinubukan ko ulit na tawagan si Tito Manuel at parang nabuhayan ako ng loob nang may sumagot sa kabilang linya at boses iyon ni Tita Belinda.

"Hello po Tita. P-pwede ko po bang makausap si Tito Manuel?" Saad ko.

"What do you need from him?" Striktang tanong nya.

"Gusto ko lang po syang kausapin." Sagot ko.

"He's busy. He can't answer phone call right now. He's in an important meeting." Sagot nya.

"Tita, gusto ko lang po sana humingi ng tulong." Pagmamakaawa ko.

"Help? Is that about what you texted me this morning?" Tanong nya.

"Opo Tita. May inutangan po kasi ako para po matubos ang bahay at lupa namin dahil napalayas na po sila Mama sa bahay at para mapa-ospital na rin si Cathy dahil nilalagnat po sya. Kailangan na kailangan ko na po kasi silang bayaran. Binigyan lang po nila ako ng isang araw na palugit. Please po Tita. Nakikiusap po ako. Tulungan nyo po ako." Hindi ko na napigilan ang luha ko sa pagpatak nito.

"Umutang ka? At gusto mo ako o ang asawa ko ang magbayad? Are you kidding me?" Sarkastiko nyang sabi.

"Please Tita. Babayaran ko rin po kayo. Nakikiusap po ako." Lumuluhang pakiusap ko.

"Ikaw ang humiram ng pera na 'yan, ikaw dapat ang mag-bayad. Tutulungan ka na nga namin na mag-aral sa magandang kolehiyo at may gana kapang mangutang ngayon? Iba na rin talaga ang kapal ng mukha nyong mag-iina. Ibang klase." Aniya at binigyan nya ako ng pauyam na tawa.

"Tita nakikiusap po ako. Alam ko po na may hindi kayo pagkakaunawaan ni Mama noon pero nakikiusap po ako, pamilya nyo rin po kami. Kahit ngayon lang po sana maituring nyo kaming pamilya at matulungan nyo kami. Kapag hindi ko po nabayaran ang inutangan ko, baka po walang matuluyan sina Mama at Cathy dahil babawiin po ulit ang bahay namin at baka lalong lumala ang sakit ng kapatid ko kapag inalis sya sa ospital."

"Then that's not my problem anymore. You should seek help to others not to me nor with my husband. Bye." At kasabay n'on ang pagbaba nya ng tawag. Parang dinurog ang puso ko sa ginawang iyon ni Tita. Hindi ko lubos maisip na matitiis nya kami nila Mama. Wala syang puso.

Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata. Humiga ako sa kama at napahagulgol ako sa pag-iyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Habang patuloy pa rin sa pagtulo ang luha sa aking mga mata, may kumatok sa pinto ng silid ko at binalot ako ng kaba dahil baka silang tatlo na'yon. Pinunasan ko ang luha ko at naglakad ako palapit sa pinto at binuksan ko iyon.

"Your one day is about to end, where's the money?" Seryosong tanong ni Kuya Daneil pagkabukas ko ng pinto. Nasa likod nya sina Kuya Miguel at Samuel at seryoso ding nakatingin sa akin.

Their ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon