Lumipas ang mga buwan at linggo at ngayon mas lalong lumalalim ang pagtingin ko kay Tophe at gan'on rin sya sa akin. Noong nakaraang linggo lang ay sinagot ko na sya at ngayon nga ay kami na. Sobrang sarap pala sa feeling na ma-inlove lalo na't pareho kayo ng nararamdaman ng taong mahal mo. Para akong nasa ulap sa tuwing kasama ko si Tophe at walang pagsidhi ang saya na nararamdaman ko. Nalilimutan ko ang problema at hirap ng buhay sa tuwing nasa tabi ko sya.
Noong una nagdalawang isip pa ako kung itutuloy ko pa ba ang ginagawa nyang panliligaw n'on dahil natatakot ako sa maaring gawin ng tatlo kong pinsan sa kanya at nababahala ako lalo na kapag nalaman nya na ginagawa ako ng mga ito na parausan ay baka layuan at pandirihan nya ako. Alam kong walang sikretong hindi nabubunyag, pero ayoko namang pagkaitan ang sarili ko na maranasan ang pagmamahal na sinsabi nila sa lalaking gaya ni Tophe.
Napakaswerte ko dahil dumating sya sa buhay ko. Isa na siguro ako sa mga maswerteng lalaking may pusong babae na minahal pabalik ng lalaking mahal nila. Wala na akong mahahanap pa na gaya ni Tophe, sobrang bait nya, gwapo, magalang at higit sa lahat nirerepesto ako at ang turing nya sa akin ay parang tunay na babae. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko, sobrang nahulog na ako sa kanya kaya sinagot ko na sya noong nakaraang linggo.
Sya ang una kong naging boyfriend at sabi nya, ako raw ang ikalawa nyang naging girlfriend. Sinabi ko sa kanya n'on na iba ako dahil hindi ako babae kaya masasabing ako ang una nyang naging kasintahan na may pusong babae pero pinipilit nya pa rin na girlfriend nya ako at kahit kailan hindi raw magbabago ang pagtingin nya sa akin na isang babae. Kinikilig nalang ako sa tuwing maalala ko ang mga salitang iyon mula sa kanya at sa tuwing ipinaparamdam nya sa akin na babae ang turing nya sa isang gaya ko.
May takot man ako sa dibdib sa mga posibleng mangyari ng relasyon naming ito ni Tophe, sinusubukan kong maging matapang at ihanda ang sarili ko posibildad na malaman ng tatlo kong pinsan ang relasyon namin at malaman ni Tophe ang ginagawa nila sa akin. Ngayon palang kailan ko ng ihanda ang sarili ko, dahil alam ko sa huli ako lang rin ang masasaktan pero sabi nga nila, mabubuhay lang tayo sa mundong ito ng isang beses at mamatay lang tayo ng isang beses kaya kung may bagay ka na gustong gawin, gawin mo na hanggat may pagkakataon ka at ayokong palampasin ang pagkakataon na pagbigyan ang nararamdaman namin ni Tophe sa isa't isa dahil ayokong magsisi sa huli.
"Ano Da? May naisip kana ba na pwede nating lutuin sa mga seafood na binili natin?" Tanong nya habang nasa kusina kami ng bahay nila.
Napangiti at medyo naiilang dahil hindi pa rin ako sanay sa tawag nya sa akin na Da. Yun daw ang itatawag nya sa akin dahil maganda raw ako at ang itatawag ko naman daw sa kanya ay Sig dahil makisig daw sya. Medyo corny man pero, hinayaan ko nalang dahil doon sya masaya.
"Wala pa rin eh. Ang hirap mag-isip." Napakamot ako sa ulo ko dahil ang hirap mag-isip ng putaheng isu-submit namin kay Misis Domingo. May project kami at kailangan naming makapagpasa ng isang putahe na ang main ingredient ay seafood at ngayon, medyo hirap pa rin kami ni Tophe na mag-eksperimento ng putaheng lulutuin namin.
"Hmmm. Ano kaya kung mag garlic shrimp nalang tayo tapos lagyan nalang natin ng cheese at cream?" Suhestyon nya.
"Uhm. Pwede rin naman. Ano itatawag na tin d'on?" Tanong ko.
"Uhmm. Creamy cheesy garlic shrimp." Nakangiti nyang sagot. Hindi ko alam pero napatawa nalang ako bigla. "Da?! Anong nakakatawa?" Nakanguso nyang tanong na parang bata kaya lalo akong natawa. Kinuro ko ang pisngi nya dahil ang cute nyang tignan.
"Wala. Ang obvious lang kasi ng ingredients ng lulutuin natin kasi nasa pangalan na." Sagot ko.
"Ikaw naman ang magbigay ng suggestion, puro nalang ako." Maktol nya na parang bata kaya muli akong natawa.
BINABASA MO ANG
Their Toy
RandomA story of suffering, rape, hope and revenge. *********** WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 18 YRS OLD, NARROW MINDED AND HOMOPHOBICS. RATED 18+/ RATED SPG ALL RIGHTS RESERVED 2020