- 07 -

8.4K 338 67
                                    


"Bading po ako, hindi po ako babae." Sabi ko at pagkatapos ay ngumiti ako ng pilit kay Tito Manuel kahit na nahihiya ako dahil ang buong akala nya ay babae ako.

"Oh, I-I see. That's really unexpected. I thought you're a girl because you're beautiful. But what ever you are, you're part of the family. We accept you here." Nakangiting sabi ni Tito. Parang may humaplos sa puso sa tinuran nya. Ito palang yata ang unang pagkakataon na nakarinig ako ng ganyang mga salita dito sa mansyon.

"Sa-salamat po Tito." Nakangiti kong sabi at nagpatuloy na kami sa pagkain.

"Honey, I want to celebrate this- that you are now okay and your birthday is coming too, we have to celebrate this. I'mm happy that you're fine now. I really really missed you. I want a big celebration for your birthday and for you having another life." Ani Tita Belinda.

"No honey, I just want a simple celebration. Alam mo namang ayoko ng ganyan." Pagtanggi ni Tito.

"Honey, all of our employees and the board are happy that you're now okay and they are excited to see you. They also missed you. Kaya sa ayaw at gusto mo, I'm going to call an event planner to make your birthday special and I assure you, you'll enjoy it." Malambing na sabi ni Tita dito.

Wala ng nagawa si Tito Manuel kundi sang-ayunan ang gusto ni Tita Belinda. Napangiti ako dahil sobrang lambing pala talaga ni Tita kay Tito Manuel pero nawala ang ngiti ko nang maalala ko ang maitim nyang balak dito. Lahat ng pinapakita ni Tita ay puro pagpapanggap lang. Pero natatakot ako para kay Tito Manuel, dahil alam kong hindi titigil si Tita Belinda hanggat hindi nya nakukuha ang yaman ni Tito. Anong gagawin ko?

"You should also be there Ali." Biglang sabi ni Tito Manuel kaya nahinto ako sa pag-iisip.

"P-po?" Utal kong tanong.

"My sons will be there at the party, dapat nandon ka rin." Sagot nya.

"Uhm. Ka-kasi Ti-Tito hi-hindi pa po k-kasi ako nakaka-attend sa mga sosyal na party. Baka mapahiya lang po kayo sa akin kapag sumama pa po ako. Sorry po." Nakayukong sabi ko. Napakagat ako sa labi dahil sa kaba. Ayokong pumunta, ayokong dumalo dahil hindi ko alam kung paano makihalubilo sa mayayamang gaya nila.

"It's okay honey, you don't have to push him to attend the party. Ganyan talaga yang pamangkin ko mahiyain." Saad ni Tita.

"No I insist. I want her to be there." Pagmimilit ni Tito. "Ali look at me." Pagbaling sa akin ni Tito. Inangat ko ang mukha ko at tumingin ako sa kanya. "Be there okay? Kahit yun nalang ang regalo mo sa akin. Ayokong ituring mo ang sarili mo na iba, you're my wife's niece and I want you also to be there because you're a family." Aniya. Nakakalambot ng puso na ganito kabait ang turing sa akin ni Tito Manuel kahit nalaman nyang hindi ako babae, ay parang babae parin ang tingin nya sa akin sa pagtawag nya sa akin na niece.

"Si-sige po Tito." Pagpayag ko.

"Great." Masaya nitong sabi at nagpatuloy na kami sa pagkain.

Pagkatapos naming maghapunan ay naiwan kami ni Tita Belinda sa dining area, hinawakan nya ako sa braso habang nakataas ang kanyang kaliwang kilay.

"Did you say something to my husband?" Strikta nyang tanong.

"Wa-wala po Tita. Wala po akong sinabi." Sagot ko.

"Good." Aniya sabay bitiw sa braso ko. "Ngayon, lumipat ka sa guess room at dalhin mo lahat ng gamit mo d'on. Baka malaman pa ni Manuel na sa maid's room kita pinatuloy. And make sure that you always shut your mouth. You know what I can do to Alicia and to your little sister right?"

"Opo Tita." Ang nasabi ko nalang.

"And one more thing, if my husband is not around siguraduhin mong tutulungan mo pa rin ang mga kasambahay dito na maglinis ng bahay. Hindi ka prinsesa dito Ali, know your place." Paalala nya.

Their ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon