Chapter 40

362 19 1
                                    

Valarie

Ganoon na lamang ang gulat namin nila Ate Yna ng hindi kami makaramdam ng kung anong sakit na siyang imposible dahil sa lakas ng pagsabog kanina. Nanatili kaming nakataklob sa kumot ni Franco-sama ng ilang mga minuto bago niya dalidaling inalis yun sa pagkakataklob sa aming apat.

"Tanda anong ginawa mo," seryosong tanong ni Yana habang ako naman ay nakamaang na pinalibutan ang kanina naming kulungan.

"Kahit papaano ay swerte tayo na tayo ay dito kinulong dahil naprotektahan tayo ng mahika na siyang pumipigil sa paglabas at pagpasok ng kahit na anong mahika upang siguraduhin na hindi makakatakas ang mga nakakulong," sambit ni Franco-sama bago maingat na tinupi ang kumot.

Tinitigan ko iyon at nakita ko ang manipis na magic barrier doon. Hindi na ako nagtaka, ang kumot na iyon ay hindi isang simpleng kumot lamang. Isa siguro iyon sa mga kayamanan ng mga Vitalos Tribe.

"Kung ganoon, pano tayo na protektahan niyan kung hindi pala gumagana ang mahika dito?" Tanong ni Yana habang nakaturo sa kumot na tinabi ni Franco-sama.

"Hindi naman kasi mahika ang ginamit nito, ang nag-pagana dito ay ang life energy ko. Ang hindi lamang pede makapasok at makalabas dito ay ang mga pwersa na nanggaling sa inyong mga crystal energy o sa terminolohiya natin, sa magic energy," pagpapaliwanag ni Franco-sama.

Teka, kung totoo nga na life energy ay maaring gamitin...

Huminga ako ng malalim bago umupo sa sahig, pinikit ko ang aking mata at nag concentrate.

Gamit ang telepathic chanting method.

"Hydran, water tracking..."

Kaya mo ito Valarie, focus and believe.

May nakita akong asul na linya!

"Nakita ko na ang daan palabas," sabi ko bago dali-daling tumayo.

Kahit na nagmamadali ay nakita ko kung paano tumingin sa akin si Franco-sama. Nandoon ang pagkamangha at para bang pinagmamalaki niya ako.

"Let's go?" Sabi ni Ate Yna at tumango naman kami.

Everything seem destroyed anyways, kaya naman hindi na naging mahirap ang pag-takas namin. Napalunok ako ng may makasalubong akong isang nakaitim na nakasuot ng uniporme ng mga light knight.

Hindi ko maiwasang kabahan, ang pakiramdam na ito, ang presensya nito, parang naramdaman ko na noon.

"Saan sa tingin niyo kayo pupunta," nakangising sabi nito.

Agad akong pumorma na lalaban, isa siya sa mga taksil na Light Knight! Ganitong-ganito yung naramdaman ko ng makaharap namin ni Vixon ang Light Knight noon.

At ano naman ang gagawin nito dito? Hindi ba't dapat na nakikipaglaban ito imbes na nandito at binabantayan kami. 

Isa kasi itong Light Knight, Offence Dept. Ang mga Light Knight ay may kanya-kanyang departments para organisado ang lahat. May tatlo na departments ayon sa pagkakaalam ko.

Ang Offence Dept na siyang bahala sa pag puksa ng mga kalaban, mga taga Offence Dept yung mga humuli sa akin. Ang department din na ito ang pinakakilala dahil sila ang dahilan kung bakit nakilala ang mga Light Knight bilang mga malalakas na nilalang.

Not The Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon