Epilogue

804 40 15
                                    

Valarie

<after 2 years>

"Nhinyae, Valarie Scarlett. High-tier, Liquaxis Mage!" Napalunok ako bago tumayo at naglakad patungo sa stage.

Madaming ngyari sa loob ng dalawang taon pagkatapos ng gera. Hindi man naging madali, pero napawalang sala din ako at nagpatuloy sa pagaaral. Nakaranas ako ng kritisismo pero hindi siya kasing lala ng inasahan ko.

Kahit papaano, naging okay din ang pakikitungo ng Crystal Domain at Heix Domain sa isa't isa. Gaya ng sinaunang panahon, nagkakaroon na muli ng "trade" sa pagitan ng dalawang panig.

Nginitian ako ni Mage Merlin at ngumiti din ako pabalik bago lumuhod para tanggapin ang kanyang annointing. Para maging isang ganap na mage na nga ako.

"Arcanimus!" Sambit niya at agad ko naman naramdaman ang paghapdi ng pulsuhan ko, habang nakatungo ay nakita ko kung paano magkaroon ng marka yun.

Ng matapos ay tumayo ako at nakipagkamay sa kanila.

"I look forward to your growth," nakangiting sambit ni Mage Merlin at hindi ko naman maiwasan na kiligin kaya agad akong tumango.

Ng si Sir Stanley na ang kakamayan ko ay wala niya akong pasabing niyakap kaya naman nagtawanan ang iba.

"Si Sir talaga lakas maka-favoritism di man lang tinago!" Sigaw ng isa kaya naman nagtawanan ang lahat.

Impluwensya na din siguro ng mga taga Crystal Domain, naging mas carefree pero may disiplina pa din ang mga taga Heix. Wala na yung grabe ka bigat na pressure tuwing may mga ceremony.

"Mamimiss kita mabait kong estudyante," nagkunyari pang umiiyak si Sir Stanley habang sinasabi iyon kaya naman di ko maiwasan matawa ng mahina bago siya niyakap pabalik at agad din naman kami naghiwalay.

"You look great in your kimono, Nhinyae," nakangiti namang sabi ngunit mukha pa ding strikta na sabi ni Ms. Rebecca kaya naman tumango ako sa kaniya.

Bago ako bumaba sa stage ay hinarap ko muli sila at nagpakawala ng mga water lilies at binigyan sila noon bago tumango, 90 degree bow.

"Thank you for your guidance!" Sambit ko at nagsipalakpakan naman ang iba.

Pagkababa ko ay tinalon ko ng yakap sila mommy at daddy.

"Ohh, we're so proud of you princess," nakangiting sabi ni daddy habang si mommy ay humahagulgol na kaya naman hindi maiwasan ni kuya matawa.

"Congrats, sa wakas di na kami mahihirapan na gisingin ka araw-araw. You sleeping mermaid," panga-asar nito kaya naman sinimangutan ko siya.

"Pangit mo pa din kuya," sabi ko naman at hinablot na ang flowers na alam ko naman na para sa akin.

"Hoy, hindi para sayo yan," asik niya kaya naman umirap ako.

"Iba ang graduation nila hime-sama kaya sigurado akong akin ito. Alangan naman na may iba kang natitipuhan, aba isusumbong talaga kita," sabi ko kaya naman sandali siyang namula kaya naman mas lalo akong natuwa.

Kanina pa umiilaw ang sing-sing ko pero hindi ko pinansin yun. Maghintay siya aba.

Sumunod namang tinawag ang mga warriors. Agad kong nilabas ang CD ko at nirecord si Sleigh ng siya na.

Not The Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon