Chapter 1

1.8K 54 2
                                    

Valarie

"Good morning mommy!" Bati ko kay mommy habang naglalakad pababa ng stairs namin. Nakita ko naman na handa na ang baon ko at bag, kahit kasi na malaki na ako ay si mommy parin ang naghahanda ng kagamitan ko para naman di na ako malate sa pag-pasok.

"Si mommy lang talaga ang may good morning baby?" Tanong naman ni daddy kaya napatawa ako, si daddy talaga!

"Good morning din daddy!" Bati ko with matching hug pa napasimangot naman si mommy, kahit kelan talaga itong parents ko ahaha!

"Si Kuya Vriee asan?" Tanong ko bago umupo sa upuan para kumain ng agahan.

"Nauna na ang kuya mo, daig mo pa daw kasi ang sleeping mermaid sa himbing ng tulog mo," sabi naman ni mommy kaya napa busangot ako, lagot talaga si kuya pag nakita ko siya!

Dinalian ko na ang pagkain ko at nagsipilyo na. Nilagay ko na ang baon ko sa bag ko at sinukbit na ang bag ko.

"Ingat Arie," sabi ni daddy, Arie ang home nickname ko sila lang nila mommy ang may alam sa nickname kong yan.

Lumabas na ako ng bahay at naglakad na papuntang Water Station, ang water station ay ang train station kung tinatawag sa mortal world dito tumitigil ang Express Carrier na siyang lumilibot sa lahat ng districts ng bawat tribe dito sa Heix Realm. Ang Heix Academy ay nasa Capital (Mitah City) na kasama sa pinamumunuan ng Heix Tribe, may 5 main school nga pala ang pinakasikat ay ang Heix Academy, sunod ang Fiery Academy, sunod ang Aqua Academy, sunod ang Aerial Academy, at panghuli ang Terros Academy.

Pero hindi ibig sabihin na pinakahuli na ang Terros Academy sa pinakasikat ay hindi na ito malakas. Lahat ng 5 main schools na pinakakilala sa Heix Realm ay malalakas, nanggagaling sa mga school na yun ang mga immortal na talagang binago ang history.

Sa Heix Academy ako nagaaral dahil nakapasa ako sa exams nito noong mag f-first year na ako, isa rin akong Mid tier meaning di ako mahina di rin ako super lakas in short above average or average ang mga Mid tier. Third year na nga pala ako at my five year levels in total, I think kung tama ang pagkakatanda ko ahehe.

Tinap ko na ang ID ko sa water scanner bago ako pumasok sa station para hintayin ang express carrier. Maya-maya ay dumating na din ang express carrier kaya naman pumasok na ako, medyo siksikan kahit na maaga-aga pa pero ganito talaga.

Simpleng estudyante lang naman kasi ako, may kaya kami pero kahit ganoon di na ako bumili ng dragon or anything sayang din sa magic energy kung mag-teleport ako kaya ganito ang daily routine ko at karamihan pa ng iba pang mga normal o kaya naman gusto ng simpleng pamumuhay na mga estudyante.

"Ey Valarie!" Napangiti naman ako ng makita si Kathy isang mid tier din, kaklase ko siya at masasabi kong malapit na kami maging mag  bestfriend.

"Hi Kathy!" Bati ko pabalik at tumabi na sa kaniya, pareho kaming nakatayo dahil occupied na ang seats.

"Land Station District 1,"

Agad naman naglabasan ang mga ibang workers. May pumasok na matandang babae kaya siya na ang pinaupo namin ni Kathy imbes na kaming dalawa ang umupo, may kasama kasing bata yung babae.

"Salamat mga hija," nginitian lang namin ni Kathy yung matandang babae.

After 15 mins ay nakarating na rin kami sa Light Station Central District. Lumabas na kami ng train at pagpasok namin ng barrier ng Heix Tribe ay agad na naactivate ang privilages namin kaya naman inactivate na namin ang hoverboards namin, water type yung akin dahil water mage ako habang air type naman yung kay Kathy dahil air mage siya.

Lumipad na kami papuntang school, soon ay may mga nakakasabay na kami. Ganito ang routine ng halos lahat ng estudyante ng Heix Academy, kampante kaming mga babae kahit mga naka-skirt kami dahil required ang naka shorts sa loob na itim.

"Hello Valarie!"

"Hi Kathy!"

"Ey Therese!"

"Yo Sleigh!"

Nagbatian kami at nagkwentuhan na rin habang papunta sa school, magka-kaklase kasi kami di naman ako famous e si Kathy yun ahaha! Paano ba naman may kaibigan siyang head tribe successor, si Caytlin-sama.

Nagland na kami sa school grounds at pag tapak namin ay automatic na naging iba ang kulay ng laylayan ng sleeves at skirt namin. Nakadepend kasi sa rank namin ang color ng laylayan, originally black ito pero pag tapak mo ay magiging white, blue, or gold. White, or wala kasi white ang color ng uniform namin, ay para sa mga low tier. Blue para sa mid tier at Gold para sa high tier.

Nilagay ko sa harap ko ang kamay ko at sinwipe pa right kaya naman lumabas na ang hologram, gamit yun ay tinignan ko kung ano ang schedule ko ngayon. Hmm, Music class ni Miss Mitch.

"Let's go, sabay na lang tayo," mukhang music class din sila Kathy, Sleigh, at Therese. Naglakad na kami papunta sa music room ng makasalubong kami ng mga high tiers.

"Good morning," bati namin sa kanila at tumungo naman sila. Bakit kaya sila nandito sa floor namin? Normally kasi ay na sa upper section sila para maiwasan ang bullying...

"Bakit kaya sila nandito? Diba ayaw nila sa mga weakling?" Tanong ni Therese, dito kasi kami sa lower section dumaan para di masyado crowded. Pumasok na kami sa bubble elevator at umakyat na ito sa middle section, divided ng barriers ang bawat sections di makakapunta ang mga low tiers sa upper and middle section, habang kami naman ay hindi kami pede sa upper section.

"Grabe ka naman Therese may mga mababait naman na high tiers, tulad ng cnadidate successors at ni Ate Francine na siyang Vice President," pahayag ko, na meet ko na kasi si Ate Francine at masasabi kong friends kami. Secretary kasi si Kathy kaya naman pagyayayain ko na siyang kumain ay napapadaan ako minsan sa office nila.

"Masyado ka lang talaga inosente at mabait Valarie," sabi naman ni Sleigh. Hayst, lagi na lang nila yan sinasabi.

"Bethanie!" Bati ko ng makita ang familiar na pink bunny guardian, isa sa mga servers ng mga estudyante dito sa kanila pede ka magtanong ng kahit anong gusto mo malaman tungkol sa direction.

Agad naman naganyong tao si Bethanie para yakapin ako, naka pink fur coat siya at white dress with pink fur boots, pink ang hair niya at white ang bunny ears niya.

"Valariee~" cute din ang bosses niya, wahh ang sarap niya talaga yakapin! Ang fluffy ng coat niya wahh!

"Hi Bethanie," bati naman nila Sleigh.

"Hello Masters," nakangiting sabi ni Bethanie bago ako bumitaw sa yakapan session namin.

"Bethanie ang unfair mo, sabi naman namin na name basis na lang e," biro ni Kathy, napatawa naman kami.

Nagring na ang first bell kaya naman nagpaalam na kami at dali-daling pumunta sa music room...

Not The Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon