Chapter 24

388 25 2
                                    

Valarie

Kanina pa ako wala sa sarili. Hindi ko din maintindihan kung ano ang sinasabi ni Sir Gilbert.

"Ms. Nhinyae? Ms. Nhinyae!" Agad akong napatayo ng tawagin ako. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. 

"Ms. Nhinyae may problema ba?" Napatango na lang ako sa hiya. Ang tahimik din ng classroom, nakakahiya talaga.

Kailangan pa talaga lakasan ni sir ang pagtawag sa akin. Get a grip Valarie.

"S-Sorry po sir," paumanhin ko, matunog naman na bumuntong-hininga si sir.

Hindi talaga mawala sa isip ko yung sulat. Tapos aalis pa si Bethanie, ang bigat lang sa pakiramdam. Siguro kung hindi nagawa ni Vixon kung ano man ang ginawa niya sa akin ay paniguradong sumabog na ako dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.

"I don't tolerate this in my class Ms. Nhinyae, you'll be doing a 10-page report on chapters 10 and 12. Pass it to me later before the day ends Ms. Nhinyae," striktong sabi ni sir kaya naman napalunok ako at tumango na lang.

"Now answer my question, state 3 laws," sabi ni sir kaya naman napakagat ako sa ibabang labi at nagisip. Napapikit ako ng mariin ng mablanko ang isip ko. 

Think Valarie!

"U-Umm, Law of Superiority - The Queen has over all authority even if the whole council disagrees with her. She could only be, umm, suppressed by the people a-and slander i-i-i ---sorry uhm, i-isn't included or counted. Battlefield Code - Everything that happens on the battlefield isn't accountable to any tribe such as death, although if a t-trick was played the higher court will deal with it. The Healing Sec of the Mage department will also be on standby and e-everyone is treated fairly. Law of Division - The Heix and Crystal bloods should always be divided, unless acted upon the queen or the leaders of both d-domains," sabi ko.

Hindi ko maiwasang mahiya, pakiramdam ko ay maiiyak na ako sa hiya. Nabulol pa talaga ako!

Naupo na ako at nanatiling nakatungo, nagsimula na ulit mag-discuss si sir pero sinubukan ko na talagang makinig ngayon kahit na nab-blanko pa din ang utak ko. Gusto ko talaga maiyak kanina, nanginginig pa din ako.

Pagkatapos ng klase ay agad ako nilapitan nila Kathy.

"Okay ka lang ba Valarie? May problema ba? Hindi ka naman basta-basta na lang hindi nakikinig e," nagaalalang tanong ni Therese, pilit naman akong ngumiti.

"Psh, hindi porket nililigawan ka ni Kyllen-sama ay maglalakas loob ka ng hindi makinig. Pathetic," napakagat ako sa ibabang labi ng sabihin yun ng isang kaklase. Agad naman napatayo si Kathy at hinarap siya pero natakot ito kaya tumakbo palabas.

Ganoon na ba ang ngyayari sa akin? Nakakasama naman ng loob na ganoon pala ang labas noon sa iba, hindi ba pede na masama lang talaga ang pakiramdam ko? 

"Hey it's okay Valarie, everyone experiences embarrassment in class," pang-aalo sa akin ni Sleigh pero wala akong nagawa kung hindi ang tumango na lang.

"A-Ano, sige uwi na kayo gagawin ko pa yung pinapagawa ni sir," sabi ko naman pero nagkatinginan lang sila.

"Samahan ka na lang namin, wala naman kaming gagawin e," sabi ni Kathy pero umiling ako. Ayaw ko maging abala, pati alam ko naman na madami pa silang gagawin e.

"Kaya ko na ang sarili ko, tatawag ako promise," sabi ko at kahit nagaalala sila sa akin ay wala na silang nagawa kung hindi ang tumango at umalis.

Not The Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon