Chapter 38

357 17 3
                                    

Third Person's POV.

F L A S H B A C K

(Sa Academy, habang nagkakagulo dahil sa ngyaring pagatake: Chapter 7)

"Do they want to start a war so badly?!" Inis na reklamo ni Aerora while fighting off some immortals in black cloaks.

Minsan ay naguguluhan sila dahil hindi naman ganito ka aggresibo ang mga ito, pasimple lang ang mga itong umiilag at umaatake. Walang halo ng galit, pagkainis, o kung ano man na dapat makikita sa isang kalaban na unang umatake.

Nakakapagtaka. 

Ngunit mas lalo lang sila naguluhan ng may mga nakaitim ulit na nagsilabasan at tumulong sa kanilang kalabanin ang mga umatake.

"Kilala mo sila pres?" Tanong ni Bowen kay Lester habang nakikipaglaban pero tulad ng dati ay hindi sumagot si Lester. He doesn't talk or have casual conversations during battle, unless of course he's giving out instructions.

Yan ang isa sa mga pinagkaiba ng mga Heixians sa mga Crystal Bloods.

"Baka mga nakikichismis," pagbibiro ni Saedi kaya lahat ay sinamaan siya ng tingin kaya naman napailing na lang si Kyllen sa kalokohan ng kaibigan.

"Kyllen ilag!" Sigaw ni Nympha ngunit ganoon na lang ang gulat ni Kyllen ng biglang may tumulak sa kaniya at paglingon niya ay nakita niya ang isang nakaitim na napuruhan dahil sa pag tanggap ng atake na dapat ay para sa kaniya.

Agad niyang tinira yung umatake at nilapitan yung naka-cloak ng itim ngunit bago niya pa ito makausap ay naglaho na ito pero bago yun ay narinig niyang magsalita ito. 

"We've been betrayed too so we will protect you and t-take your side...p-please help us..."

Natigilan si Kyllen, he was in a trance as the very words kept on ringing on his ears. 

The fight soon ended, nilapitan agad nila Ziahra si Kyllen habang umalis na sila Lexter to report to the council about what happened. 

"Hey, you okay?" Nagaalalang tanong ni Ziahra, but Kyllen didn't budge.

Nagkatinginan sila.

"Bro?" Tawag dito ni Saedi, nilagay pa nito ang kamay sa harap ni Kyllen at ginalaw pero walang kibo ito.

Until out of  nowhere, he collapsed.

"KYLLEN!" They strongly mumbled before Saedi and Justan carried him and teleported to their place.

They did it quietly, because they don't want to cause panic. Ano na lang ang mangyayari kapag nalaman ng mga civilians na hinimatay ang isa sa mga candidate successors. Masisira ang reputation ni Kyllen and of course, it'll cause panic.

Dinala ito sa private clinic nila, to keep it private. Hindi na nagulat ang healer at agad na niya itong inasikaso si Kyllen.

"That's weird," bulong ng healer kaya agad na na alerto sina Saedi.

"What's weird?" Nagaalalang tanong ni Ziahra kaya naman palihim na napailing na lang sina Aerora.

Kahit kailan talaga ay hindi ito marunong magtago ng totoo niyang nararamdaman. Pero nakakabilib din siya, dahil marunong siya rumespeto.

"Oh, uhh, I can't seem to find what went wrong," sabi ng healer, hindi niya din alam kung paano i-explain sa mga candidate successors kung anong ngyayari or to be clear, anong ngyari.

Napakunot naman ang noo nila.

"Maybe it's because of fatigue?" Tanong ni Saedi pero agad naman napailing si Hylda.

Not The Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon