Chapter 13

527 25 0
                                    

(Kyllen's Pic at the top)

Valarie

"Finally makakausap din kita, who knew the playful Vrieeshan Scrage Nhinyae is actually a protective older brother?" napapitlag naman ako ng tumabi sa akin dito sa may upuan si Kyllen-sama.

Nandito kami ngayon sa upper garden na naka-connect sa hall, pede dito magpahangin ganoon hindi din ganoon kainit at masarap ang simoy ng hangin. Wag niya na tanongin kung anong lasa at masarap nga.

"Ibang-iba ka pala pag kasama mo ang pamilya mo ano?" Hindi ko inakala na magbubukas siya ng topic kaya naman sumangayon na lang ako.

"Lahat naman ata ganoon Kyllen-sama," sabi ko, sinisigurado na may respeto ang pagkakasabi ko noon.

"Ano ka ba, pagkatapos ng mga sinabi at ginawa ko napaka-pormal mo pa rin. Kyllen na lang," nakangiting sabi niya, ang ganda ng ngiti niya bakit ngayon ko lang napansin yun? Sabagay wala naman atang pangit na ngiti, iba talaga siguro ang epekto ng kasiyahan sa mga tao ano? Ano naman kaya ang nagpasaya sa kaniya para magpangiti sa kaniya ng ganyan?

"Ang masilayan ang mukha ng taong unti-unti kong nagugustuhan," napanganga naman ako ng sabihin niya yun pero agad ding sinara ang bibig at nagiwas ng tingin, narinig ko siyang matawa. Agadkong sinara ang isipan ko at ng baka mas lalo pa akong mapahiya.

"H-Ha?" Maang-maangan ko at mas lalong napapikit sa hiya ng mas lalo itong tumawa.

"Yun ang dahilan kung bakit ako masaya, ngayon pede mo ba akong tawagin ng Kyllen at kausapin ng casual lang? Ipagtatanggol kita sa korte kunsakali, I'll protect you no matter what." Narinig ko yung sinabi niya sa huli pero mukhang hindi pa siya handa para ipaalam yun sa akin kaya hinayaan ko na lang.

"Kyllen," sambit ko at naramdaman ko naman kung paano niya ako lingunin, at ganoon na lang ang pagkamangha ko ng ngumiti siya. Napakaganda noon, sobrang ganda noon.

"May gagawin ka ba bukas? Hanggang bukas kami dito bago bumalik sa City," sabi niya, ang city na tinutukoy niya siguro ay ang capital city ng Aqua Tribe na ang Muriel City, named after the very first Water Griffin General and yes it's a girl.

Iba nga pala ang General sa leader, ang leader kasi ay unofficial. Noong unang panahon ay hindi naman talaga official na Water Griffins ang magdedefend sa tribe namin sadyang tumulong lang talaga ang mga ito na prumotekta hanggang sa yun na ang nakagawian.

So, si Muriel ang very first official general na siyang nangunguna sa Protection Squad ng Water Griffins habang si Arvid naman (yung kasama sa formal name ng Aqua Tribe) ay ang nanguna sa pinakaunang grupo ng Water Griffins na nag-defend sa Aqua Tribe.

"Sorry birthday kasi ni lola," nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Akala ko ngayon ang birthday niya, akala din nila mommy," natawa naman ako, nakita ko na naman siyang mapangiti.

"Ganoon talaga sila lola, mahilig sa mga welcome home parties. Mas mahalaga daw yun kesa sa birthdays, for some reason may sentimental meaning na ang pagbabalik ng isang tao sa family namin," sabi ko, ang hula ko ay dahil yun sa kung paano binalikan ni lolo si lola at kung paano binalikan ni daddy si mommy.

They both left for different reasons but came back for the same reason, for love.

"Next time then," sabi naman niya sa akin bago tumayo at nilahad ang kamay niya sa akin, nagdalawang isip pa ako kung kukunin yun pero ng makita niyang magalinlangan ako ay binawi niya yun kaya napangiti ako at tumayo ng sarili.

Not The Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon