Chapter 27

380 24 5
                                    

Valarie

Inaayos ko yung pagkakasuot ko ng hoodie ko habang palabas ng bahay ng makita ko si Kyllen sa may gate namin, naghihintay.

"Ky? Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko habang binubuksan ang gate para makalabas na ako. Nag-angat siya ng tingin at ng makita ako ay ngumiti.

"Ky?" Tanong niya at innosente naman akong tumango.

"Hmm, ang haba kasi ng Kyllen," tumatango ng mabagal na sabi ko at napangisi naman siya. Mukhang nagustuhan naman niya.

"Tara?" Sabi niya at nilahad ang kamay niya tinignan ko naman siya na para bang sinusuri siya. Bumuntong-hininga naman siya.

"I won't assume," nakangiting sabi niya kaya alinlangin ko yung tinanggap. His hand is so warm and comforting.

Nangunot ang noo ko ng makita na naglalakad kami papunta sa Water Station, pinagtitinginan na kami at pinagbubulungan.

"Hindi tayo magt-teleport?" Takang taning ko at nakita ko naman kung paano siya ngumiti, nagustuhan ang tanong ko.

"Nope, napansin ko kasi na nahihilo ka," sabi niya at hindi ko maiwasang mapangiti.

"So sasamahan mo lang talaga ako?" Maingat na tanong ko at tumango naman siya, ang ganda talaga ng ngiti niya!

Tinap ko na ang id ko at ganoon din ang ginawa ni Kyllen, hindi niya talaga binitiwan ang kamay ko kaya di ko maiwasang matawa dahil na hirapan pa siyang kunin ang id niya.

"Ang cute niyo naman po," sabi noong isang Water Knight na nakastation sa bungad ng Water Station. Hindi ko maiwasang mamula.

Nginitian lang namin siya at hinintay na ang express carrier. Pag sakay namin ay napansin ko ang iilang mga naka Aqua Academy na uniform.

"Ngayon yung mock battle diba?" Mahinang tanong ko kay Kyllen at tumango naman siya, sinusuri din ang mga yun.

Napansin ko din kung paano kami titigan ng mga nandoon. May ilang nagulat pero wala namang naglakas loob na kumuha ng litrato.

"Are you ready Lead Fu or should I say..." Nanlaki ang mata ko ng tumungo siya at bumaba ng konti para bumulong sa tenga ko.

"Va-la-rie-sama~," maingat at malambing na sabi niya kaya agad akong namula. Hala...

Nagiwas na lang ako ng tingin, ang bilis ng tibok ng puso ko...

Napalabi naman ako ng marinig na matawa siya, gustong-gusto niya talaga pagnapapahiya ako e!

"Si ano pala si kuya, wala pa din?" Pagiiba ko ng topic at matunong naman siyang bumuntong-hininga.

"They did mention it's going to be a tough mission. But hey, malakas si Vriee and besides he'll need to do it one way or another," sabi niya kaya naman ako na ang napabuntong-hininga.

Hindi ko naman kasi maiiwasang matakot...

Ng makarating sa Central District ay lumabas na kami. Napagdesisyonan namin na sumakay ng hoverboard. Di ko maiwasang humanga sa hoverboard niya, well maintained din.

Not The Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon