Chapter 35

410 25 5
                                    

Valarie

Naningkit ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang mga Light Knight na nakapalibot sa akin. Nandito kami ngayon sa isang carriage.

"Wag ka na magisip na tumakas dahil hindi ka makakatakas," sabi noong isa kaya naman napahinga na lang ako ng malalim bago sumandal.

"Wala naman po akong balak," sabi ko na lang.

Nakikita ko kung paano sila naaalarma sa tuwing kumikinang ang marka sa pisnge ko.

"Itigil mo yan!" Utos ng isa kaya naman napa-awang ang bibig ko.

"Pasensya at hindi ko yun kayang gawin," sabi ko kaya naman sinamaan ako nito ng tingin.

E sa hindi ko nga talaga mapigilan. Hindi ba nila alam na ang marka ko sa pisnge ay kumikinang kapag nakakaramdam ako ng matinding takot, lungkot, o pagaalala?

"Napakabigat ng magiging parusa mo Nhinyae," sabi ng isang babaeng Light Knight, napalunok naman ako.

Hindi pa din ako makapaniwala na dinakip ako. Pero hindi ko maintindihan kung bakit nila ako hinuhuli sa pagpatay ng isang Light Knight? Sila ang umatake sa amin ng walang pasabi!

F L A S H B A C K

"I'm sure you have evidence with the rest of the violations but killing a Light Knight? Are you pertaining to that piece of garbage?" Lahat ay natigilan sa sinabi ni Miss Rebecca, napatingin ang lahat sa nagiging abo ng katawan ng nakaharap ko kanina.

Nanginginig ang aking mga kamay at hindi ko maintindihan kung bakit siya namatay. Sinalag ko lang naman ang kaniyang tira.

"You can't just simply arrest a student!" Napalingon naman kami at nakita ang isang grupo ng mga Light Knights, kung isang normal na sitwasyon lang yun ay makakahinga ako ng maluwag pero hindi.

Alam kong wala akong kasalanan sa pag patay ng isang light knight pero ang pakikipagkita sa isang Crystal blood? Guilty na guilty ako doon, pero hindi ko yun pinagsisisihan.

"Lieutenant can you please explain why on earth are they accusing Ms. Nhinyae of killing a Light Knight? I wasn't informed that we will be undergoing a drill and why⎯no let me rephrase that, how on earth can a girl like Ms. Nhinyae kill a Light Knight," sabi ni Miss Rebecca, agad naman lumambot ang puso ko.

Miss Rebecca has always been strict but I do know for a fact that she cares for us the most. Seeing her defend me? Nakakalambot talaga ng puso.

"We will discuss this with the high court Lady Rebecca," seryosong sabi noong Light Knight, nakita ko din kung paano niya sinamaan ng tingin yung mga umatake sa amin. 

Oo nga pala, isang Lady si Miss Rebecca. May mataas siyang posisyon pero kahit ganoon ay pinili niyang maging guro dito sa Academy.

"Valarie," naiiyak na tawag sa akin nila Kathy pero nginitian ko lang sila.

"I'll be fine," sabi ko naman kahit na hindi naman ako sigurado kung magiging okay nga ba ako.

Pero ganoon naman talaga? Minsan sapat na ang salitang I'm fine.

E N D  O F  F L A S H B A C K

Not The Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon