Chapter 19

407 25 3
                                    

Valarie

"Ang iksi naman ng sembreak pati ano kayang meron at may pa announcement agad?" Nandito kami ngayon sa Express Carrier ni Kathy. Hindi na kami nakapagkita-kita noong weekend dahil for some reason ay hindi daw pede lumabas.

"Nakakapagtaka din dahil parang may ginawang meeting yung mga high-tiers?" Hindi siguradong sabi ko sakto naman na nakarating na kami sa stop namin kaya agad kaming sumakay sa hoverboards namin at pumunta na sa school.

"Woah! Bagay nga sayo yung black hair Sleigh," sabi ni Kathy ng makasabay na namin sila Sleigh at Therese.

"Valarie may hindi ka ba sinasabi sa amin?" Nabigla naman ako sa tanong ni Therese, at napatingin din sa akin sina Kathy at Sleigh na parang may naalala. Hala?

"Hmm, hindi ko alam. May hindi ba ako nasabi sa inyo?" Inosenteng tanong ko, sakto naman na nakarting na kami sa school at hindi namin alam kung anong ngyayari pero parang ang dami na namang mga fairies. Ano ba ang ngyayari?

Sakto naman na nakasalubong namin sina Saedi-sama at Kyllen, naka-akbay si Saedi-sama kay Kyllen at mukhang nakakatawa yung pinaguusapan nila dahil ang ganda ng ngiti nilang pareho. Nakita ako ni Saedi-sama na nakatingin kaya naman ngumisi ito kaya naman napaiwas ako ng tingin, kinapa ko na naman yung kwintas na suot ko at agad naginit ang pisnge ko.

Ano ba Valarie...

"That necklace really suits you, see you later," namula ako at walang nagawa kung hindi tumango ng sabihin yun ni Kyllen at narinig ko naman na matawa si Saedi-sama.

"That! Hindi mo man lang sinabi sa amin na nililigawan ka na pala! At ano daw?! Bigay niya ba Valarie Scarlett Nhinyae yang necklace na suot mo?!" Dire-diretshong sabi ni Therese kaya naman napanganga ako.

"P-Paanong, ano?" Hindi ako makapaniwala na yun pala ang tinutukoy nila. Sa dami kasi ng ngyari ay nakalimutan ko na yun at paanong nalaman nila yun? Obvious ba? Hala...

"Gosh Valarie, kalat kaya! Hindi din naman tinanggi ni Kyllen-sama kaya ayun inassume na ng lahat na ganoon na nga! And, oh my goodness," nagulat ako ng naputol ang sinasabi ni Kathy ng bigla niya akong hilahin palapit sa kaniya kaya napunta ako sa likod niya. Pumunta naman sila Therese at Kathy sa harap ko habang si Sleigh naman sa gilid ko.

"Oh! Ba't niyo tinatago ang malanding yan? Ipakita niyo naman ang mukha ng babaeng nililigawan ni Candidate Successor Kyllen-sama, gusto namin malaman kung karapat dapat ba siya," sinilip ko kung sino yung nagsalita at agad na dumapo ang paningin ko sa badge niya. Isa siyang higher year at high-tier din siya...

"Ang landi mo talaga ano? Noong una si Vriee-senpai ngayon naman si Kyllen-sama, hindi ka ba marunong makuntento?" Nagulat naman ako ng sabihin yun ng isa pang babae at dinuro pa talaga ako kaya naman hinarang ni Therese ang sarili niya, napatingin ako sa badge niya at ganoon na lang ang gulat ko ng makitang lower year siya pero kahit ganoon ay high-tier pa din siya.

Grabe naman ang lakas ng loob niya...Pati bakit parang naiinis sila sa akin? E, hindi ko pa nga sila nakausap noon...

"Wala kayong karapatan na tawaging malandi si Valarie dahil hindi siya malandi. Wala din kayong karapatan na husgahan siya kung karapat dapat ba siya o hindi kay Kyllen-sama dahil si Kyllen-sama na ang bahal doon, besides ano bang papel niyo dito ha? Ikaw, you should know better dahil higher-year ka. Ganyan ba talaga paguugali ninyo?" Natahimik sila ng magsalita si Kathy, bakas ang inis at panggigigil dito.

Hindi sila mkasagot dahil nga part ng student council si Kathy. Simula din ng makita nila ang ngyari doon sa mga higher years sa cafeteria na ng b-bully ay wala ng naglakas loob na maliitin si Kathy dahil lang isa siyang mid-tier.

"At una sa lahat kapatid siya ni Vriee-senpai, bobo ka ba?" Hindi ako makapaniwala ng sambitin ni Sleigh yun, maging si Therese at Kathy ay nagulat.

"Sleigh," na sabi ko na lang pero nginitian niya lang ako bago seryoso na tumingin ulit sa mga babae napapikit naman ako.

Napatingin ako sa orasan ko at nakita na malapit na mag-bell. May morning announcements pa!

"A-Ah, malapit na mag-bell. Tara na," na sabi ko na lang at napabuntong-hininga naman sina Therese bago sinamaan ng tingin ang mga babae na masama din ang tingin sa kanila.

"We're not done yet," sabi noong higher year bago nilagpasan si Kathy pero agad din siyang hinatak ni Therese na kinagulat nila, rather kinagulat naming lahat. Softie si Therese...

"Talaga lang, because once you touch our Valarie you...all.of.you.will.pay," mariin na sabi ni Therese bago marahas na binitawan ang wrist niya at tumalikod na at naglkad palayo. Agad naman kami sumunod.

Hindi ko mapigilang kabahan at manginig. Nakakatakot, sinulyapan ko sila at nakita na mga seryoso pa rin ang mga mukha nila. Napabuntong-hininga ako, hindi ko akalain na kayang lumamig ng ganoon ang mga bosses nila! Hinawakan naman ni Sleigh ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya at nginitian naman niya ako.

"We'll protect you Valarie," nakangiting sabi nito at napatango na lang ao at napabuntong-hininga.

Pinro-protektahan na naman ako, hayst. Bigla na naman akong may naalala kaya naman agad na nagsitaasan ang mga balahibo ko. "I'll protect you Val, I promise." Malamig ang bosses na yun pero sa hindi malamang dahilan ay nagbigay init at ginhawa sa akin, napailing na lang ako.

Pagdating namin sa auditorium ay pinagtitinginan kami, or rather ako. Agad naman ako pinalibutan nina Kathy. Hala...

Naupo na kami at sakto naman na nagsimula na. Nagbulungan ang lahat ng si Headmistress Lucinda ang umakyat ng stage. Anong ngyayari?

"Hala anong ngyayari?"

"May malaki bang problema?"

"Huy kinakabahan ako bigla!"

"Sshh! Wag kayo maingay!"

"We will increase the training levels to difficulty, all 5 tribes are preparing for war," agad naman nagingay ang lahat, hindi makapaniwala. Kahit naman siguro na tinuruan kami na maging kalmado ay sadyang nakakagulat ang news na ito.

"Silence! There will be a pres conference later which everyone is required to watch, it will be displayed in all media outlets. I expect all of you to face this calmly and in a professional way, there is no division when it comes to war and I hope you wouldn't be distracted in any means. I hope you won't disappoint me," pagkatapos noon ay umalis na din agad si Headmistress Lucinda agad naman umakyat sa stage sina Ate Francine at Lester-sama.

"The student council will be stricter than ever when it comes to foul plays. We have eyes and ears everywhere and do know that the punishment isn't merely cleaning up your own mess, it could go as far as suspension. This is no time for playing games," seryosong sambit ni Ate Francine agad naman natahimik ang lahat, nakaramdam din ako ng ilang pag sulyap sa akin.

Hindi ko ba alam pero parang mas tumalas ang pakiramdam ko e hindi naman ako ganito.

"That concludes this morning announcements, there will be more in the future. Train hard Heixians," conclude ni Lester-sama at bumaba na ng stage.

I wonder ano ang meron sa press conference na yun? Napabuntong-hininga na lang ako. Peace is over and it's time for war. Worse it's not with someone we're familiar with...

Napasulyap ako sa likod ko at may nakita na mabilis na anino, it's barely visible. Hindi ko maiwasan na kabahan. I don't think we could trust just anyone...

Not The Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon