Chapter 23

377 24 2
                                    

Valarie

"Grabe naman pala ka-mysterious! Biruin mo may pa letter lang na magsasabi sayo na nakakuha ka ng position. Ang exciting!" Na sabi na lang ni Kathy habang naglalakad kami papunta sa canteen.

Tapos na ang mga klase namin ngayon at half day lang kami. Hindi ko din ba alam bakit.

"True! Pero mas maganda na din yun, para walang masyadong fuss. Alam mo naman inggitan ganoon, for sure magagalit na naman yung mga kapwa-Middle tier natin kunsakali na straight High Tiers ang makakakuha ng position," sabi ni Therese kaya napatango-tango naman ako.

"Pero sasali kayo sa contest? I mean for the upcoming contest for the positions kyosha, keima, gin, and kin?" Tanong ko sa kanila bago pumasok sa canteen.

Natahimik naman kami ng makita ang mga candidate successors na may kaalitan. Hala sinong mga naglalakas loob?

"Wag na kayo mag-assume na makukuha ninyo yung positions. Hindi porket kayo ang mga candidate successors ay mapupunta na sa inyo ang lahat," sabi noong isang babae. Siniko ko si Kathy kaya agad siyang bumulong sa akin.

"Kennedy Rin. Supposed candidate successor siya pero natalo kasi ng family nila Sir Stanley and Rin family kaya natanggal ito sa top 3 main families," bulong ni Kathy at napatango-tango naman ako.

Hinila kami ni Sleigh nila Kathy at Therese paupo sa upuan at nakinig na kami sa alitan. Hay, nadadamay na ako sa pagiging chismosa ni Kathy. Hindi na maganda ito ahehe.

Nilabas ko na ang lunch box ko at ganoon din ang ginawa nila.

"I don't think you'll say those words if ever you were a candidate successor, Kennedy," seryosong sabi ni Lester-sama kaya naman nakarinig kami ng mga tawanan.

Napasimangot naman ako, ang sakit kaya noon. Yung ipamukha sayo na hindi na mangyayari yung gusto mo.

I mean oo medyo mean si Kennedy-san pero dahil lang naman yun sa inggit. I'm sure that we'll have equal opportunities naman, sadyang hindi niya lang yun nakikita kasi ang sa tingin niya ay mas privileged ang candidate successors.

Lumala pa ang inggit na yun dahil naiisip niya na kung hindi lang sana natalo ng pamilya nila Sir Stanley ang family nila ay sana siya ang nasa posisyon at nakakaranas ng privileges na nararamasan ng candidate successors ngayon.

Pero ang sad part nga lang ay hindi niya tuloy nakikita kung gaano siya ka privelleged kesa sa ibang immortal. 

"Oh! Valarie~!" Nabigla naman ako ng bigla akong tawagan at kawayan ni Saedi-sama, napatingin tuloy sa akin ang lahat. Kahit si Kennedy-san ay napalingon sa akin, hindi na sama ang tawag ko sa kaniya dahil hindi naman siya candidate successor.

Nginitian naman ako ni Kyllen kaya naman namula ako at ngumiti din. Nabigla naman ako ng bigla akong itulak ng pabiro ni Kathy pero mas ikinagulat ko ng naiwasan ko yun.

"Manulak ka pa ha," panga-asar ni Therese kaya naman natawa kami, sandali naming nakalimutan na lahat pala ng attensyon ay na sa amin. 

"Nakita mo yung reflex niya? Grabe!"

"At lagi ba siyang on-guard? Pero grabe mukha kasing wala siyang ka-alam alam!"

"Hindi talaga simple ang taste ni Kyllen-sama."

"Bakit pre ano bang lasa ni Valarie-senpai at na sabi mo na hindi simple?"

Not The Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon