Chapter 33

411 25 9
                                    

Valarie

Nandito kami ngayon sa lake ni Vixon, halos araw-araw na ako dito at susulitin ko na talaga ang libreng pagtuturo niya.  Bukas na din kasi ang alis ko, ayaw ko na din makaabala and besides—may kailangan pa akong gawin.

Alam ko din naman kasi na kailangan din bumalik ni Vixon sa domain nila. He has a responsibility, hindi na talaga kami mga bata...

"Minsan nagtataka ako bakit ang galing-galing mo. Top ka siguro sa class," sabi ko habang nagwawasiwas ng espada, nagawa ko ng kontrolin ito.

Hindi na din ako masyadong nabibigatan at hindi ko na din nasusugatan ang sarili ko. Magaling din mag-heal si Vixon.

"Not really, I took the year off," nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Hala bakit?" Tanong ko, napatigil din ako sa pag wawasiwas ng spada bago tumingin sa kaniya.

"I had a mission to tend to," nangunot naman ang noo ko mission? Diba para yun sa mga royalty nila? Tama ba ako?

"Mission? Diba sa royal families niyo yun? Hala ganoon ka ba kagaling?" Hindi ko maiwasan na ma-excite, may kung ano sa akin na masaya at proud sa kaniya.

"Ka-proud ka naman! Tapos ito ka at tinuturuan ako! Libre pa talaga," hindi talaga ako makapaniwala.

Dati kasi ay akala ko, magaling siya kasi nga sagana sila sa life and magic energy. Pero kung iisipin ay napaka-hardworking niyang immortal. Noong mga panahon na nakikipaglaro at kwentuhan ako sa kaniya ay nasisingit at nasisingit niya ang pageensayo.

Napakagaan sa loob na nakuha niya ang nararapat sa kaniya, na-ahieve niya ang pinaghirapan niya.

"Ahehe," na sabi na lang niya. Pa-humble din e!

"Hala, hindi ka ba hinahanap sa school niyo ganoon?" Tanong ko, I mean who knows ilang araw na siyang wala.

Nandito din siya so ibig sabihin tapos na yung mission niya, bakit hindi agad siya bumalik?

Bigla naman akong nalungkot. Oo nga pala, hindi siya taga rito. Kailangan niya bumalik someway, somehow.

"They're cool with—," naputol ang sasabihin niya ng biglang may lumitaw na babae sa harap niya. Na sa hologram ito.

Hindi ako nakikita ng babae pero nakikita ko siya. Napakaganda niya!

"What the hell Aver!" Bungad noong babae sa kaniya, mukhang galit ito.

Pero ano daw? Aver? Siguro yun yung nickname niya, napaka-intimate naman...

"Haha, chill Aly. Woah, you looked stressed. Nagpapahinga ka pa ba," sabi ni Vixon, kahit na ngaasar ito ay kitang-kita ko kung paano gumuhit ang pagaalala sa mata niya.

Nilihis ko ang tingin ko kasi parang hindi ko matagalan na tignan silang naguusap.

"You! Agh you're playing around again aren't you? You traitor! Get your ass back here!" Inis na sabi noong babae, napaka-close nilang tignan...

Not The Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon