Chapter 2

1K 33 10
                                    

Valarie

Pumasok na kami sa music room at nilabas ang wings namin bago lumipad sa seat namin. Malawak ang music room at ang seats namin ay nakalutang sa sides habang ang teachers desk ay nasa malapit sa board.

"Hi Kathy!"

"Good morning Kathy,"

See? What did I tell you? Sikat si Kathy ahaha. Basta kasi na sa council ka or may kaibigan or kaclose kang successor candidate o kaya naman any person na relative or connected sa 3 big families ng bawat tribe ay famous ka na. Add the fact na ace player ng air hockey si Kathy at maganda siya. Diba? Full package ahaha, sigurado pag narinig niya ang iniisip ko babatukan ako noon. Buti na lang nakasara ang mind ko.

"Ang famous mo talaga girl," sabi ni Therese pero tinawanan lang siya ni Kathy, wala namna kasi kay Kathy ang pagiging sikat niya.

Umupo na kami at nakinig na kay Miss Mitch. Habang nakikinig ay nagt-take notes ako.

~**Lunch Time**~

"Valarie ang sarap talaga ng luto ng dad mo," sabi ni Sleigh habang nginunguya ang ginawang singing mushroom soup ni daddy. Oo singing ahaha!

"Ano ka ba Sleigh syempre masarap yan kilala ang restaurant nila Valarie na Vrilarie Siren Resto for having the best tasting foods! Add the fact that it's foods are fun and cute!" Kathy exclaimed, well si daddy kasi ang tipong mukhang cold at serious na tao di siya showy kaya sa foods niya nilalabas ang feelings niya.

Habang kumakain ay biglang lumabas ang hologram at doon pinakita ang picture ni kuya. Pinindot ko ang accept at doon lumabas ang mga mukha nila Kuya Kenneth at Kuya Skie.

"Hi Valarie!!" Bati ni Kuya Kenneth isa sa mga bestfriends ni kuya.

"Hello Valariee!" Bati naman ni Kuya Skie isa rin sa mga bestfriends ni Kuya.

"Na una pa talaga kayo sa akin abuh?!" Sabi naman ni Kuya kaya napatawa ko.

"Sino yan Valarie...omo! Kenneth Ohire, Skia Dehlthon, at Vrieeshan Nhinyae," singhap nila Sleigh, oo nga pala di pa nila na meet ang kuya ko.

Hindi naman nakakapagtaka na kilala nila sila kuya, sikat naman kasi ang mga ito dahil sa galing nila sa competitions. Si Kuya kasi yung competative type, namana niya yun kay mommy.

"Valarie sinong mga kasama mo?" Tanong ni kuya pagkatapos niya itulak sila kuya Kenneth palayo sa screen or rather hologram.

"Friends ko kuya, bakit ka tumawag?" Tanong ko naman ng bigla kong maalala yung sinabi niya kaninang umaga...

"Hoy kuya! Na saan ka ngayon?!" Sigaw ko nabigla naman si kuya.

"N-Na sa field bakit?" Tanong ni kuya pero binabaan ko na siya ng tawag.

"Kathy paki ayos na lang gamit ko ah I'll be right back," sabi ko bago ko pinalabas ang water wings ko at lumipad papunta sa field.

Pagkarating ko sa field na kita ko si Kuya kaya agad akong lumipad papunta doon at tumalon sa kaniya bago ko kinurot ang tenga niya.

Not The Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon