Chapter 6

573 31 4
                                    

Valarie

"Excited na ako sa events ngayong month," nakangiting sabi ko habang papunta kami sa next class namin, History. Ia-announce din mamayang uwian ang mga events ngayong month kaya hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi na para bang hindi ako napahiya kaninang lunch sa harap ng mga candidate successors.

"Lakas maka excited hindi naman sumasali," panga-asar ni Sleigh kaya naman napalabi ako, bastos. Pero tama siya, hindi ako sumasali sa mga events kahit pa na may plus points yun at prizes na handa kang mapahiya para lang makuha. 

Hindi ko ba alam, kahit na maghanda ka ng isang dragon na sobrang mahal, mas mahal pa sa buhay ko para sa akin ay hindi ako magiging interesado. Ang ugali ko daw na yun ang nagustuhan sa akin nila mommy at maging nila Kathy. 

"Basta i-cheer niyo ako sa air hockey ah!" Nakangising sabi ni Kathy bago umakbay sa akin, agad naman kami nagsingitian.

"Won't miss it," sabi naman ni Therese, si Kathy lang kasi naman ang may sport sa aming apat kaya lagi kaming may oras para supportahan siya at kung wala man ay gagawa kami ng paraan para masupportahan siya.

Pumasok na kami sa classroom at umupo na. Hinanda ko na ang mga libro at notebook ko at nakipagkwentuhan muna kila Kathy habang wala pa si Miss Edna, ang History Teacher namin.

Agad kaming nagsitayuan ng dumating na siya, mukhang good mood si Miss Edna kaya naman madaming napahinga ng maluwag. Pag mad mood kasi ito ay agad na nagbibigay ng mini quizzes during class, as in super random niya magtanong kaya dapat lagi kang nagbabasa o kaya naman updated sa buhay niya para makapag handa ka.

"Today we're going to talk about the times when the 'legendary team' was made, or should I simply say...we'll talk about the way of living during the times our current Tribe Head's are just students like you here in Heix Academy," panimula ni Miss Edna, agad naman nagtaas ng kamay ang isa naming kaklase kaya napangiti si Miss Edna. Like other teachers, gusto niya na attentive ang mga estudyante sa klase pero syempre dapat may kwenta ang itatanong mo.

"Why is it part of history when it was only a few decades ago?" Tanong nito kaya naman napatango-tango ang iba, agad kong hinanda ang pangsulat ko.

"Good question Ms. Ashforge. Well do you really think that the way we are living today is the same as living in our time a few decades ago? Well then, you are all in for a treat," maganda ang ngiti ni Miss Edna kaya naman mas lalong napukaw ng topic na ito ang aking attensyon.

~**Lunch Time**~

"Ang ibig sabihin noon ay mas naging peaceful ang ugnayan ng bawat tribe sa isa't isa, malaking tulong talaga ang pagiging magkakaibigan ng mga Tribe Heads ano," nakangiting sabi ni Kathy, tulad ko ay nagustuhan niya din ang topic.

"A system that's not focused on competition but on helping each culture grow and reach its full potential. Mas humahanga lang ako sa mga Tribe Heads," nakangiti ding sabi ni Therese, kahit si Sleigh ay napapatango.

Nakakatuwa lang talaga na magkaroon ng mga kaibigan na interesado din sa mga aralin namin. Pero kahit ganoon ay hindi nawawala ang kalokohan dito, napaka-balanced lang namin and I couldn't ask for better friends. Sapat na sila para sa akin, sapat na sa akin ang ganitong pamumuhay kahit na ang sabi nila ay I'm capable to do more but why will I want more when I love settling for less.

Sigurado din ako na may mga iba pang tao na mas may kailangan ng opportunity, the opportunities that I see for myself, I let them pass by and be claimed by those worthy. Para sa akin kasi ay kailangan mo ng determination, a certain goal to keep on going which I don't.

Not The Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon