Chapter 7

532 31 2
                                    

Valarie

"Arie! Sabay na tayo!"Napapitlag ako habang nagsasapatos ng bigla akong akbayan ni kuya, muntik na akong matumba sa gulat.

"Nakain mo? At bakit ang late mo ngayon?" Takang tanong ko dahil laging mas maaga ito sa akin, may practice kasi sila lagi lalo na't malapit na ang events.

"Tara na, tara na," hindi na ako naka-angal ng buhatin niya ako ng bridal style at nagteleport papuntang school, ganoon na lang ang gulat naming dalawa ng paglitaw namin sa school ay siya ding pag-pasok ng mga candidate successors.

"Wangya ka talaga dapat sa middle section na lang tayo nagteleport!" May diin na bulong ko sa kaniya bago niya ako dahan-dahang binaba. Subukan niya akong i-prank ngayon at ipapakita ko kila mommy yung sugat na matatamo ko dahil sa kaniya. 

Kung nagtataka kayo kung paano ako nakapasok sa upper section e hindi naman ako high-tier yun ay dahil buhay-buhat ako ni kuya, pede ka kasi magdala ng taga lower sections sa upper section. Specially pag blood related o kaya naman ay magkasintahan...

Agad kaming tumayo ng maayos at tumungo bilang pagbati sa kanila. Ang awkward huhu...

"Hindi na talaga ako sasabay sayo, nakakahiya ka," na sabi ko na lang ng malampasan na kami ng mga candidate successors. Pero ganoon na lang ang gulat namin ng biglang magsalita si successor candidate Saedi-sama, he's from the head family of the Fiery Tribe, the Miyabe family...

"Napakabilis mo naman pala kumilos Vriee, di mo naman sinabi na may jowa ka na pala," ganoon na lang ang gulat ko ng kilala niya si Kuya, napapikit naman ng mariin si kuya.

"Shut up Saedi, she's not my girlfriend," mas lalo akong nagulat ng ganoon na lang magsalita si kuya sa isang successor candidate!

"Oh! Siya yung girl sa cafeteria right? The one with singing food!" napaharap na kami ngayon ni kuya at nakatingin na pala sila sa amin, napalunok ako sa talim ng tingin sa akin ni Nympha-sama ayaw ko na...

"You're really interesting!" Sabi pa ni Emelisa Komatsu, the successor candidate of the Head family of the Terros Tribe, siya din yung nagsalita kanina. So she remembers me huhu, nakakahiya talaga ayaw ko na talaga kay Kuya.

"Idiots, they're siblings," ngayon si Lester-sama naman ang nagsalita na sumulyap din sa akin pero agad akong tinakpan ni kuya. Napaka-ewan talaga minsan...

"I won't take your beloved sister from you Vriee, chill," first time ko marinig tumawa si Lester-sama, nawala na din yung matalim na tingin sa akin ni Nympha-sama. 

"Woah! Where did you get the food by the way? It was funny," napalunok ako sa kaba ng si Princess Erinne na ang magsalita, ang ganda niya tumawa at ngumiti. She really is a princess, hindi din biro ang presensya nila.

I wonder if the rumours are true...

"What rumours?" Napalunok ako ng marinig ko ang bosses ni Hylda-sama sa isipan ko, nakatingin din siya sa akin. Siya ang candidate successor ng Aerial Tribe, from the Kiyowara Family.

Nagiwas na lang ako ng tingin at kinalma ang sarili bago sinara ang isipan ko. Nakita ko kung paano tumaas ang isa niyang kilay kaya napalunok ulit ako. The pressure's no joke.

"Right we haven't toured you yet Erin, well then we'll stop by at your resto then Vriee," sabi naman ni Kyllen Kanaou, the successor candidate of the head family of our Aqua Tribe.

"Yeah yeah whatever, now my sister will be late. Excuse us," hinila na din ako ni kuya paalis kaya naman tumungo na lang ako sa kanila at umalis na kami.

Not The Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon