Chapter 41

332 18 4
                                    

Third Person's POV.

While everyone was busy, planning and at the same time attacking. Valarie went on her way to the battlefield. Hindi pa din siya makapaniwala na hindi siya ng hihina kahit na ilang kalaban na ang mapuksa niya.

Kahit papaano ay swerte siya dahil puro mga traydor ang mga nakakalaban niya, hindi niya pa din alam ang gagawin kunsakali na makasalubong siya ng isang Light Knight. Pero ang hindi niya alam ay halos hindi na siya makilala sa suot niya.

"M-Mage! Tulungan mo kami parang awa!!" Napalingon si Valarie sa sumigaw at doon ay nagulat siya sa nakita.

May nanay na umiiyak habang hawak-hawak ang sanggol na duguan at pinapalibutan sila ng mga hindi makilalang mga halimaw. Nakatingin ng direkta kay Valarie ang ina, ang luhaan nitong mukha ay sumisigaw ng tulong at takot.

Hindi man alam kung ano ang kakayahan ng kalaban, sumugod si Valarie. Itinaas niya ang kaniyang scepter at nagliwanag ito, humaba ang dalawang chain na nakakabit dito at ipinulupot niya ang mga yun sa dalawang halimaw bago hinila ng buong lakas naglalagay ng Magic energy sa ibang parts ng body niya para makaya ang bigat ng mga iyon.

Ng bumagsak na ang dalawa ay nagkaroon ng daan para makatakas ang magina kaya agad na tumakbo ang nanay.

"AHHHH!!!" Alulong ng mga halimaw bago nagsiatrasan, umilaw na naman ng pula ang scepter.

Valarie knew better, hindi niya kakayanin ang mga halimaw na iyon kaya naman agad siyang tumakbo ng may makita na may mga parating ng Light Knights. 

Habang tumatakbo ay napatingin siya sa kalangitan. Wala na ang boarder...

Hindi napansin ni Valarie ang panang palapit sa kaniya sa isang mabilis na paraan, ngumisi ang nakaitim na bulto na siyang nagpakawala ng pana ng makita kung gaano ka kawalang alam ang kaniyang target. Pero ganoon na lamang ang gulat niya ng pagkurap niya ay sa kaniya tumama ang pana na pinakawala niya.

"P-Paanong..." Hindi niya na natuloy pa ang sasabihin dahil tuluyan na itong nalagutan ng hininga.

Tila bumagal ang pagtakbo ng oras ng bigla na lamang may humapit sa bewang ni Valarie at inikot siya habang walang ka-effort effort na pinatalsik ni Vixon ang pana gamit ang kamay na siyang dahilan ng pagbalik nito sa kung saan man ito nanggaling.

"Didn't I always tell you to be alert?" Hindi makapagsalita si Valarie ng kausapin siya ni Vixon, tinitigan niya lamang ito.

Ni hindi nga nito napansin ang kasuotan nito at kung paanong may dalawang nakaitim na lalaki ang nasalikod niya, nagtataka sa kung bakit sinalba ng kanilang prinsepe ang kalaban. Pero kahit na nagtataka ang mga ito ay wala naman silang lakas ng loob para tanongin ang isang Averisky Avix Thunder Darkia.

"Seriously? Ano tititigan mo na lang ako?" Ng muling magsalita si Vixon ay umayos na ng tayo si Valarie bago tumikhim, namula pa ng konti.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Agad din naman nagsisi si Valarie ng itanong niya iyon, gusto na lamang niya sampalin ang sarili sa kaniyang walang kwentang tanong pero mas mahihiya siya paggagawin niya iyon sa harap ni Vixon.

"Pft," pigil ng tawa ni Vixon, hindi niya maiwasan na matawa sa sinabi ng dalaga. Hindi man nito pinapahalata pero ramdam niya kung gaano siya na-miss ng dalaga, assumero hindi ba?

"The Prince of the Dark Kingdom can't be missing in action," nakangising sambit ni Vixon na siyang nagpa-angat ng tingin kay Valarie na kanina pa nakatungo.

Gulat na gulat si Valarie sa narinig, hindi makapaniwala. 

"H-Ha?" Nakangangang sambit nito na mas lalong nagpatawa kay Vixon, hindi na magawang magulat pa ng mga kasama nito sa inaasal niya.

Not The Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon