Chapter 14

455 23 0
                                    

Valarie

"Sigurado ka ba na hindi mo na hihintayin ang kuya mo?" Nagaalalang tanong ni mommy sa akin habang nagsasapatos ako, ready na umalis.

"Mommy I'll be fine! Pati sigurado ako na busy din si kuya, malaki na ako," nakalabing sabi ko kaya wala ng nagawa si mommy kung hindi ang mapahinga ng malalim.

"Just call me pag may ngyari ha? And be home before it gets dark, mamaya mawala ka na naman tulad ng ngyari noon o kaya naman mamaya mag-collapse ka sa kung saan," nagaalalang sabi ni mommy kaya naman natawa ako.

"Wala naman masamang ngyari noong nawala ako ah! Gumanda pa nga ang lagay ko diba? Malaki na ako mommy and I promise to be careful okay? Accessible pa din naman yung school weapon ko kunsakali na may mangyaring masama, na hindi mangyayari!" Pahabol ko ng gumuhit na naman ang pagaalala sa mukha nila ni lola.

Pagkatapos ng ilan pang bilin at pangako na magiingat ako ay nakaalis na din ako ng bahay. 

"Saan punta niyo ma'am? Kailangan niyo po ba ng maghahatid sa inyo?" Tanong sa akin ng isa sa mga katulong dito, mukhang naguusap kasi sila ni Mang Tony, kinawayan ko naman ito kaya nginitian ako nito.

"Hindi na...teka sorry bago ka ba ahehe," na sabi ko na lang, hindi ko kasi alam ang pangalan niya.

"A-Ay, Boy na lang po ma'am," Boy?? Yun talaga pangalan niya?

"O-kay, nice to meet you Boy. Ingat kayo, maya na lang tayo magkwentuhan Mang Tony!" Excited na paalam ko at natawa naman si Mang Tony.

Tinawag ko na yung hoverboard ko at lumitaw naman ito mula sa langit at tumigil sa harapan ko. Sumakay na ako doon at lumipad na papunta sa siyudad dito. Buti na lang talaga at accessible pag sembreak ang mga hoverboard namin.

Pagkadating ko doon ay bumaba na ako sa hoverboard ko at pina-alis na yun, tatawagin ko na lang ulit mamaya. Ano kayang pede kong ipasalubong? Hindi na kasi ako nakabili dahil nga sa aksidente na yun, dumiretsho pa kami dito.

Dadating kasi mamaya ang mga pinsan ko, pati sila lolo at lola sa mother side namin ay dadating mamaya para sa kaarawan ni lola.

"Mamamasyal ka din pala sana pumayag ka na kahapon sa alok ko," napalingon ako ng may magsalita sa likod ko at ganoon na lang ang hiya na naramdaman ko ng makita si Kyllen-sama na nakapamulsa sa likod ko, nakangisi ito.

"K-Kyllen-sama," wala sa sariling tawag ko sa kaniya, napalinga-linga ako at nakita na pinagtitinginan kami ng mga tao. Hala...

Hindi naman kasi ako pumayag sa alok niya dahil baka gusto niyang mamasyal dito e bibili lang naman ako ng mga regalo para sa mga pinsan ko at sa bahay lang din naman ako buong araw...

"Ahaha, don't worry I'm not mad. Besides since I saw you here already then let me help you wit your errands, pati sinabi ko na rin naman sayo diba? Call me Kyllen, parang hindi naman ako nanliligaw sayo," napanganga naman ako ng sabihin niya yun, agad na namula ang mukha ko kaya siguro natawa na naman siya.

Man-Manliligaw?! Nanliligaw siya sa akin?! Hala...

"Nako sagotin mo na ang manliligaw mo hija, aba't kay gwapo na nilalang naman nito! Mukha pang mabait! Bagay na bagay kayo hija." Napalingon naman ako sa ale na nagtitinda ng mga pangipit sa buhok, namula ako ng mapagtanto na narinig niya pala ang paguusap namin.

Pati a-ano daw? Kami ni Kyllen?? Bagay?? Ano ibig sabihin noon?

"Hindi ko naman po siya minamadali. Pero salamat po sa supporta, ah dahil po diyan ay bibilhin ko na po lahat ng tinda ninyo!" Nanlaki naman ang mata ko at maging yung mata noong matanda sa sinabi ni Kyllen.

Not The Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon